"Bakit Anae?"
"Sasama ako."
"Huh?" Nagtatakang tanong ni Kelso. Ngumiti ako sabay sabing, "Sasama ako Kelso sa Glee Club." Napangiti naman din siya pabalik. Narealize ko kasi lahat ng sinabi niya sa akin kanina. Di ko kasalanan lahat ng iyon. Siguro ito na yong time para magmove on ako at tanggapin ang lahat. Salamat talaga Kelso sa lahat.
❌❌❌
💕 NOBODY'S BETTER 42 💕
Biyernes na. Tatlong linggo na lang at graduation day na namin. Wala kaming pasok ngayong araw since general meeting ng mga parents ngayon regarding sa graduation na magaganap.
Nandito pala ako ngayon sa school. Sa may library to be exact. Nagpasama kasi si mama sa akin dito sa school dahil wala daw siyang kasama sa meeting since busy si papa sa trabaho. Kaya napasama ako ng wala sa oras. Medyo okay lang naman sa akin since wala naman akong gagawin sa bahay. At dahil na rin may practice sila Kelso ng sayaw dito sa school kaya pumayag na rin akong sumama kay mama.
"Uy Anae! Kanina ka pa ba dito?" Biglaang tanong ni Kelso pagkadating na pagkadating niya sa may library. Agad ko namang binaba ang binabasa kong libro bago sumagot.
"Hindi naman ganoon katagal."
"Sabi ko sa'yo sa may Glee Club ka na lang dumiretso since don kami nagprapraktis. Wala kang kasama dito at di kita mababantayan. Kilala ka naman nila don eh bakit nahihiya ka pa?" Tanong niya sabay upo sa tabi ko. Totoo naman 'yong sinabi niyang kilala ako ng mga tao sa Glee Club kasi remember kasama ako don sa club na 'yon at ako nga 'yong kumanta noong acquaintance party namin with oppa Baekhyun pero dahil nga sa nangyaring nahimatay ako nong party na 'yon, don ako nag umpisang di na umattend.
"Alam mo naman 'yong dahilan di ba? Tsaka matagal na kong nagquit don." Totoo naman iyong sinabi ko. Hindi na ko pumupuntang Glee Club kasi nagquit na ko. Isang linggo siguro pagkatapos ng acquiantance party ay pinagdesisyunan ko ng magwithdraw sa club na yon. Sa una ayaw pa nilang tanggapin yong pag-alis ko pero dahil medyo makulit din ako at pursigidong makaalis sa club na yon ay pinayagan na nila ko.
Napabuntong hininga na lang siya. "Sayang naman Anae. Tagal ka ng kinakamusta ni Sunbae Baekhyun at Chanyeol sa akin. Namiss ka na daw nila." Dagdag niya pa. Nakonsensya tuloy ako sa pagquit ko at di pagpunta sa Glee Club. Miss ko na rin kasi sila eh. Medyo madami ring memories ang naexperience ko kasama sila pero wala eh, sobrang hiyang hiya ko non kaya nagawa ko ang bagay na yon.
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Teen FictionNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...