💕 NOBODY'S BETTER 17 💕

50 4 0
                                        

"Alam mo beshywap, kapag gusto ko ang isang tao, sinasabi ko agad sa kanya. Well, hindi naman direktahan na aamin ka, ang ibig ko lang sabihin ay sabihin mo in a different way para sa ganoon alam na niya."

~CELA CARELL REITZ

❌❌❌

💕 NOBODY'S BETTER 17 💕

Last day na ng practice namin ni Oppa Baekhyun at marami akong nalaman tungkol sa kanilang dalawa ni Oppa Chanyeol. Kung paano sila nagkakilala at kung paano nila hinarap ang problema ng relationship nila especially dahil ayaw daw ng both parents nila ang naging relationship nila.

Nalaman ko din kung paano ipinaglaban ni Oppa Chanyeol si oppa Baekhyun sa parents niya at sinabing papakasalan niya ito. Sa una daw, siyempre nagalit sila pero katulad ng quotes na 'Love conquers all things', both oppa Baekhyun at oppa Chanyeol gained the freedom and tear down the strings that there both parents had created. At dahil sa narinig ko, mas lalo akong humanga sa couples na ito dahil mahirap ang pinagdaanan nila at marami silang pagsubok na iniharap pero tignan mo nga naman, sa altar din pala sila hahantong eh.

Yep! Tama kayo ng narinig. Sa altar sila hahantong dahil pagnatapos na daw sila sa college life nila ay ikakasal na daw sila. They even invited me sa kasal eh sinong hindi tatanggi eh both of them mahirap tanggihan. Bwahaha! But kidding aside, gusto kong makita silang dalawa na sinasabi nila ang vow nila sa harap ni Lord at sa harap ng madaming tao. Vow of love. Vow of unending Love for each other. ♥️ At nakaka inggit lang huhuhu!

So back to reality, nandito ako ngayon sa may glee club, sa may radio room nila at kakatapos ko lang namin kinanta ang kakantahin namin ni Oppa Baekhyun sa acquaintance. Oppa Baekhyun right now is listening to our recording at tinitignan niya kung perfect na ba lahat lahat (though kakanta kami ng live sa araw na 'yon, siyempre gusto niya perfect.) habang ako'y pinagmamasdan lang siya.

"Yah Keisha? Are you okay?" biglang tanong ni Oppa Baekhyun sa akin ng napansin niya sigurong nakatulala ako sa kanya pero wala naman akong iniisip. Siguro mentally exhausted na ko kaya hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. "Yeah? I guess?" sagot ko rin. Narinig ko namang napatawa siya sa sinabi ko pagkatapos non ay umayos na siya ng upo at naging seryoso kaya siyempre, umayos na rin ako ng upo at naging seryoso na rin.

"Ummm, Keisha, I guess this is the end of our practice but don't get me wrong I still want to work with you if I have a chance but right now we should focus on this especially the said event will be coming so soon so I hope you enjoy hanging with us and I'm so proud and thankful for your effort and time." sabi ni Oppa Baekhyun pagkatapos ay niyakap niya ko. Niyakap ko rin siya pabalik at ilang beses na bumulong ng thank you. Kasi dahil sa kanya, naenhance kahit papaano 'tong talent ko at naging mas confident ako though meron pa rin sa akin 'yong hiya but atleast, oppa Baekhyun lessen it.

Pagkatapos ng ilang chitchat pa ay nagpaalam na ko upang didiretso ng classroom dahil magiging back to normal na naman ang buhay ko.

❌❌❌

Nag lalakad na ko pabalik ng classroom ng bigla kong nadaanan yong gf ni Kelso. Lalagpasan ko sana siya pero napansin niya ko kaya I stop my track. Ang rude naman kung hindi ko siya papansinin dahil gf siya ni Kelso at isa pa, she's nice to me kaya I will repay it.

"Hi Keisha." Sabi niya sabay ngiti sa akin. I smiled back. "Nice to see you again." Sabi niya ulit. Sasagot sana ako at tatanungin kong anong pangalan niya ng bigla akong nafreeze sa kinatatayuan ko dahil narinig ko ang boses niya.

"Jenicha!" Wika niya. Biglang tumingin si Jenicha sa likod ko at kinawayan niya si Kelso. Unti unti din akong lumingon sa likod ko at nakita ko ang gulat na Kelso. Siguro dahil hindi niya aakalain na ako ang kausap ng gf niya.

