💕 NOBODY'S BETTER 21 💕

29 3 0
                                    

"So anae na kita?"

~BLAZE KELSO CARTER

❌❌❌

💕 NOBODY'S BETTER 21 💕

"Besseu! Besseu! Dali may sasabihin ako sa'yo!" Agad na wika ni Momo pagkadating na pagkadating ko sa harap ng classroom namin. Hindi pa nga ko nakaka upo sa upuan ko ay agad niya kung hinila bago pa ko maka pasok sa classroom.

"Eh? Ano ba ang sasabihin mo at bakit mo ko hinila dito?" Tanong ko sa kanya dahil imbes na didiretso ako sa loob ng classroom namin ay hinila niya nga ko palabas. Tila may nililihim sila sa akin kasi napansin kong halos aligaga ang mga kaklase ko.

"Ah eh kasi, gutom na ko. Oo! Yon nga gutom na ko! Samahan mo muna ako sa cafeteria na bumili ng baon ko. Promise madali lang to!" Wika niya pero halata naman sa kanya na may tinatago siya. Tinitigan ko lang siya at di umimik. Napansin ko din ang pagmasid niya sa paa niya na tila ito na ang pinaka magandang bagay sa mundo.

"Teka nga besseu? May tinatago ba kayo sa akin? Kakarating ko lamang ngayon sa klase pero parang may mali." Wika ko. Agad naman niyang iwinagayway ang kamay niya sa harap ko tila sinasabing 'wala, wala'.

"Hindi besseu. Gutom lang talaga ako. Samahan mo na lang ako para madali." Sasagot pa sana ako pero hinila niya na ko papuntang cafeteria. Yong totoo?

❌❌❌

Pagdating namin sa cafeteria, nagpaiwan na lang ako sa isa sa mga upuan don sa loob habang si Momo ay dumiretso sa counter para nga bumili ng pagkain niya 'kuno'. Ewan ko ba, feeling ko talaga may tinatago sila eh. Bakit kasi hindi ako nakapag online kagabi. Hindi ko tuloy alam kung meron bang something sa GC ng section namin. Teka!? Tama! Tama! Mag oonline ako ngayon! Bakit ko pala nakalimutan yon? HAHAHA!

Akmang kukunin ko na sana yong cellphone ko sa loob ng bag ko ng agad ng dumating si besseu. Great!

"Tara na besseu! Baka malate na tayo!" Wika niya habang hawak hawak niya ang malaking plastic punong puno ng biscuits at chichiria.

"Anong meron? Bakit ang dami mong binili?" Tanong ko sabay sulyap sa loob ng plastic. "Ganyan ka na ba kagutom ngayon?" Sabi ko pa habang natatawa. Natawa lang din siya pero yong tawa niya halatang may halong kaba.

"Hehe! Kasi besseu nagpabili din sila ate Resse tapos sila Cela at Diana kaya heto madami akong binili."

"Talaga lang ha?"

"Oo nga!" Sagot niya tapos ay bumalik na kami sa classroom.

❌❌❌

Pagdating namin sa tapat ng classroom namin, nakasara ang pintuan nito eh dati naman laging naka bukas. Kakatok na sana ako ng pinigilan ako ni Momo.

"Bakit?"

"Ah eh kasi besseu naiihi ako. Samahan mo muna ako sa cr." Wika niya. Napakunot noo ako. Pagod na kaya ako.

"Besseu sa iba ka na lang magpasama kasi pagod ako. Nakalimutan mo na bang kakatapos ko lang magkasakit. Tsaka binisita niyo pa ko kahapon nila ate Resse, Cela at Diana. Tapos sinabihan niyo pa ko na huwag magpapagod kaya please besseu paupuin mo na ko don sa upuan ko."

"Ehhh? Waggg!" Sigaw ni Momo ng bigla ko na lang binuksan ang pintuan ng classroom namin at nakita ang mga gulat na mukha ng mga kaklase ko. Ang ilan sa kanila, may hawak na kung ano ano like gunting, pandikit tsaka mga color paper. Ewan ko kung bakit at para saan lahat ng yon.

NOBODY'S BETTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon