💕 NOBODY'S BETTER 7 💕

50 7 2
                                    

"Kelso, Please can you Stay with me?"

~KEISHA THERA RAMESES

❌❌❌

💕 NOBODY'S BETTER 7 💕

Ngayong araw ang butuhan para sa SSG. Super busy ang mga instructor namin dahil sila ang bahala para sa mga kung ano anong gagamitin para sa pagbubuto. Siyempre tumutulong na din sa kanila ang dating mga SSG officers.

Tssk! mga pakitang tao lang naman sila eh! Ni hindi ko nga ramdam na may SSG officer pala kami. Kung pwede lang hindi bumuto ngayon, ginawa ko na pero wala eh! Dapat daw bumuto. As if naman magagawa nila tungkulin nila. Tssk! Ang bitter ko tuloy bwahahaha! Pero totoo naman di ba? Minsan ginagamit pa nila ang authority nila para maging famous at it sucks.

Kasalukuyan kaming magkakaibigan sa canteen, kumakain at nagpapalipas ng oras. Dito na kami kumain ng tanghalian since wala na rin kaming extra time. Naabutan kasi kami ng cut off dahil nahuli na kami sa pila. Oo nahuli. Tapos na sana kami kanina pang bumuto kung hindi lang kami pinagawa ng kung ano anong seatworks ng mga instructor namin kanina. Kahit super busy ang mga instructor namin, hindi pa rin sila nawawalan ng time para gawan kami ng kung ano ano kaya heto, naging busy din kami. Ahuhuhu! Wala na tuloy kaming oras.

Mamayang ala una pa kasi ang opening ulit ng butuhan at it's already 12:10. Since tapat lang ng canteen ang room kung saan kami magboboto, dito na lang kami tumambay. At para mauna na kami sa butuhan. May klase pa naman kami after all.

Habang naghihintay, nag hand gesture na si ate Resse na pumunta na kami sa classroom na 'yon. Siyempre, para siguradong kami na ang mauuna sa pila. I don't want to be left behind kaya tumango na lang kami.

Pagpasok pa lang namin sa classroom, medyo marami na ring estudyante but maliit pa lang ang pila. All of the students are chatting to each other, laughing and the others are in their own little world. I sighed. Matagal tagal din ang hihintayin namin. Matagal tagal pa.

Kinuha ko sa loob ng bag ko ang cellphone ko. I decided to watch a kdrama. Again. Hehehe! Kasi naman eh! Kdrama is lifeuuu!

So habang nanood ng taimtim, naramdaman kong may tumabi sa akin. I glance at my side at nakitang si James pala, isa sa mga kaklase ko ang tumabi sa akin. Since ako ang last na nasa pila, at maiksi ang pila namin, dito siya sa pila namin at hindi sa kabila. (Dalawa kasi ang pila. Iyong pila na kung saan kami nakapila ay ang medyo maikli, at iyong isa naman ay medyo mahaba. Sorry ah! Bwahahaha! Magulo akong magkwento.)

So ayon, binalik ko na lang ang tingin ko sa cellphone ko at inayos ang stap ng bag ko. Ang bigat kasi eh.

"Ano pinapanood mo?" Tanong niya.

"Secret." Wika ko habang hindi siya tinitignan ngunit sa cellphone ko pa rin nakatingin.

"Eh, may pa secret secret ka pang nalalaman diyan." Bulong niya. I just chuckled.

"Pero napanood mo na ang Goblin?" Tanong niya. I pause the video tapos tinignan ko siya.

"Hindi eh! Ayokong panoodin." Simpleng sagot ko. Napakunot noo naman siya.

"Eh bakit naman?" Tanong niya ulit.

"Eh kasi ang daming spoiler tapos ipapalabas na sa TV kaya nawalan na rin ako ng ganang panoodin." Sagot ko habang naka bungasot. Sa totoo lang, napanood ko na iyong episode 1 noon kaya lang, wala na rin kasi akong source noon kaya kahit gusto ko mang panoodin, hindi ko na magawa. Huhuhu!

NOBODY'S BETTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon