"Sa totoo lang, hindi ko siya maintindihan eh. Halata naman sa mga pinagsesend niya pero wala eh, kahit ganyan siya, atleast binigyan niya ko ng oras. Pinaglaanan niya ko ng oras."
~MONICA MORICE BROWN
❌ ❌❌
💕 NOBODY'S BETTER 11 💕
"Beshywap! May ikwekwento ako dali!" Ang masayang pambungad sa akin ni Momo pagkarating at pagkarating ko sa classroom. Nakapalibot sa kanya sila ate Resse, Cela at Diana at mukhang ako na lang ang hinihintay niya. Pero, napansin ko lang super glowy ni Momo ngayon at super ganda ng ngiti niya. I wonder kung bakit.
"Ano ba 'yon?" Tanong ko pagkaupo na pagkaupo ko sa upuan ko. Humagikgik lang siya na parang baliw at ngumiti na naman ng nakakatakot. Ang creepy niya ah.
"Ahhh kasi ano, kasi ano! Pano ko ba 'to uumpisahan?" Tanong niya habang nakangiti pa rin na parang ewan. Binatukan tuloy siya ni Cela.
"Aray ko naman Cela!" sabi ni Momo habang hinahaplos niya lang iyong batok niya dahil nga binatukan siya ni Cela.
"Dalian mo na kasi!Ang bagal mong magkwento!" ang sagot naman ni Cela kay Momo. Natawa na lang kaming tatlo nila ate Resse at Diana dito sa isang tabi. Nag babangayan na naman 'yong dalawa eh. Pero infernes, namiss ko 'tong bangayan portion nila. Kasi matagal tagal na rin na hindi namin nakasama si Cela. Oo, magkakaklase kami kaya lang parang may sariling mundo silang dalawa ni Diana. Para kasing may tinatago sa amin si Cela pero hindi ko naman alam kung ano.
"Oo na! Oo na! Magkwekwento na ako! Pero bago ako magkwento, ikaw muna ang magkwekwento sa amin beshywap!" sabi ni Momo. Napa tigil naman si Cela at napatahimik habang ako, heto, nakakunot noo. Hindi ko nga alam kung saan patungo 'tong pinag uusapan namin eh.
"Ha? Bakit ako? Anong ikwekwento ko? Wala naman akong ikwekwento sa inyo ah!" Wika ni Cela sa sinabi ni Momo. Nag smirk lang si Momo kay Cela.
"Ikwento mo sa amin 'yong tungkol kay pintura!" Sabi naman ni Momo. Mas napakunot noo ako. Pintura? Sino 'yon? Di ba pinagkukulay 'yon sa mga dingding? Okay, Keisha, ang korny mo! lol!
"Ha? Bakit mo alam 'yong tungkol sa amin ni Paint?" Tanong ni Cela. Hindi ko na maiabsorb lahat ng mga nalalaman ko ngayon. Hindi na kasi ako updated dito sa mga kaibigan ko.
"Sino si Paint?" Tanong ko naman. Tumingin lang sa akin si Cela at umiling. Tila sinasabing, huwag mo ng alamin. Habang tumahimik naman si Diana sa tabi ko. Mukhang may alam din siya tungkol kay Paint at kay Cela.
"Si Paint boyfriend ni Cela." Sabi naman ni ate Resse. Napa huh lang ako. Bakit ngayon ko lang nalaman? Tinignan ko lang si Cela ng may pagtataka ngunit yumuko lang siya.
"Kailan pa?" tanong ko.
"Matagal na. " sagot ni Momo. Eh? Bakit ngayon ko lang nalaman? Ganoon na ba katagal 'yon? O sadyang wala na kong oras sa kanila.
"Nalaman ko lang kahapon kasi nakita ko itong si Cela na kasama 'yong pintura'ng 'yon sa may Mall. Di ba hindi na siya sumasabay sa inyo pag uwi?" tumango naman ako. "So dahil don, ininstalk ko 'tong si Cela sa Facebook at nalaman kong boyf pala niya 'yong kasama niya which is si pintura. " tumango ulit ako. Ang dami ko nang nalaman tungkol kay Cela at ngayon, naiintindihan ko na kung bakit hindi na kami laging magkakasama. Kasi may kahati na kami sa oras niya.
