💕 NOBODY'S BETTER 44 💕

11 3 1
                                    

"Kuya, pwede niyo po ba kaming kuhanan ng picture. Girlfriend ko po kasi siya at gusto ko pong magkaroon ng graduation photo kasama siya." Sabi ni Kelso. Naghiyawan naman 'yong mga taong nandon, pati na 'yong mga kaklase at kaibigan ko habang namumula naman ako dito sa hiya.

❌❌❌

💕 NOBODY'S BETTER 44 💕

Friday na! Dalawang linggo na lang at graduation na namin. Wala kaming practice ngayon pero kailangan naming pumunta sa school ngayon dahil ngayong araw na ang graduation pictorial namin.

Nasa apartment kami ni Momo ngayon at napagdesisyunan naming dito kami sa apartment nila mag ayos. Mas malapit kasi sa school at may libreng pamake up. Si tita niya na ang nag-insist na make-upan kami para daw makalibre na. Sayang din naman kasi kung sa mismong sa beauty parlor pa kami aayusan. Mga nasa limang daan din kasi ang gagastusin kung sakaling don pa kami mag paayos. Siyempre, libre yon kaya hindi na kami tumanggi. HAHAHA!

"Uy besseu! Ang ganda mo!" Rinig kong sigaw ni Cela sa akin na nasa likuran lang ni ate Resse. Tapos na kasi sila ni Diana at ate Resse na mag make up at mag pakulot ng buhok. Nagseselfie na nga sila kanina sa mga cellphone nila eh! HAHAHA! "Wehh? Patingin!" Sabi ko naman sabay kuha ng maliit na salamin na hawak ni Momo. Kakatapos lang kasing lagyan ako ng make up ng sumigaw si Cela. Si Momo na ang sumunod sa akin.

"Ako ba 'to?" Namamanghang tanong ko sa kanila. Simple lang naman 'yong make up at nang ayos ng buhok ko pero masasabi kong mas gumanda ako. Charrot! Natawa lang si tita sa reaction ko.

"Oo besseu! Mas maiinlove na sayo niyan si Kelso. Sana all may jowa!" Natawa naman ako sa mga sagot nila. Nagtawanan at nag asaran lang kami hanggang sa matapos si Momo sa kanyang make up.

"Uy! Uy! Groupie muna tayo bago tayo pumuntang school!" Suggestion ko sabay labas ng cellphone ko. Masayang tumango naman sila. Tapos ay nag pose na kami ng kung ano-ano.

"Tita! Pikturan mo nga kami." Utos ni Momo sa tita niya. Natawa naman kami pati si tita pero masaya naman niyang kinuha 'yong cellphone tapos ay pinikturan na kami. Mga ilang post din 'yong ginawa namin bago kami nagpasalamat kay tita Rochelle at umalis papuntang school.

❌❌❌

Pagdating sa school, hinanap muna namin 'yong mga kaklase namin kasi baka nagpicture na sila tapos naiwan kami edi sayang 'tong mga make up namin  kaya hinanap namin sila. Nadatnan namin sila sa room na kung saan kami magpipicture for our graduation photos, at nasa isang sulok silang lahat since marami na ang mga estudyante dito sa loob. Ang gaganda at gwagwapo nilang lahat ng mga kaklase ko. So, nagpapicture na ko sa kanila. Ang dami ko ngang picture namin eh. Ipopost ko kasi sa facebook lahat ng photos. For remembrance.

Last set na ng ibang strand yong nag papapicture, kami na ang susunod. Pagkatapos ng last set ay tinawag na isa isa 'yong mga kaklase ko. Aphabetical ang nangyari kaya medyo nasa huli pa ko. Naghintay lang ako habang tinitignan at pinagmamasid ko sila. Hindi ko namalayang ako na pala ang susunod.

"Ms. Rameses, ikaw na ang susunod."

Napabalik ako sa realidad ng tinawag na ko. Agad naman akong nag respond sa kanila. Pumunta na ko don sa harap ng camera. Pinasuot muna nila ako ng toga at inayos yong buhok ko. Kinausap at tinuruan din ako kung paano yong hawak don sa toga (yong nilalagay sa ulo) para daw maganda tignan. Noong alam ko na kung paano ay nag umpisa na silang kumuha ng litrato ko.

"Okay thank you, Ms. Rameses. Okay next." Rinig kong sabi ng camera man kaya nagpasalamat muna ako at ibinigay 'yong hawak kong cup ng toga. Tatanggalin ko na sana 'yong togang nakasuot sa akin nang may narinig akong boses.

"Saglit lang po kuya." Sabi noong boses na kumausap kay kuyang photographer. Tinaas ko naman ang paningin ko kung sino 'yon at nakitang si Kelso pala 'yong nagsalita.

"Kuya, pwede niyo po ba kaming kuhanan ng picture. Girlfriend ko po kasi siya at gusto ko pong magkaroon ng graduation photo kasama siya." Sabi ni Kelso. Naghiyawan naman 'yong mga taong nandon, pati na 'yong mga kaklase at kaibigan ko habang namumula naman ako dito sa hiya.

Ngumiti naman si kuyang photographer at pinayagan naman kaming kuhaan ng litrato. Sinabi nga niya na saglit lang dapat 'yong pagkuha ng litrato kasi marami pang susunod na pipikturan kaya tumango na lang kami at nagpasalamat kasi pumayag siya.

Bumalik ako don sa pwesto ko kanina, pero this time tinanggal ko na 'yong nakasuot na toga sa katawan ko. Tumabi naman sa akin si Kelso tapos ay inakbayan ako habang nakatingin sa camera. Tumingin na lang ako pabalik sa camera habang namumula. At nag-umpisa nang kumuha ng litrato si kuya.

❌❌❌

"Uy! Ano 'yon Kelso? May paganoon ka pa ha!" Sabi ko kay Kelso ng makaalis na kami don sa room na 'yon. Nauna palang magpakuha ng litrato sila Kelso at ang section nila at hinihintay lang niya ako kaya pala siya nandoon.

"Huwag ka ng mahiya anae dahil sa nangyari kasi matagal ko ng balak na magkaroon ng graduation photo kasama ka." Namula naman ako doon sa sinabi niya.

"Alam mo anae, you look beautiful. Beautiful ka naman matagal na pero mas gumanda ka lalo ngayon. Noong pumasok ka sa room na 'yon kasama ng mga kaklase mo, napahanga ako sa ganda mo. Kaya 'yong desire ko na magpapikture sa'yo ay mas lalong lumakas." Masayang sambit niya. Hindi ko alam ang sasabihin o irerespond ko sa sinabi niya kasi namumula na ko dito. Kahit ilang buwan na kaming in a relationship, nahihiya pa din kasi ako sa kanya. Mas lalo na kapag bumabanat siya ng mga cheesy lines.

"Aray ko naman anae!" Rinig kong hiyaw niya noong pinalo ko siya ng mahina sa braso. "Ang haba haba ng sinabi ko, palo lang 'yong nakuha kong response sa'yo." Wika niya habang minamasahe 'yong braso niya kung saan napalo ko siya. "Sorry naman Kelso! Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko eh! Kinikilig kasi ako! Hahahaha!"

"Pero anae, thank you for responding to my request." Napangiti naman ako. "Mas thankful ako Kelso kasi naisip mo 'yong bagay na 'yon. Pangarap ko din na magkaroon ng picture kasama ka. Thank you sa picture at sa memories."

Ngumiti naman siya sa sagot ko. Nagkulitan lang kami habang naglalakad na kami pauwi. Pero siyempre, nagpicture picture pa kami sa daan.

Thank you Kelso for the photos and for the memories.

❌❌❌

NOBODY'S BETTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon