"Beshywap! Naniniwala ka ba sa Love at First Sight?" Tanong sa akin ni Momo habang nakangiti hanggang sa mata niya. Tinignan ko lang siya at umiling.
Siguro dati 'oo' kasi love at first sight ko siya eh pero ngayon parang hindi na. Kasi pinagsisisihan ko na nakilala siya.
❌❌❌
💕 NOBODY'S BETTER 10 💕
Kasalukuyan akong nag lalakad patungo sa locker ko. Oo, tama kayo nang nabasa, pupunta ako sa locker ko kasi nagbabakasakali ako na bibigyan ako ulit nong secret admirer ko ng sticky note.
Kasi umaasa ako. Umaasa kasi ako na baka siya iyong nagbigay sa akin noon kahit alam ko namang 100% na impossible 'yon. Kasi alam ko namang hindi niya ko gusto. Oo, tanggap ko 'yon pero alam niyo naman ako, masyado akong tanga. Nagbubulag-bulagan ako. Nagbibingi-bingihan. Iyong tipong hanggang salita lang ako na may pa-move on, move on pa kong nalalaman pero wala naman akong gawa. Siguro nature ko na talaga 'to. At alam kong maiintindihan niyo naman siguro ako.
So nasa tapat na ko ng locker ko ay agad kong kinuha ang susi ng padlock sa bulsa ko at pagkatapos ay agad kong ipinasok iyong susi sa padlock para mabuksan 'to habang ngiti ngiti na parang ewan. Ngunit napalitan 'yong ngiti ko ng isang malungkot na mukha dahil wala ni isang sticky note ang nakalagay sa locker ko.
Hahaha! bakit ba kasi akong umasa?
Bakit ko ba inisip na siya 'yong naglagay sa locker ko eh wala naman akong patunay.
Bakit ba kasi ako bumalik dito? Bakit ko ba kasing naisipan na tignan 'tong locker ko?
Dahil ba umaasa rin ako kahit papaano na papagaanin ng secret admirer ko 'tong sakit na nararamdaman ko?
At ang shunga shunga ko dahil naniwala naman ako doon sa secret admirer ko kuno.
Bumuntong hininga ako ng malalim at ipinikit ang mata. Kasi any minute alam kong tutulo na siya. Tutulo na iyong luha ko na kahapon ko pa pinipigilang hindi bumuhos.
Habang nakapikit, halos ang nakikita ko lang is iyong scene kahapon. Siya. Siya na nakasandal sa pader na naghihintay sa kanya. Siya na masayang nakikiusap sa kanya. Siya na masaya. Siya na alam kong siya lang din ang makabibigay ng ligaya. Siya na siya lang din ang mahal at hindi ako.
Ang sakit no? Ang sakit pala!
Na marami ng beses ka nang nakakita ng patunay na may mahal na siyang iba. At nakakainis lang dahil ipinagmukha niya pa sa akin.Dahil sa pag iisip, di ko namalayan na umihikbi na pala ako dito ng mahina. Agad kong pinunasan ang luha sa mata ko gamit ang likod ng palad ko at iminulat na ang mata. Pagod na ko. Ayoko na. Bulong ko sa aking sarili pero wala namang gawa.
Nang naramdaman kong medyo okay na ako, agad kong isinara at inilock ang locker ko at kinuha ang susi nito upang ilagay sa bulsa ko. Pagkatapos ay dumiretso na muna ako sa CR para maghilamos dahil alam kong wasted na wasted ako. At ito na lang din ang alam kong paraan para hindi mahalata ang mugto kong mata.
Sa ngayon, hindi muna ako pupunta sa locker room kung hindi naman kailangan. Kasi ayaw ko na ulit maranasan 'tong nararamdaman ko ngayon. Iyong aasa ka sa wala especially alam mo ng pati iyong iisang taong nagkagusto sa'yo dati is nag give up. Well, I think wala talagang totoong nagkakagusto sa akin. Wala.
❌❌❌
Kasalukuyan kaming nagsusulat ngayon. Buti nga kanina pagkatapos kong pumunta sa locker at sa CR is hindi nagtanong or nagtaka sa akin iyong mga beshywap ko. Kasi busy rin sila sa mga pinag gagagawa nila kanina at tamang tamang nagring na rin ang bell kaya wala na kaming chance na magkwentuhan. Ngunit para sa akin, okay lang 'yon dahil hindi pa rin ako handa na ishare sa kanila kung ano ba ngayon iyong pinagdadaanan ko. Mas mabuti pang sarilihin ko muna.
So ayon nga, kasalukuyan kaming nagsusulat ngayon ng biglang may kumatok sa pintuan namin kaya agad na huminto sa pagsusulat 'yong instructor namin ngayon upang buksan ang pinto. Nakita na lang namin na parang may kinakausap iyong instructor namin at wala pang 5 minutes ay agad din silang natapos ngunit umingay lang ang classroom namin at nagsimula ng magpaganda at kung ano ano pang ginagawa ang iba ko pang kaklase na babae dahil,
Sa isang bagong lipat na estudyante.
May matangos siyang ilong. Magandang mga mata. Mga labing mapupula. Iyong tanned skin niya na bagay na bagay sa kanya. At iyong tangkad niya na kina iinggitan ng mga lalaki. In short, he's impeccable.
Napatahimik na lang sila, (yeah, sila lang dahil hindi naman ako nag iingay. Bakit naman ako mag iingay eh in the first place heart broken ako at wala ako sa mood) kasi bigla silang pinatahimik ni ma'am at pinagsabihan na parang ngayon lang daw kami nakakita ng transfer students. Pero hindi niyo naman siguro kami masisisi kung ganito halos reaction namin eh, kasi first time din naming maka in counter ng transfer student na magtratransfer sa gitna ng first sem. Sino namang shungang estudyante ang magtratransfer sa ganitong sitwasyon kung mahuhuli at mahuhuli rin siya sa mga lessons.
Pagkatapos na pagkatapos na pinatahimik kami ni ma'am ay nag gesture siya doon sa transferee na magpakilala. Tumango naman ito.
"Annyeonghaseoyo! Kim shunga-imnida from XOXO Academy in Seoul, South Korea. I hope we can all be friends." Wika niya. Napanganga na lang kami sa sinabi ni kuya at nagsihiyawan naman iyong mga kaklase ko na babae na oppa daw. Sa wakas daw may oppa na kaming kaklase na pwede naming kuhanan ng Korean words. Dami nilang alam.
Pero Korean siya? Why is his skin was tanned? Di ba mga Korean ang skin nila fair, white and smooth? Bakit 'yong kanya iba?
Dahil sa pag iisip at sa aking pagtataka, hindi ko namalayan na sinisiko na pala ako ni Momo na katabi ko. Katabi ko siya pero si ate Resse ay hindi kasi may seating arrangement na kami. At kaming dalawa ni Momo ang magkatabi at nasa dulo.
Tinignan ko siya at itinaas ang kilay kasi kitang kita ko sa mga mata niya na nagsspark ito.
"Beshywap! Naniniwala ka ba sa Love at First Sight?" Tanong sa akin ni Momo habang nakangiti hanggang sa mata niya. Tinignan ko lang siya at umiling.
Siguro dati 'oo' kasi love at first sight ko siya eh pero ngayon parang hindi na. Kasi pinagsisisihan ko na nakilala siya.
Pero ano daw love at first sight? Omo! Don't tell me?
"Gusto mo siya?" Bulong ko sa kanya habang nakatingin kay Kim Shunga pagkatapos ay kay Momo at ang tanging tugon niya ay tango at ngiti. Kita ko rin 'yong pamumula ng pisngi niya.
Sana lang wag gagayahin ni Kim Shunga si Kelso. Na pinafall niya ko sa una naming pagkikita at sasaktan din pala niya ko kasi ayaw kong maranasan ni Momo 'tong nararamdaman ko ngayon. Okay lang sana kung sa akin lang mangyari 'to dahil ayaw kong masaktan ang mga kaibigan ko dahil sa mga lecheng mga lalaking pafall.
❌❌❌
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Dla nastolatkówNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...