💕 NOBODY'S BETTER 45 💕

16 3 1
                                    

"You are precious. You are love and I am proud of you. I love you Anae!"

~ BLAZE KELSO CARTER

❌❌❌

💕 NOBODY'S BETTER 45 💕

"Besseuuu congrattssss sa inyooo!" Masayang bati sa amin ni Momo. Kanina lang kasi sinabi ng advisor namin kung sino 'yong mga with honors, with high honors and with distinction and thank God dahil kasama ako sa with high honors. Kasama din si ate Resse kung saan nakakuha siya ng with honors.

"Thank you besseu, unexpected 'to! Huhu! Akala ko kasi di ako makakasama! Huhu!" Medyo teary eyed kung sabi. Natawa lang siya sa sinabi ko pagkatapos ay nag umpisa na kaming magpraktis ulit.

Last day na kasi ng practice at bukas ay ang graduation day namin. Ang bilis ng panahon. Mag tatapos na pala ako sa senior high school. Ang dami ko ring pinagdaanan. Mga bagong kaibigan, bagong kakilala at siyempre si Kelso. Iniisip ko pa lang bukas ay naiiyak na ko. Mamimiss ko silang lahat.

Mamimiss ko 'yong mga kaklase ko, kaibigan, mga bagong kilalang mga tao at siyempre si Kelso. Iniisip ko nga kung magkikita pa ba kami after graduation. Siyempre, hindi naman natin hawak ang bukas. Hindi natin alam kung kailan ulit natin sila makikita pero siyempre, habang may panahon pa kailangan nating icherished ang mga moment.

Napabalik na lang ako sa ulirat ko ng nagsalita 'yong senior high coordinator namin. Last briefing na kasi kaya mas hinahanda na kami.

❌❌❌

"Graduation na pala natin bukas." malungkot na saad ni Cela sa amin. Nandito kami sa cafeteria kumakain ng lunch. Half day lang kami ngayon. Half day lang ang practice namin at pinauwi na kami ng maaga para daw may lakas kami para bukas pero kaming magkakaibigan, napagdesisyunan naming dito muna sa school kakain. Dito muna kami magpalipas ng kahit saglit na panahon kasi alam namin na hindi na namin ulit to mararanasan kasi graduation na namin bukas.

"Kaya nga mga besseu, huhu! Mamimiss ko kayoooo! Salamat kasi kayo naging kaibigan ko!" Naiiyak na sagot ni Diana sa amin. Naiiyak na rin tuloy ako.

"Magkikita pa rin tayo di ba?" Tanong ni Momo na ikinatango naman namin. Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano hanggang sa natapos na kaming kumain.

Pagkatapos kumain ay nilibot pa namin ulit tong school. Inaalala iyong mga nangyayari. Habang lumilibot nga kami puro tawanan ang mga naririnig sa amin. Pinagtitinginan nga kami ng ilang mga estudyante na nandito pa pero wala kaming paki kasi oras namin 'yon. Additional memories namin 'yon kaya wala silang pake! Charr!

Mga isang oras din kaming nag libot at nagkwentuhan hanggang sa pinagdesisyunan na naming umuwi.

❌❌❌

Gabi na. Hindi ako makatulog. Iniisip ko pa rin kasi kung anong mga mangyayari bukas. Siyempre masaya kasi gragraduate na kami pero iyong lungkot ang umiibabaw sa akin ngayon.

Nalulungkot ako sa totoo lang. Pagkatapos kasi ng graduation bukas baka hindi o bihira na lang kami magkikita kita ng mga kaibigan ko. Pupunta kasi sila sa ibang lugar para mag aral. Tapos siyempre may makikilala silang bagong mga tao na magiging kaibigan nila. Siyempre nakakalungkot isipin na mag iiba na sila ng friends tapos mamaya makalimutan na nila ako. Ang sakit lang sa puso.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at humiga ulit sa kama ko. Isipin ko na lang yong mga masasayang mga oras na kasama ko sila kaysa naman sa kainin ako ng lungkot ko. Ayoko naman non.

Matutulog na sana ko ng biglang tumunog iyong cellphone ko. Bigla ko tong kinuha at nakitang si Kelso pala 'to. Tumatawag siya sa akin kaya walang sabi sabing sinagot ko.

"Hello?" Medyo raspy yong boses ko noong sinagot ko yong tawag.

"Hello anae? Umiyak ka ba?" Tanong ni Kelso sa kabilang linya. Pinunasan ko ulit yong medyong natuyong luha sa mukha ko ng sumagot ako.

"Hindi ah!"

"Wehhh? Pero bakit ramdam kong umiyak ka?"

"Wala to! Hehe! Wag mo na lang pansinin. Bakit ka pala napatawag?" Tanong ko.

"Gusto lang kitang batiin ng congratulations. Balita ko kay kuya Mac may nakuha ka daw honors. Naol!" Napatawa naman ako don sa last na sinabi niya.

"Ay hehehe! Thank you! Unexpected nga yon eh! Hindi kasi ako umasa na makakasama ako don pero tignan mo, si Lord binigay niya yong beyond sa expectations ko." Masayang sambit ko. Ramdam ko naman na ngumiti siya sa kabilang linya.

Ilang minuto din kaming nag usap ng pinagdesisyunan na naming putulin 'yong tawag kasi hating gabi na. Pero bago ko ibaba iyong tawag narinig ko pa ang huli niyang wika sa akin.

"Thank you Keisha for coming to my life. Ikaw yong best na regalo na natanggap ngayong nasa senior high ako at ang bawat sandaling kasama ka ay ang pinakamasayang nangyari sa buong buhay ko. Hindi ko to sinasabi dahil binubula kita o something pero gusto ko lang malaman mo na you're all worth it. You are precious. You are love and I am proud of you. I love you Anae!"

Naiiyak na lang ako sa kilig dahil sa sinabi niya. Grateful din ako dahil nakilala ko si Kelso. Parehas lang kami ng nararamdaman at prinsipyo. Worth it din siya kasi kahit papaano nahintay ko siya kahit na sumuko ako noong una. And I am grateful kasi tinanggap niya ko ng buong buo.

Hayyyy Kelso! Mahal na mahal din kita!

At nakatulog akong may ngiti sa labi at naglolooking forward sa anomang mangyari bukas.

❌❌❌

NOBODY'S BETTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon