"Ano man ang mangyayari mamahalin at mamahalin pa rin kita sapagkat ikaw ang isa sa mga rason bakit ako masaya at kontento kaya tahan na Kelso okay?"
~ KEISHA THERA RAMESES
❌❌❌
💕 NOBODY'S BETTER 34 💕
"Okay, one more pose and will be done in this photoshoot," rinig kong sigaw ng photographer na kung saan nag cacapture ng photo ko para sa predebut pics ko. Ang sakit na nga ng panga ko at buong katawan ko kakaposing eh! Alam ko naman sa sarili ko na 'di ako masyadong maganda pero sana kahit papaano maayos ayos naman ang kuha sa akin.
"And it's done! Thank you everyone!" napabuntong hininga naman ako at napasalampak na lang ako sa buhangin. Aligaga ang bawat isang narito dahil sa photoshoot na nangyari habang ako'y hinang hina dito sa tabi. Hindi ko talaga naimagine na magkakaroon ako ng ganitong bagay sa debut ko. Ok lang talaga sa akin 'yong simple lang pero wala akong magawa kung ganito na ang nangyari atleast kahit papaano, natupad pa rin 'yong pangarap ko na magdebut ng medyo bongga.
"Anae, are you okay?" nag aalalang tanong sa akin ni Kelso pagka rating niya sa pwesto ko. Agad naman akong tumango at pagkatapos ay inalayan niya akong tumayo at ipunta sa malapit na upuan. I am wearing simple dress na nagbagay sa aura at taste ko at dahil isa akong thalasophile ay dito sa beach nila Momo ako nag shooting.
Pagka upong pagkaupo ko sa may upuan ay agad umalis si Kelso upang kuhanan siguro ako ng pagkain at maiinom. Hapon na kasi at 'di pa ko nakakapag lunch kaya nag initiate na siguro siyang kumuha ng pagkain ko.
"Besseuuuu! Ang ganda mo! Huhuhu! Inggit ako!" biglang sabi ni Momo na kakarating lang dito sa pwesto ko. Binigyan ko naman siya ng 'huwagㅡmoㅡngaㅡkongㅡlokohin look' habang pinupunasan ko ang mukha kong puno na ng lusaw na make up.
"Uy! Di kaya ako nag loloko! You look beautiful besseu mas lalo na kanina ng tumabi sa'yo si Kelso at inalalayan kang ipunta dito. Ang sweet niya ha! Infernes!" wika niya na dahilan para mapangiti ako.
"Thank you!"
"Wala 'yon basta excited na ako sa debut mo! Malapit na ha! Pero besseu kailan mo ba sasagutin si Kelso?" sabi niya sa akin with a pout.
"Secret na lang besseu at sa amin na lang 'yon. Ang isipin mo 'yong magiging preparation mo para sa birthday ko dahil isa ka sa mga 18 roses ko. Teka? May regalo ka na ba sa akin?" tanong ko sa kanya dahilan para mapangiti siya ng maliit.
"Enebe besseu! Wala pa nga eh! Wala pa kong pera hehehe!" nag roll eyes lang ako habang siya ay natatawa lang.
Ilang segundo rin ang nakalipas ay dumating na rin si Kelso na may dalang pagkain at inumin. At di lang 'yon, may dala din siyang damit pamalit ko.
"Salamat!" wika ko pagkaabot na pagkaabot niya sa akin ng mga pagkain ko.
"You're welcome."
"Gusto mo?" pag iinsist ko sa kanya pero umiling lang siya.
"Di na, makita lang kitang busog, busog na rin ako." napablush naman ako. Kahit na alam kong gasgas na 'yong line na 'yon at maraming beses ko na rin narinig 'yon eh parang bago pa rin siya sa pandinig ko. Siguro dahil si Kelso 'yong nagsabi non sa akin kaya ganoon.
"Ang lalandi naman ng mga batang 'to!" rinig naming bulong ni Momo dahilan para mapatawa na lang kami dito ni Kelso sa isang tabi.
"Anae, gusto mong maglakad sa tabing dagat?" biglaan niyang tanong habang ngumunguya ako ng pagkain ko.
