💕 NOBODY'S BETTER 13 💕

42 5 0
                                    

"Mas maganda ng ifocus ko ang sarili ko sa pag aaral kasi sa pag aaral may future ako pero pagdating sa love story naming dalawa, ang alam ko lang hanggang dito na lang kami kasi nakita niya na iyong future niya at ang nakakatawa pa,  hindi ako iyong taong iyon."

~KEISHA THERA RAMESES

❌❌❌

💕 NOBODY'S BETTER 13 💕

Second day ng examination namin para sa midterm. Nasa may examination room ako ngayon kasama na mga kaklase ko at maging sila ate Resse, Momo, Cela at Diana dahil dito na namin nagdecide na mag review. Since wala na rin kaming panahon na umalis at maghanap ng magandang pwesto na pagrereviewhan.

"Besh!" tapik ni Momo sa akin. Napatingin ako sa kanya habang busy pa rin ang isip ko sa pag aabsorb sa mga lessons namin. "Hmmmm?" tanong ko pero sa may reviewer lang ako nakatingin.

"Besh! Turuan mo nga ako. Nahihirapan na kasi ako eh!" iyak niya sa akin. Tinabi ko ang Reviewer ko tapos tinignan ko siya na ngayon ay naka bungasot na at ilang oras na lang ay iiyak na. I rolled my eyes at her na pabiro lang tapos kinuha ko iyong reviewer niya para iunderline ko sana iyong mga words na importante (dahil iyon 'yong ginagawa ko para madali akong makareview) pero napakunot lang ang noo ko.

"Bakit puro hangul?" tanong ko sa kanya pagkakita ko sa mga hangul na nakasulat sa reviewer niya. "Ehhhh beshywap hehehe! sorry!" sabi niya sabay hampas sa balikat ko na kenekeleg. At ngayon ko lang narealize kung anong ibig sabihin ng hangul words na nakasulat.

"Pangalan niya 'to no!" sigaw ko dahilan para mapunta sa akin ang atensyon nila ate Resse maging sila Cela at Diana. Nag peace sign lang ako doon sa tatlong naabala ko dahil sa pagsigaw ko at tumango naman sila. Bumalik na rin sila sa pagrereview nila samantalang ako, tumingin ako kay Momo with my nakakatakot na tingin. Ngumiti lang ng nakakaloko 'tong babaeng 'to.

"Aray!" sigaw niya tapos ay hinamas 'yong batok niya na kung saan ko siya binatukan. "Bakit mo ko binatukan beshwap!" ngiwi niya. Napa irap naman ako. "Paanong di kita babatukan eh imbes na magreview ka, landi ang inuuna mo! Beshywap, there's a time for everything at oras ngayon ng pag aaral kaya kung ayaw mong bumagsak at hindi makakuha ng palakol, mag aral ka. Magreview ka beshywap!" sabi ko sa kanya sabay hampas sa kanya ng reviewer niya pero siyempre, mahina lang 'yong paghahampas ko sa kanya.

"Ehhhh hindi nga ko makareview. Hindi ako makapag memorize. Kapag kasi nagmememorize ako, muka niya nakikita ko kaya heto, nga nga." sabi niya pagkakuhang pagkakuha niya ng reviewer niya. Hinamas ko naman 'yong noo ko. Ang sakit na ng ulo ko. "Besh, alam kong mahirap mag review pero sana huwag mo siyang isipin kahit ngayon lang. Atsaka huwag kang magmemorize. Intindihin mo 'yong bawat mga salita, 'yong mga keywords at siyempre bago ka magreview magpray ka muna. Mamaya lahat ng sagot doon sa mga tanong puro pangalan ni Kelvin ang nakalagay. Bahala ka diyan." panakot ko. Ngumiti naman siya ng maliit pero naluluha pa rin mga mata niya.

"Pakupyahin mo na lang kaya ako." sagot niya sa tonong nagmamakaawa. Napa facepalm na lang ako. Ewan ko ba dito kung paano siya makakapasa sa exam. Midterms pa naman namin 'to. "Kahit gusto ko man beshywap, hindi pwede kasi pinaghirapan ko iyong mga sagot ko." sabi ko sabay tingin sa kanya. "Pero kung gusto mo talagang makapasa, magreview ka ng mabuti." wika ko ulit tapos ay nagpout siya. Kinuha ko na lang ulit iyong reviewer ko tapos sinimulan ko na sanang magbasa ng may narinig akong binubulong siya.

"Buti pa siya, may Kelso. May Kelso na pupuwedeng paghuhugutan ng inspirasyon eh ako, may Shung-Ah nga ko pero di ko alam kung inspirasyon ba siya o distraksyon." Tinignan ko lang siya habang nag popout pa rin ang loka. Ibinaba ko na lang ulit ang reviewer ko at inilagay 'to sa may armchair ko at pagkatapos ay tinignan ko siya dahilan para tumingin sa sa akin.

NOBODY'S BETTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon