Ilang discussion pa ang nangyari sa grupo namin pero isa lang ang nasa isip ko.
Mapapanood ko kayang maglaro si Kelso?
❌❌❌
💕 NOBODY'S BETTER 24 💕
Pinag lalaruan ko sa pamamagitan ng paglalagyan ng kung ano anong letra, salita o drawing ang likod ng pahina ng entrepreneurship notebook ko dahil nabobored na ko sa mga pinagdidiscuss ng instructor namin ngayon. Dalawang oras kasi ang subject na ito at halos wala pa sa kalahati ang oras ang nagastos namin pero nabobored na ko. Hindi ko na nga naiintindihan yong mga diniscuss ng instructor namin eh at halos bibigay na ang talukap ng mata ko dahil inaantok na ko pero sinusubukan ko pa ring gisingin ang sarili ko. Mahirap na baka mapagalitan pa ko ng instructor namin ngayon, mas lalo na nasa bandang harapan ako nakapwesto ngayon.
Instrikto pa naman tong instructor naming ito tsaka nakakatakot kaya mahirap para sa amin ang matulog sa subject niya.
Isinara ko ang notebook ko pagkatapos ay unti unting pinagmasdan ang mga kaklase ko. Ang iba'y katulad ko, inaantok na at ang iba'y hindi na nakikinig. Meron ding nagdadaldalan sa likuran pero medyo mahina lang ang boses nila para di sila mahuli tapos meron ding nakikinig sa instructor namin pero halatang nasa ulap naman ang isipan. I heave a sigh at ibinaling ko na lang ulit ang tuon ko sa instructor namin na nagsusulat naman na ngayon.
Bigla siyang napatigil sa pagsusulat at tila may naisip. Bigla niyang inilapag ang libro niya sa lamesa dahilan para magising kaming lahat at maibalik ang ulirat namin.
"Are you listening to me class?" Tanong niya habang nakacross arm na siya at halatang napikon na sa amin. Siguro, napansin niyang wala ng nakikinig sa kanya.
"Yes ma'am." Mahinang bulong namin pero hindi siya nagpatinag sa sagot namin.
"What? I can hear you!" Sigaw niya sa amin dahilan para mapalunok ako sa takot.
"YES MA'AM!" pasigaw din naming sagot. Ngumiti lang siya ng maliit pagkatapos ay umupo sa may upuan para sa mga instructor at tinignan kami lahat.
"Okay. So you're aware that this school year, our school will be hosting the most prestigious event which the other school will be attending. And this is the annual sports festival." Wika niya sabay ngiti ng malaki. Parang hindi niya kami sinigawan kanina ah? HAHAHA!
Tumango tango lang kami bilang sagot sa sinabi ni ma'am. Tama naman kasi ang sinabi niya. Ngayong taon, ang school namin ang mag hohost sa sports festival na ito na dadaluhan ng iba't ibang school dito sa lugar namin. Last year kasi sa XienXie Chinese Academy naganap ang sports festival at ang mga athletes lang ng school namin ang dumalo but this time, mas exciting kasi makakanood kami at makaka cheer pa dito. Especially ako. Maichecheer ko si Kelso dahil nalaman kong isa siya sa official athletes na kasama sa festival na ito at mas lalo akong excited dahil for the first time, mapapanood ko na siyang maglaro.
"So because of that, I will give you your project which is connected to our subject. This is a group project so whether you like it or not you must do it." Sabi niya with his super intimidated aura. Tumango lang kaming lahat kahit na alam namin na super grabe tong ipapagawa niya. Hindi lang kasi super strict at nakakatakot itong instructor naming ito, super hirap din ng mga projects o school works na pinapagawa niya kaya natatakot na kami. Super baba pa naman din niyang magbigay ng grades. Nakakainis!
"Huwag kayong mag alala, madali lang to." Wika niya sa amin na may assurance. Napabuntong hininga na lang kaming lahat dahil sa sinabi ni ma'am.
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Dla nastolatkówNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...