"Ate 'Sha, alam mo ba kung anong meron ngayong araw na 'to?" Tanong niya na may nakakalokong ngiti. Ngumiti lang ako ng maliit sabay iling pero sa totoo lang, alam na alam ko kung ano ang meron ngayon.
"Hindi mo ba siya babatiin?" Tanong niya ulit. Nagshrug lang ako sabay sabing, "Hindi."
❌❌❌
💕 NOBODY'S BETTER 12 💕
Kasalukuyan kaming nagprapraktis ngayon para sa performance namin sa isa naming subject. Next week na kasi namin ito ipeperform at wala na rin kaming sapat na panahon para magpraktis pa dahil exam na namin bukas. Ang saklap di ba?
Buti nga eh, wala kaming instructor ngayon. Halos lahat sila busy dahil nga marami pa kami pati silang aasikasuhin. At binibigyan na nila kami ng pagkakataon na tapusin lahat ng dapat naming tapusin.
Sa ngayon, ang ginagawa ng grupo namin ay paglilinis ng mga lines at gagawin namin since alam na namin ang gagawin namin at halos napraktis na namin 'to. Siguro nagtataka kayo kung ano ba ang ipeperform namin, well, play lang naman siya. Short play lang pero kakailanganin mo ng effort, sipag at tyaga dahil marami kaming kakailanganing cheche bureche like props and the like. Since daw, first section kami ng strand namin, mataas ang expectation nila sa amin at nakakapressure lang.
"Okay. Break muna tayo guys." Sigaw ni Ren sa amin. Buti nga siya kagroup ko eh kung hindi baka waaaahhh! hindi pa namin tapos iyong amin. (Kasi iyong ibang groups eh, kulang pa 'yong sa kanila. I mean, hindi pa sila masyadong nakaka praktis dahil na rin matitigas ulo ng ibang mga kagroup nila at 'yong iba, laging wala kaya buti na lang, mababait at super hands on ang lahat sa grupo namin.)
Pumunta ako sa upuan ko upang kunin sa bag ko ang wallet ko sabay kuha na rin ng sapat na pera na pambibili ko. Ayaw ko rin kasing dalhin 'tong wallet ko kasi baka mawala ko pa. Minsan kasi burara ako. Bwahahahaha!
Tinignan ko muna 'yong mga kaibigan ko kung tapos na ba 'yong sa kanila pero nagprapraktis pa rin sila kaya no choice. Ako na lang mag isa ang pupunta sa canteen.
Lumabas na ko ng classroom ko upang makabalik na ko agad sa classroom namin ng mag isa. Bawat hakbang sobrang bigat sa pakiramdam. Oa, na kung Oa pero 'yon talaga ang nararamdaman ko ngayon. Sanay kasi akong laging may kasama, kahit na dadalawa lang kami o madami basta may kasama ako pero ngayon iba na ang ihip ng hangin. Siguro, sa ngayon, kakailanganin ko ring mag isa. Maging independent at huwag umasa sa iba.
Pagdating ko sa canteen, hindi ganoon kadami ang tao, dahil na rin siguro hindi pa breaktime. Agad akong pumunta sa may counter para bumili ng makakain ko.Umorder lang ako ng spaghetti at juice at pagkatapos ay naghanap na ko ng vacant seat.
Nasa kalagitnaan na ko ng pagkain ko ng nahagip ng mata ko ang isang estudyanteng papalapit sa pwesto ko. Tinitigan ko siya ng mabuti at sinuri kung nakita ko na ba siya o hindi pa at bigla siyang huminto sa harap ko dahilan para mas makita ko siya ng mabuti.
"Pwede ba kong umupo dito?" tanong niya habang nakangiti ng matamis. Ilang sigundo rin bago nag sink in sa utak ko kung sino ba talaga 'tong babaeng 'to na nasa harapan ko hanggang sa napabalikwas ako sa ulirat ko ng nakitang winawagayway niya 'yong kamay niya sa mukha ko. "Ahhhh... Sige." iyon lang ang sinagot ko habang nakayuko. Nahihiya kasi ako sa kanya. Ang ganda niya pala sa malapitan. Now I know kung bakit gusto siya ni Kelso. Narinig ko na lang ang cute niyang tawa tapos ay umupo siya sa tabi ko.
"Hey, you're not eating? Did I bother you?" tanong niya nong napansin niyang pinaglalaruan ko lang 'yong pagkain ko. Tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakakunot noo siya habang hinihintay 'yong tugon ko. "Ahhh busog na ko." yon lang ang sinagot niya. Tumango na lang siya.
Pinagmasdan ko lang kung paano siya kumain. Bawat galaw niya ang graceful, 'yong tipong hindi siya maka basag pinggan. Ang puti niya pa. Maganda rin ang mga Mata niya, expressive ito katulad ng mga Mata ni Kelso. Iyong ilong naman niya ang tangos, tapos iyong lips niya namumula kahit na nakalip tint lang siya. All in all, ang perfect niya. Nakakapang liit lang. Ngayon, alam ko na kung bakit siya gusto ni Kelso. She's perfect and no words can ever describe how much she's perfect.
"May dumi ba ko sa mukha?" tanong niya nang napansin niyang nakatitig ako sa kanya. "Ahhh wala, wala. Don't mind me." sagot ko. Nag giggle lang siya. Pati pagtawa niya ang perfect. Bakit ganoon, halos lahat sa kanya napaka perfect. Hindi lang sa itsura kundi pati na rin sa ugali. Ramdam ko kasi na mabait siya eh. Kinausap niya ko kahit na hindi niya ko kilala at napaka rare lang na pagkakataon na may kakausap sa akin.
Napansin ko naman ang isang plastic sa tabi niya. May laman siyang regalo pero di ko alam kung para kanino. "Ummmm, pwede ba magtanong?" sabi ko sa kanya habang kinakamot ko 'yong batok ko. Nahihiya kasi ako sa kanya eh. "Sure. Ano ba 'yon?" sabi niya habang nakangiti. Nagdadalawang isip ako pero wala namang mawawala kapag nagtanong ka di ba? Atsaka nakakacurius eh.
"Para kanino pala 'yang regalo? Para kasing espesyal. Hehe!"
"Ahhhh ito," sabi niya sabay kuha sa regalo doon sa plastic, "regalo ko kay Kelso. Birthday niya kasi ngayong araw." wika niya habang nakangiti pero ako pilit na ngiti lang ang pinakita ko sa kanya. Paano kasi nakalimutan ko ang birthday niya. Masyado akong naging busy. Nawalan ako ng panahon sa kanya. At ang sakit lang. Pero siya , tignan mo nag effort pa talaga samantalang ako , heto nganga.
"Okay ka lang?" tanong niya. Tumango ako bilang tugon. "Kilala mo ba si Kelso?" This time siya naman ang nagtanong. Napa isip naman ako kung sasagutin ko ba 'yong tanong niya kaya lang umiling na lang ako. Ayoko rin kasi na malaman niya. Mamaya sabihin niya kay Kelso lagot na ko. Atsaka alam kong itong babaeng nasa harap ko ang mahal ni Kelso. Wala akong panama dito. Kahit na gusto ko si Kelso may maliit lang na chance na mapansin niya ko. Mas mabuti na rin sigurong mapunta siya rito kasi napatunayan kong mahal niya yong mokong na yon. Ayos na rin iyon sa akin kaysa naman sa mapunta siya aa ibang babae. At aaminin ko na mas deserve niya siya kaysa sa akin.
"Ummm, Una na ko." sabi ko sa kanya. Akmang tatayo na sana ako para umalis ng narinig kong tinawag niya ang pangalan ko.
"Keisha..." Napatigil ako sabay tingin ko sa kanya.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sabay sabing "Figures." Mas lalong kumunot ang noo ko. Figures? Anong figures?
❌❌❌
Uwian na. Tapos na rin ang practice namin. Omukay naman siya kahit papano.
Kung tinatanong niyo kung anong nangyari pagkatapos kong nameet yong babae, simply lang. Agad akong bumalik ng classroom para icheck kong anong date ngayon at oo birthday nga ngayon ni Kelso pero ang pinagkakataka ko talaga is kung bakit ako kilala noong babae eh in the first place hindi ko naman binanggit or sinabi sa kanya. Pangalan nga noon di ko alam eh. Pero hinayaan ko na lang.
"Ate 'Sha!" napatingin ako bigla sa tumawag sa akin at nakitang si Ren ito.
"Ate 'Sha, alam mo ba kung anong meron ngayong araw na 'to?" Tanong niya na may nakakalokong ngiti. Ngumiti lang ako ng maliit sabay iling pero sa totoo lang, alam na alam ko kung ano ang meron ngayon. Nalaman ko lang talaga kanina.
"Hindi mo ba siya babatiin?" Tanong niya ulit. Nagshrug lang ako sabay sabing, "Hindi." kasi alam ko namang hindi ako importante sa kanya.
Sabay na kaming lumabas ni Ren since nasa labas na ng classroom namin iyong mga kaibigan ko pero pagkalabas na pagkalabas namin sa pinto,nakita ko siyang nakasandal sa pader habang nasa kamay niya iyong regalo. Alam ko kung kanino galing iyong regalo na yon kasi iyon yong regalong nakita ko kanina.
Iyong regalo ng gf niya para sa kanya.
❌❌❌
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Teen FictionNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...