💕 NOBODY'S BETTER 39 💕

20 2 3
                                        

Bakit mo laging iniisip ‘yan?” tanong niya na parang may halong inis. “Hindi pa ba sapat ‘yong pagmamahal na pinapakita at binibigay ko sa’yo? Hindi pa ba sapat lahat ng mga sinasabi ko sa’yo at pinapakita ko sa’yo? Para kasi sa akin, sapat na ‘yon eh. Tinadhana man tayo o hindi, nasa sa atin na yan kasi alam ko, tayo ang gumagawa ng ating tadhana kaya wag mong isipin ‘yang mga bagay na ganyan.

💕 NOBODY'S BETTER 39 💕

Back to normal na kami ngayon. Wala na kaming iniisip na problema at nakapag unwind na rin kami kahit papaano. Ang dami ngang nangyari noong nakapag unwind kami eh. Maraming memories din ang nadagdag at mas lalo kong nakilala si Kelso sa loob lamang ng tatlong araw.

Marami kaming napag-usapan especially sa buhay namin after graduation. Kung anong kukunin niyang course sa college, kung saan siya mag-aaral, kung magiging kami pa ba hanggang college at kung ano-ano pa. Sa totoo lang natatakot ako sa hinaharap. Mas lalo nong nalaman ko kung saan pala siya mag-aaral. Sa Dela Salle daw kasi siya mag-aaral at plano niyang kumuha ng medicine related course. Grabe siya! Ang yaman niya! Kwento ko nga sa kanya na baka hindi ako makakapag-aral sa college pero inencourage niya kong magpatuloy sa pag-aaral kasi sayang daw. Kung kasing yaman niya lang sana ako edi makakapag-aral din ako. Pero kidding aside, gusto ko talagang mag-aral. Gusto kong maging interior designer since ‘yon na ‘yong pangarap ko noong bata pa lang ako. Gustong gusto ko talaga. Sinabihan ko nga siya na samahan akong maghanap ng mga state universities or colleges na mura lang ang tuition. O kaya ng mga colleges na government fund. At nakita namin ang UP. Though alam ko na hindi pang UP ang talino ko, pwede namang magbakasakali di ba? Kaya sinabihan ko siya na samahan akong mag-apply at kumuha ng scholarship sa UP. Sinabihan niya nga ko na pwede naman basta maipasa ko lang ‘yong UPCAT. Sana nga maipasa ko ‘yong future UPCAT exam.

Habang nagkwekwentuhan kami ni Kelso ay maraming mga bagay na tumatakbo sa isipan ko. Talagang natatakot ako sa magiging relasyon namin. Lagi kong naiisip na baka makahanap siya ng mas maganda, mas mayaman, matalino at nababagay na babae para sa kanya. Ang layo kasi ng agwat namin sa isa’t-isa eh. He’s out of my league. Iniisip ko nga na di ko siya deserve kasi he’s too perfect for me. Pero kahit na lagi ko ‘yon nararamdaman o naiisip ay lagi niya pa ring sinasabi at pinapaalala na deserving ako para sa kanya. Na I’m perfect for him at ginawa ako para sa kanya. Pero siyempre, hindi pa rin naman natin alam ang hinaharap.

NOBODY'S BETTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon