"Don't worry. It's my pleasure to help you anae. Basta ikaw, malakas ka sa akin. Mahal kasi kita eh. At gagawin ko ang makakaya ko para matulungan ka."
~BLAZE KELSO CARTER
❌❌❌
💕 NOBODY'S BETTER 25 💕
Linggo ngayon at hinihintay ko ang mga kagroupo ko sa entrepreneurship dito sa labas ng bahay namin. Pinagkasunduan kasi naming lahat (well, sila lang po talaga, eh!) na dito na lang kami magluluto para nga bukas dahil ako lang daw ang pinaka may malapit na bahay sa school namin. Kaya kahit ayaw ko, hinayaan ko na lang sila. Nakasalalay din naman dito ang grades namin kaya okay lang. Buti nga pumayag sila mama eh. HAHAHA!
So yon nga, hinihintay ko sila kasi kaninang umaga ay hindi ko na sila naka samang nag shopping ng mga ingredients namin dahil nag punta kaming family sa Church dahil importante yon sa akin at sa family namin. Buti na lang at pumayag sila Appii at sinabi na lang nila na hintayin ko na lang sila ngayon. At yon nga ang nangyari. Hinihintay ko sila ngayon, pero hindi ko alam kung alam nila ang address namin. Bahala sila dyan. Charrot!
Siyempre naman, binigay ko yong address namin. Kawawa naman sila kapag nawala sila, kasalanan ko pa iyon. Huhuhu!
Ilang minuto din nang paghihintay ay may humintong jeep sa tapat ng bahay at iniluwa non ang mga kagroupo ko na sila Appii, Dorcas, Moriah, Margaret, Rose, Tyre, Rain and Kelvin. Ang mga boys ang may dala sa mga shinopping nila na lulutuin namin bukas habang ang mga girls ay dala dala ang sarili nilang mga backpack. Yep, lahat po sila, maging ang mga boys ay may dalang backpack dahil dito po sila matutulog sa bahay upang sabay sabay kaming pumasok sa school.
"Yo! Wazzupp!" Bati ni Dorcas sa akin dahil silang mga babae ang unang nakapunta sa pwesto ko dahil sila ang unang nakatawid samantalang ang mga boys ay hirap na hirap na tumawid dahil may tig dalawang plastic silang dala. Napatawa naman ako sa kanya.
"Yoh din BeShyWapssZ! HAHAHA!" bati ko din.
"Hoooh! Ang bigat!" Napatingin ako sa gawi nila kuya Tyre at nakita ko siyang ibinaba sa sahig ang mga dala niya.
"Opps Tyre! Buhatin mo ulit yan dahil papasok pa tayo sa bahay nila ate Keisha!" Wika ni Margaret sa kanya kahit kararating lang nila sa pwesto ko. Napa irap na lang si kuya Tyre pagkatapos ay kinuha ulit ang mga plastic.
"Samahan na kita kuya." Wika ko dahil nahihirapan na siya. Ngumiti naman siya sa akin pagkatapos ibinigay niya iyong isang plastic sa akin at grabe mabigat nga ito. Huhuhu!
"Kami na ate Keisha, nakakahiya eh! Kami na nga ang makikigamit ng bahay niyo, pahihirapan ka pa namin. Baka magalit ang parents mo." Sabi ni Appii sa akin tapos ay kukunin na sana sa akin yong dala kong plastic pero hindi ko binigay sa kanya.
"Hay naku besseu okay lang! Kaya ko na to! Tsaka wag niyong isipin sila mama. Hahaha!" Wika ko. "Nga pala, pasok na tayo sa bahay." Pahabol ko din at nauna ng maglakad papunta sa bahay at hindi na hinintay ang sagot nila.
❌❌❌
"Wow!" Manghang tugon nilang lahat ng makita nila ang loob ng bahay namin.
"Ang ganda pala ng bahay niyo ate! Dito na lang ata ako tumira ah!" Ang lokong wika ni Moriah sa akin.
"Oo nga eh! Paampon kaya kami sa inyo." Pahabol pa na wika ni ajumma Rose pagkatapos nilang umupo sa may couch sa may living room. Ang mga boys kasi ay nagdiretso sa kitchen dahil inayos nila ang mga ingredients sa mga lulutuin namin. Ang sipag nga nila eh. Hahaha!
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Подростковая литератураNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...
