"Besseu," panimula ni Momo dahilan para tignan ko siya. "Nong time na nahimatay ka, agad kang binuhat ni Kelso habang kami lahat ng nakikita sa nangyari nanginig sa nerbyos at kaba." Wika niya. Napa kunot noo ako. Binuhat talaga ako ni Kelso? Oo, naramdaman kong may bumubuhat sa akin pero di ko naman alam na si Kelso yon.
❌❌❌
💕 NOBODY'S BETTER 20 💕
Two days ang nakararaan nang natapos ang acquaintance party namin. Pero sa totoo lang, hindi ko alam ang nagyari sa akin nong nahimatay ako at nagblanko ang isipan ko pero isa lang ang alam ko, nagising na lang akong nasa kwarto ko na habang naka swero. Masakit ang ulo ko kahapon hanggang ngayon dahil nga sa nangyari. Ang dahilan kung bakit, hindi ko alam.
Nasa kwarto ako ngayon, naka swero pa din hanggang ngayon habang nagtatype ng data's sa laptop ko para sa thesis namin. Kahit may sakit ako, kailangan ko pa ring tumulong sa mga kagroupo ko especially ako ang taga ayos at taga lagay ng mga data na nahanap namin. Bigla akong napa tigil sa pag tatype dahil may kumatok sa pintuan ko at kasabay non ang pagbukas ng pinto at iniluwa don ang mga kaibigan ko. Bigla akong niyakap ni Momo habang iyong tatlo umupo sa may dulo ng higaan ko at nakatingin sa akin tila tinatanong nila kung okay lang ba ko sa pamamagitan ng mga tingin nila.
"Okay ka na ba besseu? Miss ka na namin! Huhuhu!" Sabi ni Momo pagkatapos niya kong niyakap habang sumisinghot pa dahil umiiyak siya ngayon. Ngumiti lang ako sa kanya maging sa tatlo habang inilapag ko naman sa mesa yong laptop ko. "Oo besseu okay naman na ko. Medyo masakit pa rin iyong ulo ko pero keri ko na. Baka nga kaya ko nang pumasok bukas eh." Wika ko. Tumango tango lang sila. Ilang chikahan din ang naganap dito sa kwarto ko, meron ding tampuhan ang naganap dahil si Cela nagtatampo sa akin kung bakit ngayon ko lang siya dinala dito (dahil nga unang nakapasok sa kwarto ko si Momo noong dito siya natulog. Naalala pa niya eh no? HAHAHA). Nakita na din nila yong secret ko. Ano yon? Iyon yong picture ko at ni Kuya Marko na naka akbay siya sa akin pero mga bata pa kami non na nakasabit sa may dingding ng kwarto ko. Iyon iyong una at huling picture namin ni kuya dahil nga matagal na kaming hindi nagkita. At kahit na hindi na siya iyong taong mahal at gusto ko, hindi pa rin siya mawawala sa puso't isip ko dahil siya nga ang first love ko.
Nasa kalagitnaan na kami ng pag uusap ng bigla akong nagtanong dahilan para mapa tigil sila at magtinginan sa isa't isa.
"Ano pala ang nangyari nong nahimatay ako? Wala kasi akong alam eh. Wala ding sinabi sila mama at papa basta ang sabi nila, magpalakas lang daw ako dito sa bahay dahil daw fatigue lang yong naramdaman ko nong araw na 'yon pero feeling ko may kulang pa din eh." Hinintay ko ang sagot nila ngunit wala pa din. So totoo kaya tong instinct ko?
"Besseu," panimula ni Momo dahilan para tignan ko siya. "Nong time na nahimatay ka, agad kang binuhat ni Kelso habang kami lahat ng nakikita sa nangyari nanginig sa nerbyos at kaba." Wika niya. Napa kunot noo ako. Binuhat talaga ako ni Kelso? Oo, naramdaman kong may bumubuhat sa akin pero di ko naman alam na si Kelso yon.
"Alam namin yang iniisip mo at alam kong gusto mong tanungin sa amin kung bakit si Kelso ang bumuhat sa'yo at di si oppa Baekhyun pero hindi na 'yon ang importante kasi alam namin ang nangyaring pag aamin sa'yo ni Kelso don sa may back stage dahil kinuntsaba niya kami nong araw na 'yon so alam na namin." Sabi ni Cela. So tumango na lang ako sa narinig.
"Nong time na nahimatay ka, agad ka ngang binuhat ni Kelso palabas sa lugar na 'yon. Siyempre sumunod din kami maging ang mga instructor natin. Agad ka naming pinunta sa malapit na hospital habang ang iba sa amin ay tinawagan na namin sila auntie." Wika ni Diana habang ako'y maimtim na nakikinig.
"Sabi ng doktor na nag asikaso sa'yo fatigue nga lang ang dahilan kung bakit ka nahimatay pero huwag na daw kami mag alala dahil pahinga lang daw ang kailangan mo at gagaling ka na. Lahat kami na nandito natanggalan ng tinik sa lalamunan at naginhawaan." Wika ni Momo sa akin habang naka ngiti. Ngiti na nag assure sa akin na nandyan lang sila para sa akin.
"Pero alam mo ba, habang tulog ka don sa kama mo, si Kelso ang nagbantay sa'yo hanggang kinaumagahan. Hanggang sa nakauwi ka dito siya ang nagbantay sa'yo at nag alaga. Yon nga lang, tulog ka. Ang lalim ng tulog mo kaya hindi mo alam." Sabi sa akin ni ate Resse habang medyo kinikilig.
"Kaya besseu, pagbigyan mo na siya kasi nakita namin yong effort niya. Iyong pag aalala niya sayo. Bakas namin sa mukha niya yong kahirapan mo nong araw na 'yon. At ramdam namin na mahal ka talaga niya. Hayyst ewan ba namin kung bakit pinaghintay ka niya ng isang taon eh. Pero kahit ganoon, alam din namin na kahit ilang beses mong tanggihan at iwasan yang feelings mo sa kanya, sa huli mahal mo siya kaya besseu, kaming apat na nandito butong buto na kay Kelso. Kasi sa panahon ngayon, wala ng lalaking katulad niya sa mundong 'to." Wika ni Momo sa akin habang pinipisil niya ng pakunti kunti yong kamay ko habang naka ngiti. Ngumiti din ako pabalik sa kanya maging kina ate Resse, Cela at Diana.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko, halo halo siya. Siyempre, masaya ako at kenekeleg. Masaya dahil naramdaman ko sa wakas na mahal niya ko, na totoo yong sinabi niya sa akin nong acquaintance na mahal niya ko kahit na nong una nag doubt ako. Siyempre sinong hindi mag dodoubt sa feelings niya kung iyong long time krass mo na akala mo may relasyon ay aamin sa'yo na gusto ka niya, siyempre magdodoubt ka pero right now, kenekeleg eke. Kinikilig ako kasi alam ko na kapag pagbibigyan ko siya safe ang puso ko.
"So besseu, pag bibigyan mo na ba ang hiling niya sayo?" Tanong ni Cela. Ngumiti ako ng maliit sabay sabing,
"Oo besseu, kasi lahat ng sinabi niyo sa akin tungkol sa kanya, alam ko totoo yon. Kaya pagbibigyan ko siya. Pero isang chance lang to kasi kapag sinira niya at binaliwala ang chance na binigay ko sa kanya, hindi ko na siya pagbibigyan. Sana nga lang pag ingatan niya dahil nakasalalay dito ang puso ko eh."
Ngumiti lang sila at niyakap lang nila ako. Ilang oras din ang pag sstay nila dito sa bahay at umalis na din sila papuntang school.
Bukas na bukas, pagbalik ko sa school, haharapin ko si Kelso at ibibigay ko ang gusto niya pero siyempre paghirapan niya para makita ko kung totoo ba yong nararamdaman niya sa akin or peke.
I'm looking forward for tomorrow. 💓
❌❌❌
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Teen FictionNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...