"Besshywap! Pahiram nga cellphone mo!" Bulong ko kay Cela na busy na ngayong nagsosoundtrip.
"Ha!? Bakit?" Tanong niya. Ngumiti ako sa kanya ng matamis sabay nguso sa isang direksyon kung saan naka upo siya.
"Ay! Kaya pala!" Wika niya sabay bigay sa akin ng cellphone niya. Humagikgik naman ako sabay mouthed ng 'Thank you'
Dahil for the first time magkakaroon na ko ng selca, kasama siya.
💕 NOBODY'S BETTER 6 💕
It's been a week or two ng nangyari ang seminar namin. Ang daming nagbago sa akin sa totoo lang. Mas naging masaya ako sa harap ng mga kaibigan ko ngunit iyong kasiyahan na iyon, nawawala sa mukha ko kapag hindi ko sila nakakasama o nakaka usap. Kapag mag isa ako, doon ako umiiyak. Kasi hindi ko pala talaga kayang kalimutan siya. Oo kahit sabihin na nating iyong araw na iyon o iyong time na iyon naging masaya ako, hindi pa rin nawawala sa isipan ko na humiling na sana, hindi natapos ang araw na 'yon. Na sana, hindi iyong mga sabi sabi ng mga kaibigan ko ang inintindi ko, kundi iyong sigaw ng puso ko. Kasi hanggang ngayon masakit pa rin eh! Mahirap pa rin! Mahirap pa rin siyang kalimutan sa totoo lang pero I am trying my best para maiwaksi ko na 'tong nararamdaman ko sa kanya. But I guess mahirap. Sobrang hirap kung pati sarili mong nararamdaman hindi mo na alam.
"So anong nangyari beshy nong seminar? Ikwento mo naman?" Kulit na tanong ni Momo sa akin. Ilang beses na siyang nagtanong niyan at ilang beses ko na ring iniba iyong topic or hindi kaya, ilang beses na kong hindi sumasagot sa tanong na 'yan. Bakit? Hindi ko kasi alam ang itutugon ko or hindi pa ko handang sumagot. Takot kasi akong alalahanin iyon. Hehehe.
"Wala beshy. Wala namang nangyaring maganda noong araw na 'yon. Nanood lang naman ako ng Kdrama noon sa tabi nila ajumma habang hinihintay si Cela'ng late na dumating. Tapos ayon, the rest is history." Bored na sagot ko sabay subo ng spaghetti na kinakain ko.
"Hindi mo ba siya nakita?" Tanong naman ni ate Resse. Nginuya ko muna iyong kinakain ko sabay lunok.
"Nakita."
"Eh ano ginawa niya? Wala ba siyang ginawa para pakiligin ka? Ayiieeehhh!" Sabi ni Momo sabay turok sa tagiliran ko. Napatawa naman ako sa sinabi sa tanong niya. Kung alam lang talaga niya iyong nangyari ng araw na iyon, malamang siya pa kikiligin.
Hindi ko na lang siya sinagot pero iyong tingin niya curious na curious. Hahahaha! Sorry Momo pero akin na lang 'yon pwede? Kasi gusto ko mang alalahanin iyon, pero I promise to you na kakalimutan siya. Magulo. Cliche pero iyon ang totoo.
"Baka gusto na lang niyang iprivate besh. Wag mo ng tanungin." Wika ni ate Resse. Tumango na lang siya pero hindi niya pa rin tinatanggal iyong tingin niyang iyon sa akin. Abnoy talaga 'to!
Magsasalita pa sana siya ng nagbell. Ibig sabihin tapos na ang recess. Buti naman kasi kung hindi pa time para bumalik ng classroom baka nasabi ko na sa kanya ang lahat lahat ng nangyari. Save by the bell nga naman.
Agad na kaming tumayong tatlo dahil iyong dalawa hindi nagrecess, busog pa daw sila sabay balik sa classroom.
❌❌❌
First subject na sa hapon at kasalukuyan kaming nagsusulat ng biglang may kumatok sa pintuan ng classroom namin. Agad naman binuksan ni ma'am iyong pintuan at iniluwa noon ang Senior High administrator namin.
"Class pasensiya na kung naka abala ako but kailangan niyo lahat pumunta ngayong Function Hall dahil ngayon gaganapin ang debate sa dalawang panig at para makilala niyo pa kung sino nga ba ang karapat dapat na maging susunod na SSG leaders. O siya alis na ko." Sabi ni ma'am at umalis na nga. Nag sigawan na ang halos lahat ng mga kaklase ko dahil nga wala na kaming pasok at pupunta kaming function hall para nga sa debate ek-ek na 'yon. May sinabi pa saglit si ma'am instructor namin bago kami pinalabas ng classroom at dumiretso na nga kaming function hall.
Pagdating doon, medyo marami na ring estudyante ang naroroon. Pumuwesto na lang kami sa may likod dahil halos puno na ang harap pero okay lang, mas gusto ko naman dito kaysa doon.
"Beshywap!" Napalingon naman ako kay Momo na katabi ko ngayon. Busy kasi akong palinga linga sa mga nagkukumpulang estudyante sa harap kaya medyo busy ako.
"Hmmmm?" Tanong ko sabay tingin sa kanya. Ngumuso siya sa may likuran ko kung saan nakatalikod si Kelso ngayon. Katabi niya si Ceejay habang busy silang nag cecellphone. Napangiti naman ako. I have a bright idea. Ahihihi!
Agad kong kinalabit si Cela na busy'ng nagcecellphone ngayon pero hindi niya ko pinansin. Ene beyen
"Besshywap! Pahiram nga cellphone mo!" Bulong ko kay Cela na busy na ngayong nagsosoundtrip.
"Ha!? Bakit?" Tanong niya. Ngumiti ako sa kanya ng matamis sabay nguso sa isang direksyon kung saan naka upo siya.
"Ay! Kaya pala!" Wika niya sabay bigay sa akin ng cellphone niya. Humagikgik naman ako sabay mouthed ng 'Thank you'. Bwahahaha! This iz it panzit!
Nagselfie selfie kuno kaming lima doon sa upuan namin. Super ngiti naman si aquoh hanggang sa ngumuso na sa akin si Momo at nagmouthed na, 'Magselfie ka na sa kanya!' Tumango naman ako.
Lumapit ako sa kanya. Hindi naman kami super malapit dahil may limang empty seats pa naman ang pagitan namin. Itinaas ko na ang cellphone ni Cela sabay kuha ng selfie ng sarili ko maging siya. Yeah! Ang saya ko kahit na nakatalikod siya noon, atleast may selfie na kaming dalawa.
Ininstallen ko rin siya ng ilang beses sabay kuha ng cellphone ko para ishare it ang mga pictures na nakuha ko. Mas napangiti ako dahil sa isang litrato na nakuha ko.
Iyong picture naming dalawa.
Nakaside view siya noon habang ako super todo ngiti. Buti na lang hindi niya alam na nagpipiktor ako. Bwahahaha!
Binalik ko na rin kay Cela iyong cellphone niya habang hindi pa rin mawala wala sa mukha ko 'tong ngiti ko.
Dahil for the first time magkakaroon na ko ng selca, kasama siya.
❌❌❌
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Teen FictionNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...