"Anae, Lumayo ka nga sa kanya!"
Nagulat ako sa sigaw ni Kelso at marahas niya akong hinawi papunta sa likod niya. Tinignan niya nang masama ang kaibigan niya. Kinakabahan ako sa inasta niya at aaminin ko, first time ko lang siyang makitang ganito.
"Teka lang Kelso! Wala kaming ginagawang masama ng kaibigan mo! Infact nag uusap lang kami," napatigil ako ng mapagtanto ko kung ano ba ang nangyayari kaya palihim na napangiti ako. "Nagseselos ka ba?" Tanong ko sa kanya. Pero mas lumaki ang ngiti ko dahil sa sagot niya.
"I'm not jealous but when something is mine, it's mine. So Anae, basically you're mine and I don't want to share my possession especially if it is you."
❌❌❌
💕 NOBODY'S BETTER 27 💕
"Salamat po! Balik po kayo ulit!"
Napa buntong hininga ako pagkatapos na pagkatapos kong isulat sa notebook yong naibenta ko. Kunti na lang kasi ito dahil marami na rin ang bumili sa amin, though hindi na si Kelso yong nagluto ng Ramen noodles, malapit na din itong maubos.
"Hey! Where do you buy that?" Bigla kong tanong kay Kelvin na ngayong prenteng prenteng naka upo sa isang gilid at kumakain ng corn dog. Nacurious tuloy ako kung masarap ba iyon kasi halos limang stick na ng corn dog ang nakain niya, hindi pa rin siya matapos tapos kumain. Ang takaw niya ha! Infernes! Siguro walang ganyan sa Korea? Charr!
Ayan tuloy! Nag crave ako.
"This?" Tanong niya which he earn a nod from me. "There in Aijalon's. Why?" Tanong niya ulit sabay subo ulit nito. Napangiti naman ako ng marinig kong kila Momo pala 'to, buti naman at pinakinggan niya yong suggestions namin.
"Umm, it looks yummy. How much?" I asked. Tinignan niya lang ako saglit tapos ay tumayo siya. Pinagmasdan ko lang siya kung saan ba siya pupunta at napagtanto kong pumunta siya sa side ko at kumuha ng juice na binibinta niya. "Just ten pesos." