"Para sa'yo." Wika niya sabay abot ng favorite flower ko. "Sana magustuhan mo." Wika niya. Tinignan ko lang yong bulaklak at napa overwhelmed dahil sa effort na ginawa ni Kelso.
"They are beautiful." Wika ko.
"Thank you."❌❌❌
💕 NOBODY'S BETTER 22 💕
"Hey!" Napatingin ako sa kanina pa tumatapik sa balikat ko at nakitang si Kelvin pala to. Tinignan ko lang siya sa mata tila tinatanong ko kung ano ba yon dahil hindi ko narinig yong sinabi niya kanina. Naka headset kasi ako ngayon eh at busy na nanonood ng kdrama kaya di ko siya napapansin.
"What?" Bulong ko sa kanya. Bawal kasing mag ingay dito sa library dahil baka mapagalitan kami ng librarian at maka abala pa kami sa mga nandito katulad na lang nina ate Resse.
Yep, nandito ako kasama si ate Resse sa library dahil sinamahan ko siya dito dahil dito sila gumagawa ng thesis nila with her group mates. Since tapos naman na yong amin at may aircon dito sa library kaya sumama na din ako. Mainit kasi sa room dahil nasira yong aircon namin kaya mas ginusto ko sumama dito dahil mas malamig.
At alam ko, walang makakatiis sa init mg classroom especially ganito ang uniform namin. Yong uniform kasi namin parang Korean yong style niya na naka long sleeve na makapal habang medyo maikli yong palda at naka suot din kami ng medyas na hanggang tuhod na minatch naman to sa aming black school shoes kaya super init na akala mo naman nasa ibang bansa kami sa sobrang kapal ng style ng damit namin. Pero okay lang naman eh dahil lahat ng classroom, facilities pati sa cr namin may aircon kaya malamig.
"Ummm... C-Can you please accompany me to our computer laboratory?" Tanong niya habang kinakamot ang batok nito at halatang nahihiya siya. Kita ko ang pamumula ng pisngi niya dahilan para mapa chuckle ako dito sa upuan ko.
"Sure. Why do we have to go there anyway?" Tanong ko habang tinatanggal ang headset ko at iniayos to.
"Ummm, my leader-nim in our research class asked me to print out our thesis but I don't know where it is so yeah!" Wika niya. Napa tango lang ako. Hindi ko siya kagroupo sa thesis namin at mayroon na kaming hardcopy ng thesis namin kaya alam ko yang pinag dadaanan niya. Remember classmates kami? HAHAHA!
"Okay. Just wait here." Sabi ko. Tumango siya at umupo sa tabi ng upuan ko. Tumayo naman ako dahil pupunta ako sa pwesto nila ate Resse para magpaalam na pupunta sa computer lab.
"Ate, alis muna ako ah? Punta lang po ko sa computer lab. Nagpapasama kasi si Kelvin eh." Bulong ko kay ate Resse. Tumango lang siya at ngumiti. At nagwave na ko ng goodbye sa kanya. Magkikita pa naman kami mamaya eh sa classroom!
Pagkatapos kong magpa alam kay ate Resse ay dumiretso na ko sa pwesto ni Kelvin at naabutan ko siyang pinaglalaruan ang flash drive na gamit nila sa thesis.
"Tara?" Sabi ko noong nasa harap ko na siya. Tumango lang siya habang nag umpisa na kaming lumabas ng library patungo nga sa computer laboratory.
❌❌❌
Habang papunta na kami sa computer lab ay napansin ko na papatakbong papunta sa amin si ajumma Rose kaya tumigil ako sa paglalakad. Tinignan lang ako ni Kelvin at napakunot noo. Siguro nagtataka siya kung bakit kami huminto sa paglalakad pero ngumuso lang ako sa direksyon na kung saan nandoon si ajumma.
"Wooahh! Naabutan ko din kayo!" Hingal na hingal na sabi ni ajumma Rose nang naabutan nga niya kami. Pinag papawisan siya ng bonggang bongga at alam ko pagod to sa pagtatakbo kaya nagtanong na ko.
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Novela JuvenilNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...