💕 NOBODY'S BETTER 32 💕

24 4 1
                                        

"Don't worry anae. I am here. I will never leave you."

~ BLAZE KELSO CARTER

❌❌❌

💕 NOBODY'S BETTER 32 💕

Miyerkules ngayon at dalawang araw na ang nakakalipas ng nagka ayos na kami ni Kelso. Bumalik na rin kami sa dati na close na at 'di na masyadong awkward. At sa dalawang araw na nakalipas, nasanay na rin ako sa mga tingin sa akin ng kapwa kong estudyante at mga asar ng mga kaklase ko mas lalo na ang mga kaibigan ko.

Ngayon, nasa library kami ngayon kasama ang aking mga kagroupo sa research. Ginagawa na kasi namin ang Chapter 3 ng research paper namin at dahil nadiscuss naman na kanina ni ma'am kung paano gawin 'yon eh napag desisyunan na naming gawin ito kaya nandito kami sa library.

"Ganito ba 'yong diniscuss ni ma'am? Di ko gets!" wika ni Marie na ngayon ay nagkakamot ng ulo. Halatang stress na siya. "Tignan ko nga." wika ko sabay kuha ng laptop sa kanya. Nakitingin naman sa akin 'yong iba kong mga kagrupo.

"Hehe! Di ko rin gets! Pero tama naman na ata 'to? Pacheck niyo nga kay ma'am?" sabi ko sabay bigay ng laptop sa iba ko pang kagrupo. "Sige ako na lang mag papacheck kay ma'am." tugon sa akin ni Cyrene. Tinanguan ko na lang siya.

Sinamahan siya ni Carolina na puntahan si ma'am sa faculty room. Naiwan na lang kaming anim na membro ng aming grupo upang maghintay.

Lima kasi ang grupo sa research. Pang group 3 kami. Ang leader namin ay si Julia Marie tapos ang mga miyembro naman ay ako, si Carolina, Cyrene, Oprah, Felix, Margaret, Aijalon at si Momo. Pero walang bakas ni Momo ang makikita dito sa library. Teka? Nasaan si Besseu?

"Kuya Felix, nakita mo ba si Momo?" tanong ko kay kuya Felix na nagbabasa ng published thesis na hinihiram namin as a basis. Ibinaba naman niya 'yong binabasa pagkatapos ay umiling siya. Eh?

"Sige salamat po."

Agad akong tumayo sa pagkaka upo ko at tinanong ang iba ko pang mga kagrupo pero di daw nila alam. Pumasok naman siya kanina eh pero nasaan siya ngayon?

Chinat ko na rin ang mga kaibigan ko sa gc pero kahit sila ay di nila alam. Hindi rin siya online. Ewan ko ba kung bakit ko siya hinahanap pero kasi kinakabahan ako eh. Iba 'yong pakiramdam ko.

Lumabas ako ng library at patungo na ko sa classroom namin ng napa tigil ako ng may narinig akong boses sa isang classroom. Unti unti akong lumapit sa pintuan at inilagay ko ang tenga ko sa pintuan. Gusto kong pakinggan kung kaninong boses 'yon pero muffled sounds lang ang tangi kong naririnig. Nanginginig na nilagay ko ang isang kamay ko sa doorknob at pipihitin ko na sana 'to ng may naramdaman akong kamay sa balikat ko dahilan para mabitawan ko ang pagkakahawak ko sa doorknob.

"Anae? Anong ginagawa mo? Bakit ka nandyan sa tapat ng classroom namin?" naka kunot noo niyang tanong ng makita niya ako. Umiling lang ako at 'di namamalayan na hawak hawak ko na pala ang aking hininga.

"Okay ka lang?" nag aalala niyang tanong sa akin ng mapansin niya ang itsura ko ngayon. Muli ay umiling ako. "You look so pale. Tara dalhin kita sa infirmary para matignan ka nila." wika nito sabay kuha ng kamay ko. Hihigitin ko sana 'to pero tinignan niya ko ng may pag aalala kaya wala na rin akong magawa kundi sumama sa kanya.

❌❌❌

Pag dating namin sa infirmary ay agad akong pina upo ni Kelso sa may upuan na naka harap sa table ng school doctor namin habang siya ay dumiretso sa may gilid kung saan naroon ang mga higaan na may takip na tela. Hinahanap niya siguro 'yong doctor.

NOBODY'S BETTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon