💕 NOBODY'S BETTER 26 💕

25 3 0
                                    

"I'm deeply in love with everything about you."

~KEISHA THERA RAMESES

💕 NOBODY'S BETTER 26 💕

"Salamat po."

Isang mahabang buntong hininga ang nilabas ko dahil sa sobrang pagod. Well, it's already 7 am pero pagod na ko (pati pala 'tong dalawang kasama ko) dahil kakatapos lang namin ayusin ang pwesto ng pagtitindahan namin dito sa Senior High School gym at mga pagkain na ibebenta namin.

Kanina pa kami nagkahiwa hiwalay na mag kakagrupo at paniguradong kakatapos lang din mag ayos ng pwesto yong anim pa naming mga membro sa bawat assign gym na pinagpwestuhan nila. Isang oras na lang at pormal na bubuksan na ang school namin para sa mga bisita pero nakikita ko na ang ibang mga athletes na nasa kani kanilang mga iba't ibang pwesto upang mag ensayo maging nakita ko na rin ang mga varsity ng school namin. Pero sana, sana talaga, manalo ang mga varsity ng school namin especially si Kelso at ang Basketball team.

"Ajumma!" Napatingin ako bigla kay Rose na ngayon ay kakatapos lang mag suot ng apron niya. Hindi ko namalayan na malalim pala ang iniisip ko maging ang pagsusuot ng apron nakalimutan ko ng gawin.

"Apron mo oh!" Wika niya sabay abot ng apron sa akin. "Kanina ka pa naka tulala dyan! Iniisip mo na naman si Kelso. Sus! Mananalo sila wag kang mag alala."

Napa tawa naman ako ng kaunti at ramdam ko din ang pamumula ng pisngi ko. "Salamat," ang nasabi ko lang.

"Walang anoman! Oh Kelvin apron mo din!" Sabi niya din kay Kelvin na prenteng prenteng naka upo sa may gilid. Nagulat nga siya ng biglang tinapon ni ajumma Rose yong apron nito eh! Muntik pa siyang nasapol sa mukha buti na lang mabilis ang reflexes niya at nasalo niya ito agad kundi sapol talaga.

"Tssk! Thanks." He silently murmured na dahilan para mag roll eyes lang si ajumma. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon mainit ang dugo ni Rose kay Kelvin. Kala ko nga bati na sila eh dahil kahapon nag aasaran at nagtatawanan sila sa bahay. Pero hindi pa pala. Minsan iniisip ko may lihim na pagtingin si Rose kay Kelvin eh pero hinahayaan ko na lang. Baka kasi sila ang magkakatuluyan sa huli. Charr!

"Ajumma tara na! Mag ready na tayo dahil ilang minuto na lang at marami na tayong customers, kaya mag ready na tayo." Aniya Rose. Napa ngiti na lang ako at napa tango. Mukhang hindi si Ajumma Rose tong nasa harap ko ah! Kidding~

❌❌❌

"Salamat po. Balik kayo ulit!"

"Wow! Kaunti na lang ang ibebenta niyo besseu ah! Wala pang kalahating araw." Nagulat ako sa nagsalita sa gilid ko at nakitang si besseu Momo pala 'to. Napa ngiti na lang ako sa kanya pagkatapos kong ilista sa notebook na nasa harap ko ang napagbentahan namin.

"Oo nga besseu eh! Buti na lang kasi na i-stress na ko kahit na first day pa lang ng pagtitinda natin." Sagot ko.

"Tssk! Buti nga kayo malapit ng maubos yong tinitinda pero kami wala pa atang sampu ang bumibili. Kami kami lang na magkaka grupo ang halos magpakyaw ng tinda namin," Wika niya sabay pout. "Kulang na lang at maubos na ang baon namin ngayon maibalik lang ang nagastos namin."

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya dahil alam ko kung paano kami maubusan ng pera at pagod para lang dito.

"Ano ba tinda niyo?" Singit na tanong ni ajumma Rose sa may gilid. Kanina pa pala siya nakikinig hindi ko lang napapansin kasi may mga bumibili sa kanya. Yong tinda kasi namin, hinati namin sa tatlo. Ako ang tinda ko ay ramen noodles na ginawa ni Kelso sa bahay at Shanghai. Sa kanya, burger at fries samantalang si Kelvin ay nagtitinda ng juice na kami ang gumawa.

NOBODY'S BETTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon