💕 NOBODY'S BETTER 31 💕

21 3 2
                                    

"Okay lang Anae. Alam ko naman na ako talaga ang may kasalanan ng lahat. Bakit ko kasi ginawa 'yong surprise ko sa'yo noon edi sana hindi ka naprepressure ngayon. Siguro nag aapura lang ako noong time na 'yon pero ngayon alam ko na ang nararamdaman mo, kailangan ko na lang dumating 'yong tamang time na 'yon. Don't worry anae, katulad ng sinabi ko sa'yo ng araw na 'yon, maghihintay ako hanggang kailan dahil ganoon kita kamahal. Lesson ko lang siguro na maging patient when it comes to love kasi 'yon 'yong tamang gawin at alam ko hindi ako masasaktan. Thank you anae." napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Wala 'yon."

❌❌❌

💕 NOBODY'S BETTER 31 💕

Pagulong gulong ako dito sa kama ko at hanggang ngayon hindi pa rin ako makatulog. Tatlong araw na ang nakakalipas ng tanungin ako ni Kelso kung kami na ba at tatlong araw na rin mula noong sinabi kong hintayin niya kong mag 18 pero hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isipan ko 'yong itsura niya noong sinabi ko 'yon.

Naging harsh ba ko sa kanya? Sinabi ko naman ang totoo at nilalaman ng puso ko ah! Nasaktan ko ba siya? Galit kaya siya sa akin dahil sa sagot ko? Ilan lamang 'yan sa mga tanong na laging nag pa-pop out sa isipan ko kapag nag iisa ako o kaya ay kapag gusto ko ng matulog. At habang iniisip ko 'yan ay sumasakit ang puso ko.

Napa upo na lang ako sa pagkakahiga at tinignan ang digital clock sa may study table ko at sinasabing 3 Am na ng madaling araw. At katulad ng mga nagdaang araw ay bangag at mukha akong zombie. Sana ngayong araw ay magiging maayos na ang lahat.

Sana ok lang si Kelso.

❌❌❌

Lunes ngayon at kahit maaga akong nagising ay late naman akong nakapasok sa school. Habang nag lalakad, lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa akin. Ang iba'y nakangiti habang ang iba'y nagbubulong bulungan habang nakatingin sa akin. Hinayaan ko lang sila. Pakiramdam ko naman ay dahil lang 'to sa itsura ko ngayong araw.

Nakaramdam ako ng may umakbay sa akin pero di ko pinansin dahil alam ko namang isa 'to sa mga kaibigan ko kaya hinayaan ko na lang din. Napa gasp naman 'yong mga estudyanteng nakakita sa amin at mas lalong nagbubulong bulungan dahil hindi ko man lang inalis 'yong pagkaka akbay niya sa akin. Nag roll eyes na lang ako sa kanila at patuloy na naglakad papuntang classroom.

"Opppssss! 'Di 'yan ang classroom mo! Di ba sa third floor pa kayo?" tanong ng taong naka akbay sa akin. Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya with matching taas kilay. Napa chuckle naman siya. Bigwasan ko kaya mukha nito? Charrot!

"Easy!" wika niya sabay tawa.
"Sorry nga pala kung umakbay ako sa'yo. Nadala lang ng bugso ng damdamin. HAHAHA! Pero panigurado mag aaway kayo ni Kelso once na nakita niya ko na naka akbay sa'yo." wika naman niya na dahilan para mag kunot noo ako. "Okay lang." sagot ko na lang dahil sa sinabi niya.

"Sure ka? Di siya magagalit sa'yo?" kulit naman ng lahi nito oh!

"Hindi nga! Ang kulit mo naman! Bakit siya magagalit sa'yo?" napa nga nga naman siya sa sinabi ko. Tila hindi makapaniwala sa narinig.

"Di ba kayo na? Mamaya awayin ako noon kapag nakita niya tayo. Atsaka hindi pa humuhupa ang galit niya sa akin madadagdagan na naman." sabi niya habang nag pout. Doon ko lang napagtanto kung bakit ganoon 'yong mga pakikitungo ng mga estudyante sa akin kanina noong nakita nila ako pati na rin noong umakbay sa akin 'tong mokong na 'to. Dahil akala nilang kami na ni Kelso? Pero 'di ko pa siya sinasagot ah!

NOBODY'S BETTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon