"I'm just jealous. Yeah, jealous. That's all. Ayaw ko lang kasing may umaagaw sa atensyon ng girlfriend ko kaya nag act ako ng ganoon kaya tahan na okay?"
~ BLAZE KELSO CARTER
❌❌❌
💕 NOBODY'S BETTER 36 💕
Isang linggo na pala ang nakalipas ng maging kami ni Kelso. Hindi pa nga nag sisink in sa utak ko na kami na pala. Dati rati hanggang pangarap ko lang siya eh. Pangarap na sana kahit mapansin niya lang ako ay masaya na ko. Pero iba talaga kapag si God ang nagsulat ng love story natin. Sobra 'tong the best. Kaya nagpapasalamat din ako sa mga kaibigan ko dahil kahit na muntik na kong gumive up noon, hindi sila nagsawang paalahanin ako na huwag akong gumive up. Siguro kung hindi ko sila sinunod ay baka hindi 'to mangyayari kaya I'm very thankful sa kanila.
Nandito ako ngayon sa tambayan namin ni Kelso. Sa likod ng school. Tinext niya ko kasi kanina na maghintay ako dito dahil nasa may main building pa siya at may klase. Kaya heto ako ngayon, naghihintay sa kanya. Uwian na rin kasi namin at wala din kaming ginagawa bukod sa research paper namin which is next week na ang deadline pati na rin 'yong defense. Kinakabahan nga ko eh kasi baka ma messed up lahat ng pinaghirapan namin. Pero sana hindi.
Ilang minuto ng paghihintay ay nakaramdam ako ng presensya ng ibang tao. Paglingon ko ay ang nakangiting si Kelso na may dalang plastic ng pagkain. Nginitian ko naman siya pagkatapos ay umusod ako sa pwesto ko, sign na gusto kong umupo siya sa tabi ko.
"Hi anae! I'm sorry if you wait for that long. Sobrang busy kasi. Don't worry binilhan kita ng pagkain." pambungad na wika niya sa akin sabay pakita ng mga pagkaing naka plastic.
"Okay lang Kelso. Ano pala 'yang binili mo?" tanong ko.
"Mga tusok tusok lang. Kwek-kwek, fishball, kikiam tsaka proven." sabi nito sabay bigay ng mga streetfoods na nakalagay sa malaking plastic cup.
"Wow! My favorite!" sabi ko sabay kain ng kwek-kwek.
"Akala ko hindi mo magugustuhan. Pasensya na kung 'yan lang nakayanan ng budget ko but don't worry, babawi ako." malungkot na sabi niya sa akin. Sinubuan ko naman siya.
"Ano ka ba Kelso, huwag mo ngang isipin 'yan. Hindi importante sa akin kung mga pagkaing nasa tusok-tusok ang ipapakain mo sa akin or something. Ang importante sa akin kasama kita. Okay na 'yon."
"Cheesy."
"Manahimik ka na nga lang diyan!" napatawa naman siya at sabay naming kinain 'yong binili niya.
❌❌❌
"Kelso, may gusto sana akong hiling pabor sa'yo." wika ko habang naka intertwine ang kamay namin habang naglalakad pauwi. Araw araw kasi kaming sabay umuwi. Hinahatid niya ako sa amin pagkatapos ay don na siya sa amin sumasakay ng sasakyan. Though tatlong malalayong bayan pa bago ang bahay nila ang uuwian niya ay willing naman siyang ituloy iyong paghahatid niya sa bahay namin.
"What is it anae?" nagtatakang tanong niya. Napa kagat naman ako ng labi ko. Sana pumayag siya sa offer ko.
"Free ka ba sa saturday? Mga 6 pm ganoon?"
"Yeah. I think so? Bakit mo naman na itanong?"
"Gusto sana kitang ayain na sumamang manood ng concert ng favorite kpop boygroup ko. If you want lang naman." sabi ko sabay tingin sa kalsada. Hindi kasi niya alam na fan girl ako. Bukod kasi sa fan ako ng rilukkuma, fan din ako ng napaka sikat na kpop boy group na OXE. Well, sa totoo lang noong nakaraan lang ako naging fan ng OXE dahil kay Ajhumma Rose. Ininfluentiahan niya ko kaya ayon, naadik ako sa kanila. Ang popogi kaya nila mas lalo 'yong mukhang penguin don. Si Do Kyungshin. Kamukha niya si Kelso bwahahahaha!