"Eh, bakit itinago mo sa amin 'to besh? " tanong ko. Sorry ah kung matanong ako. Curious eh!
"Eh kasi besh baka hindi niyo magustuhan si Paint o kaya matanggap man bilang bf ko. Pero ngayong alam niyo na, sana hindi kayo magalit sa akin. "Sagot niya. Ngumiti lang ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Pero beshy sa susunod, wag ka ng magtago. Tanggap ko si Paint kahit na hindi ko siya kilala. Kaibigan kita eh! Kung sa kanya ka sasaya Edi go. Basta kapag pinaiyak ka niya sasapakin ko talaga 'yong pintura na 'yon." Sagot ko. Tumawa naman siya.
"So balik na sa real topic beshywap. So ano na 'yong ikwekwento mo?" Tanong ko kay Momo na nakabungasot ngayon. Kung ako kasi tanggap ko si Paint, siya hindi. Kasi nga daw nawalan na daw ng panahon sa amin si Cela at parang pinagpalit na daw niya kami don sa pintura na 'yon. Kaya heto, nagtatampo ang ate niyo.
"So ito na beshywap! Ahihihi~ kasi ano." Wika niya sabay kuha ng cellphone niya sa may bag niya at pinakita sa amin 'yong messenger niya. At literal na lumaki ang Mata ko. Kasi itong si Momo dumadamoves. Kachat nga lang naman niya si Kelvin.
Ahy, si Kelvin pala ay si Kim Shung-Ah 'yong transfer student na kaklase namin ngayon.
"Ikaw ah beshywap! Dumadamoves~" ang asar ni Cela sa kanya.
"Enebe! Hindi nemen eh! Siya kaya an unang nagchat. " sagot ni Momo.
"Oo nga, siya nga ang unang nagchat pero sumagot ko naman." Wika naman ni ate Resse.
"Ano ba ate Resse kese nemen eh, take the opportunity. Igragrab ko na 'to atleast nakausap ko na siya kahit sa chat lang." Wika niya. Nakikinig lang ako kasi busy ko pang binabasa 'yong mga messages nila. Paano kaya sila nagkakaintindihan eh puro nakahangul 'tong isinesend ni Kelvin habang 'yong kay Momo English.
"Buti nagkakaintindihan kayo." Wika ko sabay bigay ng cellphone niya. Momo just bite her lips.
"Sa totoo lang, hindi ko siya maintindihan eh. Halata naman sa mga pinagsesend niya pero wala eh, kahit ganyan siya, atleast binigyan niya ko ng oras. Pinaglaanan niya ko ng oras. Hindi katulad ng isa diyan." Wika niya. Binigyan lang siya ni Cela ng nakakatakot na tingin pero nagpout lang si Momo.
Napa isip ako. Oo, tama ang sinabi ni Momo. Kahit hindi sila magkaintindihan ni Kelvin, atleast pinaglaanan siya nito ng kahit na maiksing panahon. Atleast, napansin si Momo ng taong gusto niya. Atleast nagkausap sila. Atleast, friend na sila sa Facebook.
Pero ako at si Kelso, sa palagay ko malabong mangyari ang mga 'to sa amin. Si Kelso pa!
Eh manhid 'yon eh! Super manhid.
Napabalik na lang kami bigla sa assigned seat namin dahil dumating na ang instructor namin kasama si Kelvin.
Tinignan ko si Kelvin at napansin kong super ganda ng ngiti niya. Tapos bigla siyang napaglance saglit kay Momo na ngayon ay nakatingin din pala dito kay Kelvin.
Nag ngitian sila na parang Ewan.
Hayyssss! Naiinggit tuloy ako. Wala eh.
Manhid siya eh at tanga ako eh.
Bagay kami.
❌❌❌
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Ficção AdolescenteNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...