"Ummm, babe, this is my friend Keisha." Wika ni Jenicha kay Kelso sabay turo sa akin. "And Keisha, this is Kelso my boyfriend." Wika ulit ni Jenicha at itinuro niya sa akin si Kelso.

Kelso lend his hand to me para makipag shake hands pero tinignan ko lang to ng ilang saglit pagkatapos ay kinuha ko rin para tuluyan na kaming magshakehands. And I swear, nanginginig at namamasa na ang kamay ko sa nerbyos.

"So, I hope you too will be good friends in the future. Goodbye Keisha." Sabi ni Jenicha sabay wave ng kamay niya at kuha ng isang kamay ni Kelso at umalis na. Naiwan akong naka freeze pa rin sa kinatatayuan ko habang marahas na kinuyom ang kamay ko.

❌❌❌

"What? Nalaman mo na pangalan nong gf ni Kelso at the same time nagkamayan pa kayo ni Kelso. Wow magic besseu bwahaha!" Ang sabi ni Momo pagkadating na pagkadating ko sa classroom at pagkakwento ko sa nangyari sa akin ngayon. Well, wag na kayong magtaka sa nabasa niyo dahil sa limang araw na practice day ko, sinasabi ko sa kanila lahat ng nangyari sa araw ko at vice versa. Kaya ganyan din ang expression nila kasi first time kong kwinento si Kelso (dahil nong araw na kasama ko si oppa Chanyeol, hindi ko kwinento yong tungkol kay Kelso kaya di nila alam at ayaw ko din nilang malaman) pwera na lang ngayong araw kasi gustong gusto kong ilabas ang feels ko tungkol sa kanya eh.

"Alam mo besh, sayang kayo ni Kelso. Kala ko may poreber sa inyo pero wala pala. Number one fan niyo pa naman ako eh pero kung umamin ka siguro sa kanya agad, baka kayo ngayon ang may relasyon at di sila nong Jenicha ba yon? Basta yon hahaha." Sabi naman ni Cela. Ngumiti ako ng mapait.

"Alam mo besseu, ang pangit sa babaeng umamin sa krass nila especially kung yong krass nila wala namang pakialam sa kanila at parehas silang stranger sa isa't isa. Pero kahit ganoon, mas gusto ko pa rin na mapunta si Kelso kay Jenicha kasi nakita ko naman 'yong tunay na ugali ni Jenicha at alam kong mahal na mahal niya si Kelso. Sana nga lang, wag niyang lulukuhin yon kundi ako yong masasagupa niya." Natatawa kong sabi habang nakikinig lang silang apat sa akin.

"Pero alam mo beshywap, kapag gusto ko ang isang tao, sinasabi ko agad sa kanya. Well, hindi naman direktahan na aamin ka, ang ibig ko lang sabihin ay sabihin mo in a different way para sa ganoon alam na niya." Wika ni Cela sa akin habang nagdadaydream. Parang iniisip niya yong love story nila ni Pintura pero may point siya eh. May point siya at tagos 'yon sa puso ko.

"Just right. You hesitate to take the risk and now, your crying like a baby. You deserve to be happy Keisha. So please, just give your heart a break. Move on and forget about him even it hurts." Napatingin ako sa nagsalita at nakita si oppa Baekhyun kasama si oppa Chanyeol na kakarating lang dito sa may canteen. Yep, hindi ko pala nasabi sa inyo, nasa canteen kami ngayon dahil break time namin ngayong hapon at dito ko rin sa canteen ibinubuhos ang lahat lahat na nangyari sa kin.

"Oppa..." Iyon lang ang nasabi ko habang randam kong tumulo na yong luhang tinitiis kong wag bumagsak.

Siguro tama nga si Oppa Baekhyun at Cela. Siguro kapag nagtake ako ng risk, magiging kami ni Kelso pero dahil hindi ako nagtake ng risk hindi nangyari yon.

Pero siguro kung iaadopt ko lang talaga yong sinabi ni Oppa Baekhyun ulit tungkol sa pagmomove on, kailangan ko na talagang gawin. Hindi para sa kanya kundi para mahanap ko na rin yong kaligayahan ko na matagal ko ng hindi na experience.

Sana lang magawa ko. Sana lang.

❌❌❌

NOBODY'S BETTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon