"Hmmm. You're an observer anae."
"Yeah. Yon din ang sabi nila sa akin."
sagot ko habang nakatingin sa kanya. "Kaya nga umpisa pa lang, ikaw na nakakuha ng pansin ko kasi isa akong observer." pahabol ko pero this time nasa bintana naman na ko naka tingin. Ramdam ko na kasing namumula ako ngayon.Narinig ko na naman ang sweet niyang chuckle. "So matagal mo na palang naobserbahan yong kagwapuhan at galing ko sa pagsasayaw. I see." sinuntok ko naman siya sa dibdib. Ang kapal eh.
❌❌❌
💕 NOBODY'S BETTER 29 💕
"Uy ajumma!" naka ramdam ako ng sumusundot sa tagiliran ko pero hindi ko to pinapansin. Kahit na medyo nakikiliti ako, hindi ko ito ininda bagkus ay mas lalo lang akong napangiti dahil sa iniisip ko.
"Uy!"
"Ha?" napa blink ako ng mata ko ng wala sa oras at tinignan si ajumma Rose na kanina pa masama ang tingin sa akin. Siya siguro yong nagkakalabit sa akin kanina pero sorry siya, hindi ko siya mapansin pansin dahil sa iniisip.
"Anong ha? Kanina pa kaya kita tinatawag at kinakalbit diyan pero para kang shunga na pangiti ngiti na walang dahilan. Ayan tuloy yong mga customer mo ako pa ang nag asikaso." talak niya sa akin dahilan para mapa blush ako.
"Sorry na ajumma." pang hingi ko ng paumanhin sa kanya. Na abala ko pa tuloy siya at binigay ang trabaho ko sa kanya dahil sa pagdedaydream ko. Hayssst! Hindi kasi ako maka move on don sa nangyari sa amin ni Kelso sa garden eh! Hindi ko makalimutan kung paano ko nakita sa mga mata niya yong sparks at glow na kahit kailan hindi ko nakita sa kanya noon. At thankful ako at ako ang dahilan ng pagkakaroon ng glow ang mga mata niya.
"Talaga lang!" wika niya sabay crossed arms. "Oo hahaha! Kaya sorry na kung distracted ako ngayon. May iniisip lang kasi akong magandang alaala kaya ganito ako." sagot ko sa kanya.
Lumapit naman siya sa akin at umupo sa tabi ko. "Ito ba ay dahil sa nangyari kahapon sa inyo ni Kelso?" tumango naman ako.
"Ano kamusta? Pasensya na kung umalis na ko agad sa gym kahapon. Hindi ko kasi makayanan yong kasweetan niyo at naging bitter ako kahapon," napa chuckle naman ako sa sinabi niya. "Huwag mo nga kong tawanan!" isang mukhang pato'ng ajumma ang nakita ko kaya mas lalo akong natawa.
"Yahhhh! Huwag mo nga kong tawanan sabi eh!"
"Oo na! Oo na!" wika ko sabay taas ng dalawang kamay na parang sumusurender sa pulis.
"Hmmmp. Okay. Ikwento mo na sa akin please." napa ngiti naman ako dahil sa eagerness sa boses niya kaya kahit na natatawa pa ko sa naging itsura niya kanina, kwinento ko pa din sa kanya ang buong detalye. Wala eh! Gusto ko rin kasing mailabas tong feels ko! Bwahahaha!
"Lahhh! Ang landi niyong dalawa ha!" wika niya sabay rolled eyes. Humagikgik lang ako sa sinabi niya dahil totoo naman eh. Malandi kaming dalawa ni Kelso bwahahaha!
"Nga pala," napatingin ako sa kanya bigla ng nagbago ang ekspresyon at boses niya. Naging seryoso 'to kaysa noong sa kanina.
"Ano 'yon?"
"Nakita mo na si Kelvin?" napa ngiti naman ako ng nakaloloko sa tanong niya.
"Bakit? Miss mo na siya no? Ayiehhhhh!" pag tetease ko sa kanya with matching tili pa. Ship ko talaga 'tong dalawang 'to eh! Bagay kasi sila eh tsaka lagi akong natatawa kapag nagbabangayan sila. Parang hindi mabubuo 'yong araw ko kapag hindi sila nag aaway eh! Mas lalo ngayon na nakasama ko silang dalawa ng mga apat na araw na.
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Novela JuvenilNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...