"Hindi talaga ako maka paniwalang ipagpapalit niya ko sa iba. All this time pala may mahal na siyang iba! At ang masakit lang, akong si tanga pinilit pang mahalin siya. Dahil in the first place pala, ako at ako lang pala ang nagmamahal sa aming dalawa."
~MONICA MORICE BROWN
❌❌❌
💕 NOBODY'S BETTER 3 💕
Halos makakalahati na namin ang first month ng school year namin ngayon at halos busy na kami araw araw.
Paper works dito, paper works doon. Quiz dito, quiz doon. Discuss dito, discuss doon. Assignments dito, assignments doon.
Nakakabaliw. Nakaka pagod.
Halos stress ang makikita mo sa pagmumukha namin pero kahit ganoon, ginagawa namin ang best namin para matapos na ang lahat ng problema naming 'to.
At dahil busy na kami, hindi ko namamalayang hindi ko na pala halos nakikita o nasisilayan man lang si Kelso.
Oo, kahit halos magkatabi lang ang mga classroom namin sa isa't isa, halos wala na kong time para hanapin siya.
Ok lang naman sa akin atleast kahit papaano, hindi ko na iisipin 'tong nararamdaman ko sa kanya dahil kapag iisipin ko pa tiyak, isa na naman 'to sa dahilan kung bakit ako maiistress na naman.
Speaking of stress, hinihintay ko ngayong dumating si Momo. Halos wala pa kasi siya eh rito at malapit na ring mag time. Sabi niya kasi kagabi sa group chat namin na gusto niyang humingi ng advice patungkol sa problem niya. Sabi ko naman, sige bibigyan ko siya pero hanggang ngayon di niya pa rin sinasabi sa amin.
At alam kong stress na stress na iyon ngayon.
Habang naghihintay, tinignan ko si Ate Resse kasi gusto ko siyang tanungin kung may alam ba siya sa sinasabi ni Momo na problema niya pero busy si ate Resse sa cellphone niya. Tinignan ko din sila Cela at Diana pero busy din silang nag tsitsismisan na dalawa.
Alright! Ano ba kasi iyong sinasabi ni Momo na problema niya at maging ako prinoproblema ko din? Hayysssttt!!!
Ilang saglit dumating na rin siya. Agad siyang umupo sa tabi ko. Halata sa mukha niya ang pagod at lungkot. Mukhang malala ata 'tong problema niya ah?
"Mga beshyy, pahinga nang advice please." Sabi niya sa aming apat. Tumango naman kami.
"Ano ba problema mo?" Tanong ko rin.
"Kasi ano..." Sabi niya at pinag patuloy ang pagkwekwento. At pasensiya na mga readers dahil very confidential ang problema ni Momo at ayaw niyang ipasabi sa inyo. Kahit ako ayaw kong ikwento sa inyo dahil masyado itong private.
"Then beshyy dapat kausapin mo sila. Baka misunderstanding lang ang lahat." Sagot ko. Ngumiti lang siya ng malungkot.
"Ginawa ko na ang lahat pero wala eh, ang tigas pa rin ng ulo nila. Naiistress na ko." Wika niya. Hinagod hagod ko lang ang likod niya para tumahan na siya sa pag iiyak.
"Beshyy, pwede ba kong makitulog muna sa inyo?" Tanong niya sa aming lima.
"Hindi pwede sa amin besh, nasa bahay kasi sila tito't tita ko kaya baka hindi rin ako payagan." Sagot ni ate Resse. Tumingin si Momo Kay Diana.
"Ako naman, may sakit si mama kaya hindi ka pwede sa bahay." Sagot naman ni Diana na medyo malungkot na ngumiti. Tumingin ulit si Momo kay Cela.
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
أدب المراهقينNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...