💕 NOBODY'S BETTER 43 💕

9 2 1
                                        

"Huwag mo kong alalahanin. Kumain na ko at isa pa, mas kailangan mo 'yan kaysa sa akin. Paano na lang ako kapag mahina ka?"

~KEISHA THERA RAMESES

❌❌❌

💕 NOBODY'S BETTER 43 💕

Nandito ang buong graduating students ng senior high sa loob ng shs convention hall dahil simula na ng practice ngayon. Practice for our graduation. Tinuturuan kami kung ano ba ang gagawin namin.

Ngayon, nakapila kami according to our surname and according din sa strand namin. Para daw di magulo at maayos ang flow ng magiging ceremony. Nasa harap namin 'yong shs coordinator namin at nagbibigay siya ng instruction kung paano daw namin kukunin 'yong diploma namin. "Uy!" rinig kong bulong ni kuya Marc sa akin. Nasa harap niya kasi ako eh since magkalapit ang surname namin. Rameses ako habang siya, Reyes ang apelyedo niya. Sa harap ko naman ay si Ren habang nasa likod naman ni kuya Marc si Dorcas.

"Bakit?" Bulong ko din. Nakakahiya naman kasing mag usap sa ganitong sitwasyon since nagsasalita 'yong shs coordinator namin mahirap na baka mahuli kaming nagdadaldalan.

"May nasagap akong balita," pasimula niya. "Isa ka daw sa may high honor." Napakunot noo naman ako. "Uy! Di ah! Saan mo nakuha 'yang balitang 'yan?" Curious na tanong ko. Sa totoo lang kasi wala pang sinasabi 'yong advisor namin kung sino 'yong may mga honors. Ang sinabi lang niya kung ilan 'yong with high honors, with honors and distinction pero 'yong mga names ay hindi pa talaga namin alam. Kaya nacurious ako at nagtaka bakit nasabi ni kuya Marc na may highest honor since alam ko sa sarili ko na baka wala akong makukuhang honor. "Basta." Tumango na lang ako at nakinig na kay ma'am. Baka lang kasi niloloko lang ako ni kuya Marc eh. Aasa lang ako sa wala! Hehe! Masheket!

❌❌❌

Break time na namin ngayon at finally, makakapag pahinga na kami kahit papaano. Kasama ko ngayon sa canteen 'yong mga kaibigan ko at kumakain kami. Meryenda lang. Spaghetti lang inorder ko since di naman ako masyadong gutom. "Besseu!" tawag sa akin ni Momo. Busy kasi akong ngumunguya ng kinakain ko kaya 'di ko maintindihan mga pinag uusapan nila. "Bakit?" tanong ko pabalik pagkatapos kong nguyain 'yong kinakain ko. "Krass ba ni Shung-Ah si Rose?"

"Hindi ko alam eh! Bakit mo naitanong?" Tanong ko pabalik. Umiling lang siya. "Wala! Wala!"

"Uy! Anong wala? Nakita ko kaya 'yong tingin ni Momo kay Rose at Shung-Ah!" Sigaw ni Cela dahilan para macurious ako. "Bakit ano bang meron sa kanila?" Nagtataka kong tanong kay Cela. Sinapak sapak naman ni Momo 'yong balikat ni Cela para tumigil siya sa pagsasalita pero hindi 'yon nangyari since tinuloy pa rin ni Cela 'yong kwento niya. "Nag aasaran at nagsasapakan kasi kanina si Shung-Ah at si Rose eh! Hiyawan din 'yong mga nakakita sa kanila since medyo sweet sila kahit na nagsasakitan sila kanina."

"So nagseselos ka Momo?" Tanong ko pabalik kay Momo. Di ko kasi nakita yong kanina since nasa medyo huli ako nakalinya. At since nasa harap lang sila lahat ('tong mga kaibigan ko), sila lang ang nakakita at may alam.

