At ganoon lang ang celebration ng monthsarry namin.
Short but sweet.
~KEISHA THERA RAMESES
❌❌❌
💕 NOBODY'S BETTER 38 💕
Kasalukuyan akong nag iimpake ng mga gagamitin ko para sa outing ng section namin. Napag meetingan kasi ng section namin noong isang araw bago ang defense ay magkakaroon kami ng outing. Parang simpleng unwind lang namin since stress kami noong mga nakaraang araw at parang get together party na rin since six months na lang ay mag gragraduate na kami sa senior high.
Napag kasunduan din namin na doon na lang kina Momo gaganapin ang outing namin since gusto talaga namin ay sa beach.
Napahinto ako sa pag iimpake ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko, dahilan para buksan ko ito.
"Anong ginagawa mo dito Kelso?" nagtataka kong tanong sa kanya ng makita kong siya pala ang kumatok sa pinto. Wala kasi akong ka-aydi-idea na pupunta pala siya ngayon.
"Don't you want to see me?" tanong niya habang naka pout which is unlikely him but his too cute to dismissed it.
"Hindi naman sa ganoon pero kasi busy kasi akong nag aayos ng mga gagamitin ko sa outing namin bukas." paliwanag ko sa kanya habang naka upo siya sa messy bed ko. Halata kasing nagtataka siya kung bakit ang gulo-gulo ng kwarto ko kaya inunahan ko na.
"Hindi mo man lang sinabi sa akin, I can help you." nagningning naman ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"Really?"
"Yeah but after helping you, can I have your time?" nakakunot naman akong tumango sa sinabi niya. Parang may masama akong nararamdaman dahil sa sinabi niya. Sana mali 'yong instinct ko. Sana.
❌❌❌
Mag tatanghali na nang matapos kaming mag ayos ng gamit ko. Paano kasi itong si Kelso, imbes na mapadali namin 'yong ginagawa namin, inaasar at kinukulit niya ako. Kaya ayon nauwi sa habulan ang nangyari pero all in all, kahit papaano, naayos naman namin 'yong mga gagamitin ko.
Nasa dining table na kami at kumakain ng mga pagkaing inihanda ni Kelso. Yeah, inihanda. Nag dala pala siya ng ulam dito sa bahay kasi pampasuhol daw niya sa akin. Binatukan ko naman siya noong nalaman ko 'yong dahilan kung bakit siya nagdala noon. Akala ko dahil mahal niya ko, 'yon pala sinusulsulan lang pala ako ng mokong na 'to eh! Charr!
"Ano pala gusto mong sabihin?" tanong ko habang nginunguya 'yong pagkain ko. Wala ang mga parents ko ngayon, may pinuntahan habang 'yong mga kapatid ko naman ay nasa kanya kanya nilang mga kwarto ewan kung kumain na sila o hindi pero kaming dalawa lang ngayon sa dining table at lumalamon.
"Slow down! Hindi ko naman kukunin 'yang mga pagkain mo kaya magdahan dahan ka naman anae," sagot niya tapos pinunasan niya 'yong labi ko gamit ang panyo niya. Ano ako bata! Charr!
"Pasensya na! Ang sarap kasi! 'Di ko mapigilan sarili kong lumamon." Tumawa naman siya.
"So ano na nga! Ano na sasabihin mo uy!" Ulit kong tanong. This time, binaba ko na 'yong kutsara at tinidor ko para malaman niyang seryoso ako at handa na kong makinig.
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Подростковая литератураNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...