Napa tango na lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
❌❌❌
Tahimik at tanging mga alon lamang ang naririnig mo habang kaming dalawa ay naglalakad sa tabing dagat. Tila pinapakiramdaman ang bawat presensya ng bawat isa. Ewan ko ba pero 'di naman awkward ang nararamdaman ko. Mas kinakabahan nga ko pero in a good way naman. Siguro dahil sa ilang buwang panliligaw sa kin ni Kelso ay naramdaman kong ok naman na ko sa kanya. I mean, comfortable na ko especially kapag sinasabi niya na mahal niya ko or something like that. Di katulad dati na kinakabahan pa rin ako.
"Anae," panimula na Kelso. Tinitignan ko lamang ang mga alon at 'di sa kanya ang paningin ko. Kasi feeling ko kapag sa kanya ako titingin, mas lalong lumalakas ang tibok ng dibdib ko.
"Alam mo kinakabahan ako," wika niya. Huminto muna kami saglit at umupo sa may buhanginan. Nakatapat kami sa may alon at sa pababang araw.
"Bakit naman?" tanong ko. This time, sa kanya na ko nakatingin. Ewan ko, para kasing ang pogi niyang tignan especially ngayon na hinahangin 'yong mga buhok niya at dahil na rin sa maliit na sinag ng araw na ngayon ay nag rereflect sa perpekto niyang mukha.
"Kasi baka I messed up on your birthday." napakunot naman ako sa sinabi niya.
"Bakit mo naman 'yan nasabi. Di pa naman nangyayari 'yong debut ko atsaka kahit kailan 'di mo masisira ang birthday ko. Ikaw nga ang isa sa dahilan bakit excited na excited ako sa debut ko." wika ko sa kanya habang nakangiti.
"Talaga?"
"Yup! Kaya 'wag kang mag isip ng mga negatibong bagay. Isipin mo may magandang mangyayari sa birthday ko." wika ko with conviction.
"Alam ko naman 'yon. Na sa debut mo sasagutin mo na ko. Alam ko 'yon. Ako pa!" sabi niya sa akin with a smirk. Sinapak ko naman ang balikat niya. Napa aray naman siya! 'Yan kasi eh!
"Kapal mo ha!"
"Pero anae, kidding aside, kinakabahan talaga ako kasi baka 'di ko mameet ang expectation mo sa araw na 'yon. Na baka 'di kita masayaw ng maayos o baka 'di ko maibigay ang regalo o mensahe na gusto mong matanggap o marining galing sa kin. Alam mo bang araw araw kong iniisip 'yong mga bagay na 'yon at 'di ko maiwasang mag doubt na baka 'di mo na ko magustuhan or baka dahil don 'di mo na ko mamahalin. Alam ko naman na sobrang babaw lang 'yon sa iyo o sa iba pero sa akin, sobrang lalim 'yon. Ayaw ko lang talagang 'di maging memorable ang araw na 'yon especially na kasama mo ko. I want your debut to be perfect and especial kaya iniisip ko 'tong mga bagay na 'to." nakikinig lang ako sa pinagsasabi niya at ramdam ko ang emosyon niya. Sa totoo lang, kinakabahan din ako sa maaaring mangyari sa araw na 'yon pero mas pinapatatag ko ang sarili ko kasi di lang naman birthday ko ang icecelebrate namin. Kasama non ang araw na ibibigay ko ang matamis kong oo.
Napa hawak na lang ako sa kamay niya at inis squish ko 'yon tila sinasabing ok lang ang lahat. Na normal lang lahat ng nararamdaman niya. Alam ko naman na fear niya 'yon at I respect that. At nagpapasalamat ako at naging open siya sa akin.
"Alam mo Kelso, nararamdaman ko ang nararamdaman mo. Kinakabahan din ako sa magiging kinahahatnan ng birthday ko pero alam mo ba tinatatagan ko lang ang sarili ko at sinasabing ienjoy ko lang ang araw na 'yon kasi araw ko 'yon eh! Tsaka kasama ko ang mga taong nagmamahal sa akin especially ikaw kaya please 'wag ka ng matakot. Ano man ang mangyayari mamahalin at mamahalin pa rin kita sapagkat ikaw ang isa sa mga rason bakit ako masaya at kontento kaya tahan na Kelso okay?" napatango naman siya.
Ilang minuto din kaming ganoon hanggang sa nailagay ko na lang ang ulo ko sa kanyang balikat. Kasabay noon ang paglubog ng araw at ang paglubog ng worries namin. Kasi ilang araw na lang at matutupad na lahat ang pangarap ko. Pangarap ko na ngayon ay kasama siya.
❌❌❌
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Teen FictionNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...