"Hindi ah!" Deny ni Momo pero namumula na siya. Kinantsawan lang siya ni Cela kaya mas lalong namula 'tong si Momo habang kaming tatlo naman ay natatawa lang ng maliit. Selos nga 'tong si Momo. Denial lang! Hahahaha!

"Uy! Balik na tayo don! Tapos na 'yong break!" Sabi ni ate Reese. Tumango na lang kami at inubos na ang kinakain habang may kasamang kulitan at nagsimula na kaming bumalik sa convention hall.

❌❌❌

Pagbalik namin sa convention hall, di pa naman nag uumpisa 'yong practice. Nag uusap pa 'yong mga advisers at 'yong shs coordinator namin. Pero pumuwesto na ko don sa assigned na upuan ko maging 'yong mga kaibigan ko. Kunting kwentuhan lang ang naganap sa amin ni Ren ng nagpaalam siyang magsi-cr muna. Wala pa naman si kuya Marc sa tabi ko at maging 'yong ibang mga nasa row namin kaya naiwan akong mag isa dito sa row na ito. Akmang ilalabas ko na sana 'yong cellphone ko sa bulsa ko ng naramdaman kong may tumabi sa akin. Tinignan ko naman kung sino at nakitang si Kelso lang pala 'yong tumabi.

"Hi Anae!" Masayang bati sa akin ni Kelso pagkaupong pagkaupo niya sa tabi ko. Ngumiti din ako pabalik at kinamusta siya since halos kanina ko pa siya hindi nakakausap kasi practice agad kami. "Nag meryenda ka na?" Tanong ko since medyo pagod siya. Oo nga pala, kaya kami pinagbreak kasi pinagpractice 'yong mga dancers. Gusto kasing tignan ng mga teachers at ni maam coordinator kung ayos na ba 'yong sayaw nila. "Hindi pa nga eh pero okay lang kasi hindi pa naman ako gutom. Nakita na kasi kita at nakausap." Sinapak ko naman ng mahina 'yong braso niya pero tumawa lang siya. Bumanat ba naman ng ganoon.

"Teka," sabi ko sa kanya sabay bukas sa bag ko ng pagkain na binili ko. "Heto oh, binili ko para sa'yo." Wika ko sabay bigay ng burger at c2 na binili ko kanina sa canteen. Sa totoo lang medyo nagutom ako at kulang ko pa 'yong spaghetti na kinain ko kanina kaya bumili ako ng burger at c2. Pero parang nawala na 'yong gutom ko noong nalaman kong di pa pala siya kumain.

"Hala anae! Pagkain mo 'yan ah! Bakit mo sa akin binibigay 'yan?" Nagtataka niyang tanong. Umiling lang ako at kinuha ko 'yong kamay niya at nilagay ko don 'yong burger at c2. "Huwag mo kong alalahanin. Kumain na ko at isa pa, mas kailangan mo 'yan kaysa sa akin. Paano na lang ako kapag mahina ka?" Natawa naman siya sa sinabi ko at tinanggap 'yong pagkain. Tuwang tuwa naman akong pagmasdan siya habang kumakain.

Tamang tamang pagkaubos niya ng pagkain niya ay nag umpisa na ulit kaming magpraktis. Nag paalam na sa akin si Kelso at pumunta na sa pwesto niya. Hinayaan ko lang siya at tamang tama ring dating nila kuya Marc at Ren pabalik sa mga pwesto nila. Sabi nga nila sa akin eh, kanina pa daw sila nandito sa loob ng convention kaya lang 'di daw muna sila pumunta agad sa pwesto nila kasi baka daw maistorbo nila kami ni Kelso. Natawa na lang ako sa sinabi nila at naging seryoso na dahil nga balik na kami sa practice.

All in all, naging okay naman 'yong practice namin. Naging successful naman 'yon pero siyempre mag prapractice ulit kami araw-araw since last two weeks na lang at graduation na. Excited na tuloy ako grumaduate! Hihi!

❌❌❌

NOBODY'S BETTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon