"If it is a dream, please don't wake me up. Because I want to experience it over and over again until I become tired."
~KEISHA THERA RAMESES
❌❌❌
💕 NOBODY'S BETTER 5 💕
Mga 7:40 na ko nakarating dito sa school pero I prefer to stay muna sa labas ng gate kasi hinihintay ko pa si Cela. Yep, siya lang ang kasama ko ngayong araw dahil nga hindi pupunta sila ate Resse at Momo. Ewan ko na lang kay Diana kung pupunta siya ngayon kasi hindi ko siya masyadong nakausap kahapon.
Mag eieight na pero wala pa ring bakas ni Cela ang nakikita ko. Grabe, mag uumpisa na 'yong event namin ngayon pero wala pa siya.
Ilang beses ko na rin siyang chinat pero hindi man lang niya na seseen. Tssk! Bakit ko din kasi naisipang hintayin siya. Siguro dahil naghahanap ako ng companion ko ngayon.
Habang naghihintay, marami ng mga estudyante ang nasasalubong ko. Nakita ko na rin 'yong ibang mga kaklase ko at tinatanong nila ako kung bakit hindi pa daw ako pumasok sa loob at ang sabi ko lang ay, 'Hinihintay ko pa kasi si Cela.'
Alam naman nila na sila Cela, Momo, Diana at Ate Resse lang naman ang kaclose ko kaya hindi na sila nagtaka pa.
Naghintay pa ko ng kaunti hanggang sa nawalan na ko ng ganang maghintay uli. Alam niyo naman ako, pagod na kong maghintay sa mga taong ayaw magpahintay at dumiretso na ko sa loob ng school at agad pumunta sa Senior High School Gym na kung saan gaganapin ang seminar namin ngayon. Hindi ko alam kung bakit hindi na sa Convention, siguro dahil na rin medyo madami na kami at hindi na kami kasya doon. Kaya hindi na doon.
Tumabi ako sa dalawa kong ajumma na sila Yna at Rose (Ajumma is a Korean term which means old women pero tawagan na namin 'yang tatlo since kdrama fan kami at sila ang source ko ng kdrama bwahahaha! Kaya walang ka konek kanek besh ang tawagan namin bwahahaha.) at in-open ko ang cellphone ko para makanood ng kdrama.
"Anong episode mo na?" Tanong sa akin ni Ynah. Pinause ko muna saglit iyong pinapanood ko bago sumagot.
"Lapit na ko matapos ajumma. Nasa episode 14 na ko." Tumango siya.
"Wahhh!!! Ajumma! Nakakakilig iyang episode na 'yan. Diyan kasi sila magkikiss! Omo! Omo! Aigooooo!" Kinikilig na singit naman ni Rose. Tinignan lang namin siya ni Ynah tapos bigla siyang binatukan nito. Spoiler kasi eh! bwahahaha!
Ilang saglit ay hininto ko na ang panonood dahil bigla nang nagsalita ang Emcee hudyat na mag uumpisa na sa wakas ang programa namin ngayong araw. Pero inaamin ko sa inyo na umaasa rin ako na makikita ko ulit siyang sumayaw. Gusto ko kasing maexperience ang first encounter naming dalawa and I admit, namiss ko 'yon.
Habang nagsasalita ang mga Emcee, busy ang mata ko na maghanap. Hinahanap ko siya pero hindi ko siya makita. Hmmmm, nasaan kaya siya? Don't tell me hindi siya pupunta? Bigla tuloy akong naghina dito sa inuupuan ko. Sana pala, hindi na rin ako umattend ngayon katulad noong apat na mga besshy ko.
Umasa na naman ako. Ampupo.
Bigla akong napasimangot dahil sa iniisip ko at sa nararamdaman ko ngayon. Nesfruta oh! Hindi talaga siya pumunta.
Hindi ko na sana papansinin ang Emcee ng biglang nag announce na sila.
"So here's the special number given by the dance troupe. Let's give them a round of applause." At pagkatapos noon, nagsipunta na sa stage ang buong dance troupe, and yes! Kasama siya mga bettheu!
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Подростковая литератураNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...
