"Bakit ka umiwas?" Tanong ni ate Resse sa akin. Ngumiti lang ako ng malungkot at hinawakan ko ang kamay ni ate Resse at itinapat 'to sa puso ko.
"Ramdam mo ba 'tong bilis ng tibok ng puso ko?" Tanong ko tapos ay tumango siya.
"Kasi ganyan ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya kaya kailangan ko siyang iwasan para hindi ko na 'to maramdaman ulit." She nod.
❌❌❌
💕 NOBODY'S BETTER 2 💕
Maaga akong nagising ngayon. Hindi naman sa excited ako pero parang ganoon na nga 'yon. Bwahahahaha!
Pero ewan ko ba kung bakit ang aga ko nagising eh 9 o'clock pa naman ang klase namin. Siguro dahil sa hindi ako nakatulog nang buong gabi.
Paano kasi kahapon nakita ko nga siya kaya ayon, iyong puso ko kinikilig. Saklap no? Pero promise totoo! Hindi talaga ako naka tulog kakabi dahil sa kanya!
Kainis kasi siya eh!
Gusto ko na talaga siyang kalimutan eh! Gustong gusto pero 'to namang si tadhana, nakiki alam na naman! Huhuhu!
Bumangon na ko sa pagkakahiga at dumiretso na ng c.r para maligo. Hmmm... Mahaba habang panibagong araw na naman ang pagdaraanan ko ngayon at sana maharap ko 'to ng maluwag sa puso ko.
At sana hindi na makialam si tadhana sa akin.
❌❌❌
8:00 nang naghintay ako ng jeep sa harap ng bahay. Thirty minutes kasi ang byahe papunta ng school kaya mas magandang pumunta na ko doon habang hindi pa time.
Mag ei-eight twenty naman ng nakasakay ako ng jeep. Ang tagal kasi ng jeep dito sa amin at bihira lang silang lumabas kaya naghintay pa ko ng nga twenty minutes. Ok lang naman sa akin eh! kasi makakarating ako doon ng before nine.
So habang nasa byahe, binuksan ko muna ang messenger ko para malaman ko kung may mga chat na ba mga kaklase ko sa group chat namin. Pagbukas ko ng messenger ko, dire-diretso na mga chats ang nagsilabasan. Ang dami nilang chat. Hindi ko naman maintindihan mga pinagsasabi nila dahil ang hirap mag back read at tsaka tinatamad na kong balikan pa ang nakaraan. Hahahaha!Hugot? XD
So ayon nga, dahil wala naman akong maintindihan sa mga pinagsasabi nila, pinatay ko na lang ang data ko. Pero biglang nag appear ang head chat na kung saan si ate Resse ang nagchat.
'Nasaan ka Keisha?'
Iyon iyong laman ng chat niya sa akin. Napakunot noo ako sa nabasa. Bakit kaya ko hinahanap ni ate Resse?
'Papunta pa lang sa school.'
Sagot ko. Naghintay lamang ako ng kaunting saglit at nagreply na siya.
'Ok. Diretso ka dito sa Function Hall. Nandito ako pati iba nating mga kaklase na naghihintay.'
Reply niya. Agad ko rin naman siyang nireplyan.
'Ok po ate.'
Tapos ay pinatay ko na ng tuluyan ang data ko at hinintay ko nang makarating ako sa school dahil malapit naman na.
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Novela JuvenilNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...
