“The painter painted the girl he wanted to marry in the future.”
💕 NOBODY'S BETTER 40 💕
Monday. Normal day para sa amin pero para kina Kelso, ito ang simula ng stress day nila. Ngayon na kasi mag uumpisa ang Art Exhibition na gagawin ng section nila. At alam ko ang feeling ng maistress dahil sa mga exhibition chuchu na pinapagawa ng mga teachers kasi dahil ako, naexperience ko ‘to.
Naaawa nga ko kay Kelso ngayon eh. Sabi niya sa akin through chat na ang dami nilang art works na ginagawa. Sabi pa nga niya, hindi naman niya forte ang paggawa ng mga arts at di niya talaga alam ang gagawin niya. Gusto ko sanang tumulong katulad ng pagtulong niya sa akin noon, pero di rin kasi ako talented pagdating sa paggawa ng arts kaya kahit gusto kung tumulong, di ko magawa.
Paakyat na ko sa classroom namin ngayon. Kakarating ko lang sa school at dali-dali akong dumiretso sa hagdanan para makaakyat na. Nasa main building pala gaganapin ang exhibition. Kahit gusto ko ng pumunta ay hindi pwede dahil malayo ang main building sa annex building at may klase kami ngayon. Kaya kahit gustong gusto ko na talagang umattend at masilayan ang exhibition, di ko magawa gawa dahil sa sitwasyon ko. Hayyysss, Kamusta na kaya si Kelso?
Pagkarating ko sa classroom, wala pang halos tao. Wala pa ‘yong iba kong mga kaklase kaya napakunot noo ako. “Bakit wala pang tao?” tanong ko kay ate Resse pagkalapag na pagkalapag ko sa bag ko sabay upo na rin sa proper chair ko. Since siya pa lang ang halos nandito. Mga pito lang kami na narito. Wala pa din sila Cela, Momo at Diana. “Hindi ko nga rin alam eh,” pasimula niya. “Halos kakarating ko lang din eh. Medyo nauna lang ako sa’yo.” Tumango naman ako tapos ay nagkwentuhan kami.
Ten minutes na ang lumipas, halos wala pa rin sila. Though andito na ‘yong tatlo kong kaibigan, wala pa din ‘yong iba naming kaklase. Pati na si ma’am. “Ten minutes nang late si ma’am! Ibig sabihin wala na tayong klase! Yessss!” rinig kong sigaw ng iba kong mga kaklase. Bumuntong hininga naman ako at kinuha ang cellphone para tignan kong may chat na ba si Kelso. Nong weekend kasi, bihira lang kaming magkausap. Sa chat pa. Halos kasi puro tawagan kami o kaya video call sa messenger. Madalang lang talaga through chats. At kung through chat naman ang way ng communication namin, either isa sa amin ang busy. Either ako o kaya siya. Pero clingy na ba ko kung gusto ko siyang tawagan at kamustahin ngayon?
“Uy beshywap! Pumunta kami nila Cela at Diana sa art exhibition nila Kelso kanina. Grabe ang ganda nong mga nandoon!” napatigil ako sa pag cecellphone dahil sa sinabi ni Momo. Tinago ko bigla sa bulsa ng palda ko ‘yong cellphone ko bago sumagot sa kanya. “Bakit di mo ko sinama!” ngiwi ko sa kanya habang yinuyugyog ko siya. “Teka lang beshywap!” sabi niya habang pinapatigil ako sa pagyugyog ko sa kanya. Huminto naman ako at hinihintay ang susunod na sasabihin niya. “Ganito kasi ‘yon beshywap.” Paumpisa niya. “Bago ako dumiretso dito sa annex building, pumunta muna akong main kasi may naiwan ako don. Basta may naiwan ako, tapos napansin kong may exhibition. Naalala ko ‘yong sabi mo na may art exhibition na gagawin sila Kelso kaya dumiretso ako don. Grabe ang ganda nong mga nandoon. Mga paintings, crafts, photographs at kung ano ano pa. Basta ang ganda don. Tapos nakita ko don sila Cela at Diana kaya ayon.”
“Pero nakita niyo si Kelso?” tanong ko pagkatapos niyang ikwento ‘yong nangyari. “Oo beshywap. Hinahanap ka nga niya sa amin eh! Sabi namin baka nasa classroom. Tapos pinakita niya ‘yong gawa niyang art. Grabe ang gandaaaaaa!” sagot ni Momo habang tumatango naman sila Cela at Diana. Kami naman ni ate Resse ay tanong ng tanong dahil curious na curious na kami. Paano kasi, di man lang nila sinabi na pupunta pala sila don. “Eh ano ba gawa niya?” tanong ko. Nagkatinginan naman ‘yong tatlo at ngumiti. “It’s for you to find out.” At tuluyan na talaga akong nacurious dahil sa sagot ni Momo.
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Teen FictionNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...