"Don't be jealous anae because I'm thinking of you. That's all I do. You are always the first and last person in my heart. No matter where I go or what I do, I always think of you. So please believe me."
~BLAZE KELSO CARTER
❌❌❌
💕 NOBODY'S BETTER 30 💕
It is the last day of the event here in the school at super daming tao ang umattend. Sa sobrang dami ng tao ngayon, marami rin ang bumibili sa tinda namin kaya aligaga na kaming tatlo dito.
"Ito nga pabili."
"Ahh ilan po?"
"Tatlo."
"Okay, saglit lang po."
"Matagal pa ba 'yan?"
"Saglit na lang po."
At dahil nga ang daming bumibili sa amin, hindi na namin alam ang gagawin namin kaya ang ilan sa mga customers namin ay nagagalit na sa amin. Nagrereklamo na nga sila eh kaya nag aapologize na lang kami since hindi na namin kayang magtrabaho ng tama dahil sa sobrang pagod.
"Thank you ma'am!" sabi ko sabay alis ng babaeng bumili sa amin. Napa buntong hininga na lang ako. Sa wakas natapos din!
"Wahhhh! Kapagod." rinig kong bulong ni ajumma sa likod ko. Kasalukuyan ko kasing inaayos yong mga tupperware at kung ano ano pang mga pinaglagyan ng mga tinda namin habang siya naman ay nasa likod ko. Ewan ko lang kung ano ginagawa niya.
"Uy! Mag bihis ka na. Ako na dyan!" wika niya sabay kuha sa mga kamay ko ang hawak kong tupperware. Napailing na lang ako.
"Hindi besseu, kaya ko na. Ikaw na lang mag bilang ng kinita natin ngayong araw." sagot ko naman. Napatingin naman siya sa akin saglit pagkatapos ay nagkibit balikat.
"Okay. Bahala ka. Hindi mo makikita ang surprise sa'yo ni Kelso. Bahala ka." pabulong niyang sagot ngunit hindi ko na lang 'yon inintindi dahil mas nagfofocus ako ngayon sa ginagawa ko.
"I'm back!" rinig kong sigaw ni Kelvin sa likuran pero patuloy pa rin ako sa ginagawa ko.
"Bakit ngayon ka lang at saan ka pumunta? Iniwan mo kami ni Keisha ditong naglilinis. 'Tong Koryano'ng 'to talaga! Nakakainis ka!" rinig ko ding bulyaw ni ajumma kay ajusshi Kelvin. Ajusshi na ang tawag ko ngayon kay Kelvin since ajumma naman ang tawag ko kay Rose at isa pa, alam kong sila naman ang magkakatuluyan kaya parang call sign ko na 'to sa kanilang dalawa. Hihi!
"I'm sorry ok. I just stop by somewhere and hey Keisha!" napa tingin naman ako kay ajusshi dahil tinawag niya ko.
"Get dress already. Someone is waiting for you." Napa kunot naman ang noo ko.
"Sino naman aber?"
"It's a secret." napa ismid naman ako sa sinabi niya ngunit pinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa ko.
"Besseu sundin mo na si Kelvin. Kami na ang bahala dito at isa pa ilang oras na lang at laban na nila Kelso. Kailangan ka niya ngayon." napabitaw naman ako sa hawak ko at agad na nagpunas ng kamay.
Sheeemmmmsss! Bakit nakalimutan ko?
"Ingat ka!" rinig kong sigaw ni Rose pagka labas na pagkalabas ko ng pwesto namin. Nakabihis na ko at ready ko ng imeet si Kelso. Sana naman maabutan ko sila.
"Ge!" wika ko pabalik.
❌❌❌
Bago ako dumiretso sa gym ay pumunta muna ako sa mga shops na nakatayo just for this day. Naalala niyo pa ba 'yong mga booths noong senior high school day last year? Kung oo, ganoon na ganoon ang meron ngayon kaya rin mas madami ang tao ngayon kaysa noong nakaraang apat na araw.
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
TeenfikceNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...