"You know you're beautiful, even when you smile. But you know, you don't see it because you're just too blind for not noticing it. But whatever you maybe, I always here to love you and your simplicity."
~YOUR PENGUIN 🐧
❌❌❌
💕 NOBODY'S BETTER 9 💕
Maaga akong pumunta sa school ngayon. Siguro, dahil gusto ko munang irefresh 'tong isipan ko sa mga assumptions -- I mean, sa mga facts na gather ko kahapon.
Kung tinatanong niyo kung ok na ba ko? Well, I guess malaking tulong iyong pag uwi ko ng maaga kahapon dahil medyo nakapag isip ako. Pero, you know kahit na sabihin nating ok ako, may parte pa rin ng puso kong nagsasabing hindi. Siguro, ganoon talaga kapag may pinagdadaanan ka.
Nasa school na ko ngayon pero hindi muna ako dumiretso ng classroom. Pumunta muna akong second floor upang pumunta sa locker room. May kukunin kasi ako sa locker ko. Kukunin ko iyong powerbank ko na naiwan ko doon kahapon, maging ilalagay ko doon 'yong iba ko pang gamit na nasa bag ko kasi medyo mabigat na siya.
Pagdating ko sa locker room, hinanap ko na agad ang locker ko upang gawin ang dapat na gawin. Kinuha ko muna sa likod ko ang bag ko upang hanapin iyong susi ng locker ko. Pagkatapos ko ng nahanap ay inilapag ko muna sa may sahig ang bag ko at inilagay ang susi sa may padlock upang mag bukas 'to.
*Ting* 🔓
Nabuksan ko na ang padlock. Hinayaan ko lang na nakaloob ang susi rito upang hindi mawala.
Agad kong hinanap kong saan banda sa locker ko nilagay iyong powerbank ko. Puro kasi pictures naming magbebestfriend, fiction books, paper, pencils, ballpen at kung ano ano pang nakalagay sa loob ng locker ko kaya hindi ko mahanap. Meron ding damit na malinis ang nandito, napkin (siyempre, in case na magkaroon ako bwahahaha! Lam na dis!) maging slipper meron ako sa loob. Yeah! ang dami no?
Nang mahanap ko na ay agad ko 'tong kinuha at inilagay sa loob ng bag ko. Kinuha ko naman sa bag ko 'yong mga librong hindi ko naman magagamit ngayon at inilagay sa locker ko. Iyong mga librong para sa araw na ito naman ang ipinalit ko.
Isinara ko na ang zipper ng bag ko nang naayos ko na ang laman nito. This time, inayos ko muna saglit ang laman ng locker ko at akmang isasara na sana nang may makita akong sticky note na nakadikit sa likod ng pinto ng locker ko.
Isa 'tong kulay pink na sticky note (Wow! Alam na alam ang favorite color ko ah!) at may nakasulat dito.
"You know you're beautiful, even when you smile. But you know, you don't see it because you're just too blind for not noticing it. But whatever you maybe, I always here to love you and your simplicity."
~YOUR PENGUIN 🐧
Napakagat ako sa ibaba ng labi ko dahil sa nabasa. Ako maganda? Nahihibang na ba 'tong nagpadala sa akin nito? Hindi ba niya nakita 'tong mukha ko? Pero kahit ganoon, kenekeleg siii aquooh~
Napa iling na lang ako sa iniisip at napa kagat labi na lang. First time kasing may nagsabi sa akin na maganda ako. I mean, 'yong pagsasabihan ako na maganda ako. Bukod kasi sa parents ko at sa ilan sa mga kaibigan ko, wala nang nagsasabi na maganda ako kaya nakakapanibago. Alam niyo naman siguro itsura ko 'di ba? Marami akong pimples tapos maitim ako. Hindi kasi ako marunong magpaganda at hindi naman ako nag eefort eh! Pero, ok lang naman sa akin kung ganito itsura ko, atleast totoo naman ako sa sarili ko.
Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako dahil sa nabasa and unconsciously, kinukuha ko na pala sa bag ko iyong maliit kong salamin pagkatapos ay hinanap ko 'yong lipstick na nakita ko sa loob ng locker ko. And I put some lipstick in my lips. Medyo light lang naman siya eh! Nagpulbos din ako tapos tinignan ko ulit 'yong mukha ko sa maliit na salamin at mas lumaki ngiti ko.
Tama nga ang sinabi nito, Maganda nga ko kahit papaano.
Tinignan ko ulit ng saglit ang mukha ko tapos ay ibinalik sa loob ng bag ko 'yong salamin. Pinagpagan ko rin ang palda ko dahil sa pulbos na natira at napunta sa palda ko pagkatapos ay kinuha ko ang bag ko at dahan dahang inilagay sa likod ko.
Pagkatapos ay kinuha ko ang stickynote na nakalagay pa rin sa likod ng pinto ng locker ko at itinupi 'to ng apat na beses at inilagay sa loob ng ID ko. Pampa good vibes lang
Pagkatapos ay isinara ko na ang locker ko at kinuha ang susi nito. Agad na kong lumabas ng locker room na 'yon at dumiretso na sa hagdan papunta sa third floor ngunit hindi pa rin mawala wala ngiti ko.
Para na siguro akong shunga rito. Bakit kasi pinapakilig ako ng sender na 'yon. Pero ano daw name niya? Your Penguin? Ano siya hayop? Pero cute ah! Penguin 🐧 Ahuehue!
Buti pa siya pinapasaya niya ko. Kahit papaano nakalimutan ko si Kelso. Kahit papaano, nawala 'yong pinagdadaan ko.
Sana siya na lang si Kelso.
I mentally shook my head. Si Kelso na naman ang iniisip ko. Kailan ko kaya siya hindi maiisip? Kailan kaya?
I sighed.
Itinuon ko na lang ang paningin ko sa daan. Pagliko ko sa isang side, nakita ko siya. Si Kelso. Nakapamulsa habang naka sandal sa may pader at mukhang may hinihintay. Tinignan ko ang wrist watch ko, maaga pa naman kaya napakunot noo ako ng makita siya.
Siguro hinihintay niya 'yong manlililigaw niya? Napa ngiti ako nang mapait dahil sa iniisip. Siguro nga.
Habang papalapit ako nang papalapit sa kanya, dumuduble ang pintig ng puso ko. Kinakabahan ako kaya ang ginawa ko, hinigpitan ko ang hawak ko sa bag ko at iniwas ang tingin sa kanya.
Pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya, bigla akong huminto. Ewan ko kung bakit pero huminto talaga ako. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at nakitang nakatitig siya sa akin. As in titig na titig. Ganoon pa rin ang pwesto niya nang magkatitigan kami. Ilang minuto rin kaming nagkatitigan pero umiwas din ako ng tingin at mabalis na pumasok sa classroom (since magkapit bahay lang ang classroom namin sa classroom nila.)
Kakaunti pa lang pala kami kaya agad akong napa upo sa upuan ko at hinawakan ang puso ko na hanggang ngayon mabilis pa rin ang tibok nito. Huminga rin ako ng malalim dahil hindi na normal 'tong paghinga ko.
I sighed again.
Napasaya nga ko noong nagbigay ng stickynote kaya lang, hindi pa pala nawala 'tong nararamdaman ko kay Kelso.
Siya pa rin naman kasi at siya pa rin pala ang gusto ko kaya ganito ako magreact.
Napatigil ako sa pag iisip at nagflashback sa akin 'yong itsura niya kanina na nakasandal sa may pader habang napamulsa.
Bigla tuloy akong napatayo at lumabas sa classroom namin pero pinagsisihan ko bigla.
Dahil nakita ko siya na masayang kausap ang isang magandang babae.
Hindi naman niya 'to kaklase at alam kong senior high school din siya at dito din siya nag aaral sa school na 'to dahil sa uniform niya pero halatang bago lang siya dahil ngayon ko lang siya nakita (o dahil wala akong pakialam sa ibang mga estudyante maliban kay Kelso.)
At ang sakit pala talaga na may iba na siyang gusto at hindi ako.
Ang sakit. 💔
❌❌❌
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Подростковая литератураNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...
