💕 NOBODY'S BETTER 28 💕

27 3 0
                                    

"Go My Nampeon! ♡ 사랑해"

~ KEISHA THERA RAMESES

❌❌❌

💕 NOBODY'S BETTER 28 💕

"Beshywapsky! Totoo ba?" napa 'huh' naman ako kay Appii na ngayon ay naka dapa sa higaan ko. Nasa loob na kasi kaming anim sa kwarto ko habang ang mga boys naman ay pinag huhugas namin ng plato. Aba! Kami kayang girls ang nagluto sa mga pinagtindahan namin, kaya deserve naman nila na maghugas! HAHAHA!

"Na pinakilala ka ni Kelso sa mga kateam mates niya kanina?" wika niya na may nakakalokang ngiti. "Ikaw ha lumilevel up!" napa roll eyes naman ako sa sinabi niya. Bakit ba ang big deal non sa kanila? Hahaha! Tahimik lang ako kahit na iniintriga nila ako. Hahaha! Ayaw ko kasing sabihin sa kanila yong nangyari kanina. Dunno kung sino ang nagkwento sa kanila tungkol don. Pero kutob ko na si ajumma Rose ang nagsabi sa kanila. Yan pa ay!

"Sabihin mo na kasi! Hindi ka magsasalita?" pantakot naman ni sabat sa akin ni Dorcas pero hindi pa rin ako sumagot. Katulad kasi ni Appii, curious sila Dorcas, Moriah at Margaret sa nangyari at kaming dalawa lang ni ajumma ang may alam non.

"Wag nga kayong maingay! Hindi ako makatuloggggggg!" garalgal na singit ni ajumma habang nakapikit. Sinusubukan niya kasing matulog na dahil exhausted nga siya pero hindi siya makatulog dahil kanina pa tanong ng tanong 'tong mga kasama ko dito. Napa chuckle naman ako. Yan kasi eh! Bakit niya kasi kwinekento sa kanila.

"Huwag tayong maingay mga besseu! Ikwekwento ko sa inyo basta tahimik lang tayo." sabi ko na lamang. Napa tango na lang sila pero yong ngiti nila nakakatakot ha infernes.

"Ano ba yong gusto niyong malaman?" tanong ko nang hinintay naming makatulog si ajumma. Kawawa naman siya, huhu! Buti naman at nakatulog na rin.

"Iyon nga, yong pinakilala ka ni Kelso sa mga kateam mates niya? Pogi ba sila?" curious na tanong ni Margaret habang may spark ang mga mata.

"Lahh ka dyan! Sumbong kita kay kuya Rain eh!" asar ni Moriah sa kanya.

"Uy wagggg!" sagot naman ng isa. At nagtalo talo na sila sa harap ko. Bahala sila dyan. Bwahaha!

"Uy ano naaaaa!" napa takip naman ako ng tenga ko sa biglaang sigaw ni Appii sa akin.

"Oo pogi sila. Happy?" Wala sa sarili kong sagot habang naglabas ako ng isang mahabang buntong hininga.

"Kung pogi sila, bakit ganyan ang mukha mo? Para kang may problema eh!" napa kagat labi ako sa sinabi ni Moriah sa akin. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Namumublema ako dahil don sa binigay kong pangako kay Kelso. Ewan ko ba kung saan ko nahugot o nakuha yang promise ko sa kanya pero gusto ko kasing pagaanin ang loob niya. Yon lang talaga ang maitutulong ko para manalo sila eh.

NOBODY'S BETTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon