“Nga pala Kelso, salamat pala kanina ah.” Wika ko sa kanya habang naglalakad na kami pauwi.
“Para saan?” tanong niya. “Kasi kong ‘di mo ko pinuntahan kanina sa may library baka ‘di magiging successful ‘yong defense namin.”
“Wala ‘yon. Ganoon naman talaga ang role ng bf di ba? Ang suportahan at tulungan ang gf niya kapag ‘di na niya kaya. Kaya anae, always remember, I am not just your bf. I am also your friend, brother and your source of strength. I am always here for you through ups and downs, happiness nor even you're sadness. I will be your helpmeet 'till the very end.” Napatango naman ako habang nakangiti sa narinig ko kasi tama naman siya sa sinabi niya eh. Tamang tama.
❌❌❌
💕 NOBODY'S BETTER 37 💕
Kinakabahan ako ngayong araw na ito. Ito na kasi ang araw kung saan idedefend namin ‘yong thesis paper namin. Alam ko naman sa sarili ko na ginawa namin ang lahat para maging successful ang studies namin. Nakaka stress nga eh pero alam ko makakaraos din kami.
Nandito ako sa may library kasama ang mga groupmates ko para ireview ang research paper namin. Nagtatanungan na rin kami sa maaaring ibatong tanong sa amin pati na rin ang nakikitang weaknesses ng paper namin na maaaring itanong din. Nasa may assigned room na kasi ‘yong first na magdedefense at nagpapasalamat ako na pang apat pa kami. Iyon nga lang, ‘yong kaba ay matagal pang mawawala sa dibdib namin.
“Besseu,” bulong ni Momo sa akin. Alam niyo naman bawal ang maingay sa library kaya hanggang bulungan lang kami.
“Bakit?” tanong ko naman sa kanya pero ‘yong tingin ko nasa research paper namin.
“Nasa labas si Kelso. Gusto ka daw niyang makausap.” Wika niya kaya agad kong naibaba ang binabasa kong research paper at pagkatapos ay nag thank you ako sa kanya dahil sa sinabi niya.
Kailangan ko talaga ngayon si Kelso. Pampalakas ko kasi siya ng loob. Hehehe!
Agad akong lumabas sa library at nakita ko siyang nakasandal sa pader habang nagsecellphone.
“Kelso,” ang tawag ko sa kanya dahilan para mapunta sa akin ang atensyon niya. “Kanina ka pa ba diyan?” tanong ko ulit habang masaya akong lumapit sa kanya.
Ibinulsa naman niya ang cellphone niya at ngumiti sa akin. “Hindi naman, kararating ko lang. Buti nakita ako ni Momo dito sa labas kaya pinasabi ko sa kanya na gusto kitang makita at makausap.” Sagot niya.
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Fiksi RemajaNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...