💕 NOBODY'S BETTER 41 💕

9 2 1
                                        

"And I am happy kasi sa simpleng bagay na iyon naging kumpleto ang araw ko. Dahil sa kanya."

~KEISHA THERA RAMESES

❌❌❌

💕 NOBODY’S BETTER 41 💕

Aligaga na kaming lahat ngayong araw. Ngayong araw na kasi ang final exam at pagkatapos ng final exam na ito ay matatapos na rin ang kalbaryo naming mga estudyante. Nandito ako sa classroom ngayon at nagrereview. Hinahighlight ko ‘yong mga important ideas na pwedeng lumabas sa exam question tapos ay sinusulat ko ’to sa ibang papel. Ganoon kasi ang learning style ko at ang way ng pagrereview ko.

Habang patuloy akong nagrereview, naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Ibinaba ko saglit ang notebook ko pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng bag ko. May nag text pala. Binuksan ko ‘yong message at napangiti. Si Kelso, nagtext siya ng ‘Good luck’ kaya naboost naman ‘yong energy ko. Exam din kasi nila Kelso ngayon. Lahat ng grade twelve final examination day ngayon at dahil don, hindi kami masyadong nag usap ni Kelso noong weekends dahil parehas kaming busy. Okay lang naman sa akin kasi parehas naming priority ang pag-aaral ngayon at naka-usap at bonding naman kami noong exhibition day nila.

Speaking of exhibition, naging successful ang exhibition nila Kelso. Maraming estudyante ang dumalo at halos nabinta nila lahat ‘yong mga gawa nila. Kung tinatanong niyo kung bininta ba ni Kelso ‘yong painting na ginawa niya, siyempre hindi. Binigay niya sa akin ‘yon at nakadisplay na ‘yon sa kwarto ko. Lagi ko nga ‘yon pinagmamasdan eh tapos iniimagine ko ‘yong araw ng kasal namin tapos lagi akong kinikilig kapag iniisip ko ‘yon. Hayysss~ Parehas na kaming whipped sa isa’t isa.

Tamang tamang kababalik ko lang sa bag ko ‘yong cellphone ko noong dumating iyong instructor na mag papaexam na sa amin. Bigla tuloy bumalik ‘yong kaba ko at parang nablangko bigla ‘yong utak ko dahil sa kaba. Mas lalo na ng pinatago na niya ang mga reviewer namin sa aming mga bag. Nagpray na lang ako kay God na sana maipasa ko ‘tong final exam na ito at sana matapos na to para wala na kong problema at di na ko maistress. At sana, mapakinggan ni Lord ang prayer ko.

❌❌❌

Hapon na. Mga five pm natapos ang examination day namin. Finallyyyy! Wala na kaming iisipin pa! naging okay naman iyong exam. Medyo confident naman ako na makakapasa ako dahil halos lahat ata noong nasa questionnaire ay naireview ko. Kahit medyo confident ako, hindi pa rin mawala sa isipan ko na mangamba na baka hindi ako makapasa pero si God na talaga ang bahala.

Nandito kaming lima sa isang milktea shop at nagmemeryenda bago umuwi. Parang stress reliever din namin to kaya pumunta kami sa ganitong shop. Naghahanap din kasi ako ng matamis kaya bumili na kami ng maiinom dito.

“Besseu,” rinig kong sabi ni Cela kay Diana. Silang tatlo kasi nila Diana at Momo ang nagdadaldal ngayon. Pinag-uusapan nila iyong tungkol sa exam questions kung nasagutan ba nila iyong number na ganito o kaya kung ano yong answer sa number na ganito, sa subject na ito. Habang kami ni ate Resse ay tahimik lang, bakas sa amin ang pagod at stress. Hehe!

“Ano yon?” mahinang tanong ni Diana. Tinuro naman ni Cela gamit ang kanyang nguso ang lalaking nasa likod ni Diana. Kaming apat ay nilingon kung sino ba ‘yon at napangiti. Iyong krass lang pala ni Diana na si Cholo. Bigla namang namula si Diana at nahihiyang sinipsip ang milk tea niya tapos ay mahinang hinampas sa balikat si Cela. Napangiti lang naman ako. Bigla ko tuloy naalala iyong panahong krass ko lang si Kelso noon. Parang ako si Diana na nahihiya kapag nandyan siya malapit sa akin. Pero tignan mo ngayon, hindi ko aakalaing boyfriend ko na siya. Si tadhana talaga ang gumagawa ng paraan eh. Kung kayo edi magiging kayo, kung hindi edi hindi. Ang kapalaran natin ay tayo ang gumagawa pero ang tadhana ang nagdidikta. Basta magtiwala lang tayo sa tadhana.

Ilang minuto lang kaming tumambay dito at pinagdisisyonan na naming umuwi. Umalis na kami sa milktea shop na iyon at dumiretso na sa paradahan ng jeep. Nagtext lang ako saglit kay Kelso habang naghihintay ng masasakyan na jeep. Sayang, akala ko kasi magkikita kami ngayon, hindi pala. Hanggang ngayon kasi may exam pa sila kaya hanggang text na lang muna. May jeep ng dumating at sumakay na kami. Grabe sobrang pagod talaga ngayong araw. Eh siya? Kamusta kaya ang exam niya?

❌❌❌

Nasa kwarto na ko ngayon at nakahiga. Di pa rin nagrereply sa text ko si Kelso. Pati sa messenger, di pa rin niya siniseen ang mga message ko. Nag-alala na tuloy ako. Bigla namang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko. “Sandali lang!” sigaw ko bago dumiretso sa pinto para buksan ‘yon pero nagulat ako kung sino ‘yong kumatok. Si Kelso.

“Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah?” nagtatakang tanong ko sa kanya. “Ayaw mo ba?” tanong niya din. “Hindi naman. Nagulat lang ako. Hindi ka nagrereply kasi sa mga message ko tapos pumunta ka pa dito sa bahay. Sinong di magugulat?” napameywang ko pang sabi sa kanya. Napatawa naman siya. “Nagdala lang ako ng pagkain dito tapos chineck lang kita. Ayaw mo ba noon?” tanong niya. Biglang lumiwanag naman ang mukha ko noong narinig ko ‘yong salitang pagkain.

“Ikaw nagluto?” tanong ko habang pinagmamasdan ‘yong pagkaing nasa hapag kainan. Tamang tamang di pa ko kumakain. Hahaha!

“Oo.”

“Kumain ka na ba? Tara kain tayo!” alok ko sa kanya. Napatawa naman siya tapos ay sumabay siya sa aking kumain. Sila mama at papa kasi tapos na eh. Pati mga kapatid ko pero nandito din sila sa hapag kasama naming dalawa na lumalamon ng pagkain na niluto niya. Siyempre sinong di tatanggi sa grasya? Siyempre hindi ako ‘yon. Hehehe!

At ganoon lang ang nangyari ngayong araw. Walang espesyal na nangyari. Tanging kumain lang kami ni Kelso ng niluto niya at tamang kamustahan at kwentuhan. Okay lang naman sa akin. Mga simpleng bagay lang naman ang nagpapasaya sa akin. Pagkain at si Kelso lang naman nagpapasaya sa akin at wala ng iba. And I am happy kasi sa simpleng bagay na iyon naging kumpleto ang araw ko. Dahil sa kanya.

❌❌❌

NOBODY'S BETTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon