"So can you give me a chance Keisha?" Tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. May heart says I will give him a chance but my mind said no. What will I do?
❌❌❌
💕 NOBODY'S BETTER 18 💕
Kanina pa ko paikot ikot sa kwarto ni Momo dahil kinakabahan ako. Nandito kasi ako para mag bihis at dahil si Momo rin ang mag aayos sa akin ngayon. Siya ang mag mamake up at mag aayos sa buhok ko ngayong gabi pero feeling ko nga kahit nakapag ayos na ko ngayon ay haggard na ko kaagad. Kasi nga ngayon na nga yong duet namin ni Oppa Baekhyun.
Siyempre kinakabahan ang ate niyo. Ikaw pa naman na simpleng estudyante makaka duet mo iyong isa sa hinahangaang singer sa school niyo, hindi ka ba kakabahan?
"Yahhh! Beshywap! Wag ka ngang ikot ng ikot diyan. Naiistress ako sa'yo!" Sabi ni Momo habang binoblower ang buhok niya. I just sigh and pout dahil sa sinabi niya tapos umupo sa higaan niya. Pero di pa rin mawala wala sa isip ko ang pagiging negative thinker.
"Wahhhh! Besh! Paano kaya besh kung pumiyok ako mamaya? Paano kung pinag tawanan nila ako? Ano gagawin ko? Huhu! Paano kung nagka--" hindi ko na natapos ang pagdadrama ko ng tinignan ako ng masama ni Momo dahilan para tumahimik ako.
"Huwag mong isipin yan besseu! Alam ko namang kaya mo yan eh! Kaya nga ikaw ang napili ni Oppa Baekhyun na kasama niyang kumanta kasi he trusts you. Kaya sana magtiwala ka din sa sarili mo katulad ng pagtitiwala namin sa'yo." Wika ni Momo sa akin habang nakangiti. Agad akong napa ngiti at pumunta sa kanya para yakapin siya.
"Wahhh thank you beshywap sa support. Tama ka! Kaya ko 'to! Payting!" Wika ko at tumawa lang siya. At itinuloy niya na ang pag bloblower ng buhok niya habang ako'y nagdarasal dito na sana maging successful ang performance namin mamaya. Sana nga lang hindi ako pumalpak kasi nakakahiya kay Oppa.
❌❌❌
Pag dating namin sa venue, marami ng tao ang nandito. Super ganda ng mga damit nila at feeling ko nga nasa Hawaii ako dahil nga sa theme naming 'Coachella'. Nahiya tuloy ako kasi hindi naman bongga tong suot ko ngayon. Naka suot lang ako ng pink dress. Sa totoo lang, plain lang iyong style niya pero siyempre nandoon pa rin iyong theme na 'Coachella'. Nasa may palda ko nga lang. Hahaha!
Agad naming hinanap ni Momo kung saan naka upo sila ate Resse at mga kaklase namin pero bago namin sila mahanap, biglang may humigit sa kamay ko dahilan para magulat ako.
"Kelso?" Tanong ko dahil hindi ako makapaniwalang ang humigit sa kamay ko ay walang iba kundi siya. Si Kelso. Pero bakit?
Hindi lang siya sumagot bagkus ay dirediretso niya lang akong kinaladkad papunta sa backstage habang naiwan ko naman don si Momo na gulat na gulat katulad ko.
"Ano ba!? Saan mo ba ko dadalhin? Ang sakit na ng kamay ko ah! Bitawan mo na ko!" Sigaw ko sa kanya dahil kahit nasa backstage na kami ay hawak pa rin niya ang wrist ko. Pumuputi na nga to eh sa sobrang higpit ng hawak niya eh. Hindi man lang niya namamalayan.
Oo nga pala, manhid siya.Bakit ko pala nakalimutan? Baliw ka rin kasi Keisha eh! Tssk! Tssk!
"Ano ba Kelso? Hinahanap na siguro ako ni Oppa Baekhyun! Kakanta na kami mamaya! Kailangan niya na ko!" Sigaw ko. Wala na kong pakialam kung may nakarinig sa pagsigaw ko o sa pagiging maldita ko. Wala eh! Naging ganito na ugali ko ng dahil sa kanya. Naging bitter ako, naging manhid at tanga ng dahil sa kanya kaya huwag na siyang magtaka. Teka? Kailan pa kami naging close ng lalaking 'to?
Bigla siyang tumigil sa paglalakad dahilan para tumigil din ako. Remember, hinahawakan niya pa rin ang wrist ko kaya huminto ako. Tumingin siya sa akin with his famous cold eyes na minahal ko isama mo pa iyong heart shape na labi niya na hinahangad kong mahalikan. Teka nga ano tong pinag iisip mo Keisha? Please wake up! Pinagtritripan ka lang niyan!
"Can you please keep quiet 😒! Ang ingay mo eh!" Sabi niya sa akin with his famous cold eyes pagkatapos ay binitawan niya iyong kamay niya sa wrist ko dahilan para irub ko to gamit ang isang kamay ko. He smirk.
"Wow ha? Ikaw pa ang nagagalit! Kung hindi mo sana ako hinigit at ipinunta dito, hindi kita sisigawan ng ganito!" Sabi ko sa kanya.
Huminga siya ng malalim sabay sabing,
"Hinigit kita dito kasi gusto kitang kausapin. Gusto kasi kita Keisha eh! Ay hindi pala! Mahal kita Keisha matagal na. Wala lang akong pagkakataon na umamin kasi natatakot ako na baka ireject mo ko. Na baka mawalan ako nang oras at magsisi sa huli kung hindi ako naka amin sayo. Alam ko din na biglaan lang to pero hindi na kasi kayang dalhin ng puso ko tong nararamdaman ko eh. Kaya ngayong alam mo na, I want you to give me a chance na mahalin ka. Alam ko na isa akong jerk pero please, can you give me a chance to love you again and I promise na babawi ako sa'yo." Napa nga nga ako sa sinabi niya. Ako mahal niya? Nagpapatawa ba siya?"Eh may girlfriend ka eh! Nandyan si Jenicha na girlfriend mo. Huwag mo nga kong ginagawang tanga." Sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya ng mahina tapos ay hinawakan ang kamay ko.
"Jenicha is my cousin and nagpapanggap lang kami na para kaming may relasyon kasi she knows na I like you. She was just helping me. Kaya wag mo ng isipin yon dahil wala akong girlfriend. Ikaw lang talaga ang laman nitong puso ko. Promise." Mas lalo akong napa nga nga. So all this time, niloloko nila ako. Wtf! Isang taon akong naghintay sa kanya. Isang taon! Ngayong mutual lang ang nararamdaman namin sa isa't isa, mas lalong gumulo ang isipan ko.
Dahil ba nabigla ako o dahil baka niloloko lang niya ko ulit?
"So can you give me a chance Keisha?" Tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. May heart says I will give him a chance but my mind said no. What will I do?
Before I could give my answer, Oppa Baekhyun just came in to save me from this crucial stage I have been facing right now.
To be continued...
❌❌❌
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Novela JuvenilNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...