Tumingin naman sa akin si Kelso pagkatapos ay ngumiti. Ngumiti din ako pabalik. Isang ngiting nagpapasalamat dahil finally, tanggap na kami at ang aming magiging relasyon.
❌❌❌
💕 NOBODY'S BETTER 33 💕
"Beshywaaapps! Gising naaaaaa~!" nagising ako bigla dahil sa mga yugyog at sigaw ng isang tinig. Di pa nga natapos 'yong panaginip ko eh! Malapit na 'yong climax tapos kangkanengneng, nawala bigla na parang bula dahil sa nag gising sa akin.
Agad kong minulat ang mata ko at binigyan ng matalim na tinggin si Momo dahil siya pala ang naggising sa akin. Teka nga? Bakit siya nandito? Sabado ngayon ah! Wala kaming pasok at ang alam ko nasa bahay na nila siya dahil tuwing friday umuuwi siya. Eh bakit siya nandito? Kasama pa sila ate Resse, Cela at Diana na prenteng prenteng naka upo sa gilid ng kama ko.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko habang naka kunot noo. Umagang umaga, nandito sila nagbubulabog. Ano kaya ang nakain ng mga 'to?
"Nandito kami para kunin ka." walang alinlangang tugon ni Momo na kinatango ng mga ulo ng mga kaibigan ko.
"Ha? Ano?"
"Wala, ang sabi ko tara na at malalate tayo sa appointment natin." wika nito sabay kaladkad sa akin papunta sa cr ng kwarto ko. Agad ko naman 'tong isinara at nag mumble ng mga kung ano anong salita laban sa kanila. Umagang umaga kasi! Inaantok pa ko eh!
Teka nga? Wala akong dalang damittttt! Anooo baaa 'yaaan!!!
❌❌❌
Paglabas ko ng kwarto ko ay agad akong bumaba at dumiretso sa living room. Doon, nakita kong komportableng naka upo sila ate Resse at Diana habang sila Cela at Momo naman ay tumitingin sa mga litrato sa may dingding. Umubo ako ng kaunti para malaman nila na nandito na ko at maramdaman na nila ang presence ko na kahit papaano'y nagets naman nila.
"Anong ginagawa niyo rito?" naka cross arms kong tanong sa apat na taong nasa tapat ko. Hindi naman ako galit. Nagulat lang kasi sabadong sabado, nandito sila na hindi ko man lang alam ang dahilan.
"Well, gusto ka kasi naming isurprise eh!" sabi ni Cela sa akin. Napa roll eyes na lang ako.
"Nandito kami para samahan ka sa appointment mo." wika naman ni Momo na siyang pinagtaas ko ng kilay. Wala naman kasi akong appointment na pupuntahan at wala akong naalalang appointment na ginawa kaya ano 'yong pinagsasabi nila.
"You'll see." pahabol na wika niya na tila nabasa ang aking iniisip. Nag shrug na lang ako ng shoulder at sinimulan ko ng sundan kung saan ba kami pupunta. Bahala na nga! Wala naman silang binabalak sa aking masama. Hihihi!
❌❌❌
Dumiretso kaming lima sa mall dito sa lugar namin. Nasa harapan ko si Momo at ate Resse samantalang nasa gilid ko naman si Diana at Cela. Ewan ko ba pero parang ayaw talaga nila akong pakawalan. Hiniyaan ko na lang.
Huminto kami sa isang boutique ng mga nag gagandahan at nag bobonggahang mga gown at suits. Napa kunot noo naman ako ng tuluyan na kaming pumasok sa loob. Ang gaganda ng mga gown at dress na nandirito at halatang mamahalin kaya nakapag tatakang pumunta kami dito ng wala namang dahilan.
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko kay ate Resse ng naupo kami sa harap ng cashier. Pumunta kasi sa isang private room si Cela at Momo habang naiwan naman kaming tatlo dito para maghintay.
"Magrerent po ng gown." wika niya. Napakunot noo naman ako.
"Para saan? Wala naman pong okasyon ah?" napa ngiti naman siya sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Подростковая литератураNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...