Napatigil kami bigla sa paglalakad dahilan para tignan ko siya. Naka sibangot siya habang naka cross arms. Napa lunok naman ako ng laway ko. Kapag ganito kasi itsura niya dalawa lang ang pahiwatig. Either galit siya or nagseselos pero ngayon ewan ko kung alin sa dalawang 'yan 'yong gusto niyang ipahiwatig sa akin.
"Galit ka ba Kelso. Ok lang kung 'di mo ko sasamahan. Hindi na lang ako pupunta kung galit ka naman sa akin." mahinang bulong ko habang may nabubuong mga luha sa mga mata ko. Naluluha ako 'di dahil hindi ako makakapunta sa concert kundi dahil galit sa kin si Kelso. Ayaw na ayaw kong galit siya sa akin or may sama ng loob.
Bigla ko na lang nakita ang sarili kong nakasandal sa may dibdib ni Kelso. Niyayakap na pala niya ako. Mas lalo tuloy akong umiyak.
"Don't cry na anae. Pupunta ako sa sabado. Sasama ako sa concert ng mga koryanong 'yan. At hindi ako galit sa'yo, I'm just jealous. Yeah, jealous. That's all. Ayaw ko lang kasing may umaagaw sa atensyon ng girlfriend ko kaya nag act ako ng ganoon kaya tahan na okay?" tumango na lang ako sa sinabi niya.
"Basta sasamahan mo ko ah!"
"Yeah."
❌❌❌
This is it. Saturday na at nandito na kami sa loob ng Araneta Coliseum kung saan gaganapin ang concert. Ang daming tao. Sobrang dami. Nandito kami sa may VIP standing naka pwesto ni Kelso. Ito kasi iyong nasa ticket na niregalo sa akin noong birthday ko. At wow lang, nasa harap kami ng stage. At kapag lalabas na sila Kyungshin, pwede ko silang mahawakan or something! Wahhhhh!
"You're eyes are shining anae." bulong ni Kelso sa kin. Napa tingin naman ako sa kanya at ngumiti ng malaki.
"Really?"
"Yeah and I don't want that." napa kunot noo naman ako.
"Bakit naman."
"Because it's not me who give you that kind of shine and it bothers me a lot." napa giggle naman ako sa sinabi niya. Ang cute talaga nitong magselos.
"I'm serious." I give him a kiss in the cheek para naman tumahimik. Bwahahahaha!
"Don't worry Kelso. Kyungshin may give me this kind of shine but believe me you're the only one who makes my stomach churn and my heart to burst."
"Smoooth."
"Shut up! Namumula na ko dito!" tumawa naman siya.
Ilang minuto din kaming naghintay hanggang sa wakas bumukas ang stage kasabay noon ang pagsigaw ko ng pangalan ni Kyungshin at ang pagkaway ko sa lightstick nila.
❌❌❌
"Wahhhhhh! Kyungshin notice me!" mangiyak ngiyak na tili ko paglabas namin ni Kelso sa araneta. Tahimik lang si Kelso sa tabi ko pero alam kung pikon na 'to.
"Do you enjoy the night?" tanong niya habang naka crossed arms. Napatawa naman ako sa inasta niya at yinakap siya.
"Ofcourse kasama kita eh. Thank you for joining me."
"Yeah right."
"Kelso naman eh! Don't be jealous na. Kamukha mo kaya si Kyungshin bwahahaha!"
"Nahhh. Mas pogi ako don."
"Ang hangin mo naman!
"Yeah! Kaya nga nagustuhan mo 'tong mahangin na 'to eh!"
"Yabang!" Nagtawanan lang kami ni Kelso.
At umuwi kami ni Kelso na ganito. Nag kukulitan at nag aasaran. Umamin din siya na nagseselos siya at sinabi kong siya lang talaga ang laman ng puso ko kahit na may Kyungshin na umaaligid. Pero all in all, nagustuhan ko at nag enjoy ako ngayong araw.
"Happy 1st weeksarry Kelso. I love you."
"Happy 1st weeksarry din sa'yo Anae. I love you too."
And yep, this is how we celebrate our first weeksarry. Cheesy right?
❌❌❌
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Подростковая литератураNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...
