💕 NOBODY'S BETTER 35 💕
The Girl who loves to story tell:
This is it. Ang pinakahihintay na araw ng ating dalawang bida. Ngayon na kasi ang ika-labing walong kaarawan ni Keisha. At ang araw na pinaka espesyal para sa kanila.
"Kinakabahan ako mga besseu. Paano kapag nasira ko ang lahat? Wala na!" ang kinakabahang wika ni Keisha sa kanyang mga kaibigang sila ate Resse, Cela, Diana at Momo. Nasa isang kwarto sila ngayon habang hinihintay na matapos lagyan ng make-up si Keisha. Naka ayos na rin sila ng kanilang susuotin na napakagandang asul na cocktail dress at ilang oras na lang ang natitira, mag-uumpisa na ang okasyon.
"Ano ka ba besseu, hindi ka pa ikakasal kay Kelso kaya huwag mong isipin 'yan! Ang isipin mo, ngayong araw ang araw na finally isa ka ng dalaga kaya cheer up na okay!" pag eencourage naman na wika ni Momo sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya.
Tama si Momo. Araw ko 'to at dapat masaya ako at 'di ko prinoproblema ang mangyayari mamaya. Basta kung ano man ang mangyari, basta kasama ko siya, ayos na ang lahat. Ang wika ni Keisha sa kanyang sarili.
Handa na ang lahat sa araw na ito. Handa na ang venue na pagdaraosan ng napaka bonggang debut ng dalaga. Handa na rin ang mga pagkain at ang catering na magseserve nito. Handa na rin ang orchaestra na tutugtog sa okasyon. Handa na rin ang mga nag gagandahang 18th candles ng dalaga, nag gwagwapuhang 18th roses at 18th special gifts na ngayon ay naghihintay sa paglabas ng debutante. Ngunit si Kelso ay hindi pa handa.
"Is my suit okay?" tanong niya kay Ceejay na katabi niya ngayon sa mga upuan na hinanda ng catering. "Oo. Okay lang 'yang suot mo. Pogi ka na dyan kaya huwag ka ng magnerbyos dyan. Mukha kang tanga." sabi lang ni Ceejay na cool na cool na umiinom ng juice. Sinapak naman siya sa balikat ni Kelso. Sinabihan ba naman siyang tanga! Kaya ayon, napikon ng kaunti si Kelso. Hehehe! Babawi na sana si Ceejay sa ginawa sa kanya ni Kelso ng biglang pumunta na sa stage ang Emcee dahilan para mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Kelso.
"Ladies and Gentlemen, the long wait is over. I am glad to introduce to you our debutant for tonight. Miss Keisha Thera Rameses! Please gave her around of applause."
Nagsitayuan na ang mga tao at nagsipalakpakan. Nagsimula ng tumugtog ang orchaestra kasabay noon ang pagbukas ng pintuan at niluwa ang pinakamagandang babaeng bumihag sa puso ni Kelso. Si Keisha.
"Pre ang ganda niya." rinig na bulong ng katabi ni Kelso na si Ceejay. Binigyan naman niya ng matalim na tingin si Ceejay dahilan para tumahimik ito.
"Keisha is mine so back off." napalunok na lang ng laway si Ceejay. Katakot daw kasi si Kelso eh.
Samantala, sobrang naseself conscious na si Keisha. Ayaw na ayaw talaga niya na nasa kanya ang atensyon ng bawat isa. Di nga niya alam kung ano na ang itsura niya sa harap ng mga taong nanditong kasama niyang magcelebrate ng birthday niya. Sobrang kinakabahan siya. Hindi dahil sa bigat ng napakagandang asul na gown niya kundi dahil hanggang ngayon di niya pa nakikita si Kelso. Oo, alam naman niya na nandito si Kelso at siya ang last dance niya pero mas panatag talaga siya kung nakita niya na talaga 'to. Hindi alam ni Keisha na nasa stage na pala siya. Nalaman niya na lang ito ng biglang binigay sa kanya ng Emcee ang mic dahilan para magbigay siya ng kanyang mensahe.
"Ummmm magandang gabi po sa ating lahat," ang pasimula ng dalaga habang nararamdaman pa rin niya ang walang tapos na bilis ng pintig ng puso niya. "Maraming salamat po sa pagdalo sa napaka espesyal na araw na ito. Salamat sa mga magulang ko na tinupad ang isa sa mga pangarap ko, ang magkaroon ng napaka gandang 18th birthday." wika nito sabay tingin sa mga magulang niya na nakangiti ng sobrang tamis. "Salamat din po sa lolo't lola ko na umuwi pa galing ibang bansa para lang makasama akong icelebrate ang araw na ito. Salamat po." tumango lang ang lolo't lola niya. Dumako naman ang paningin ni Keisha sa kanyang mga kaibigan na ngayon ay katabi na ang kanina pa niya hinahanap. Ang napakagwapong si Kelso. "Salamat din po sa mga kaibigan at mga kaklase ko na laging nandyan sa tabi ko at kung wala sila hindi magiging ganito kaganda ang birthday ko. Salamat." ngumiti naman sila habang ang iba ay pumalakpak. Nakita naman ni Keisha na tinuturo ni Momo si Kelso na halatang hinihintay na tawagin siya kaya bumuntong hininga na lang ito at tumango. "At ang huli, nagpapasalamat ako sa isang lalaking bumihag ng aking puso. Kung wala siya ngayon, hindi magiging mas espesyal ang araw na ito. Salamat." narinig na lang niya ang mga tilihan at iba pang reaksyon galing sa mga tao. Hinayaan na lang niya ito at tumingin na lang kay Kelso. Ngumiti ng napakatamis si Kelso sa kanya dahilan para mas bumilis pa ang tibok ng puso nito. Ibinalik naman niya ang ngiti at nag patuloy. "Maraming salamat po sa inyo at ienjoy lang ang gabi!" pagkatapos noon ay nagsipalakpakan na ang lahat.
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Подростковая литератураNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...
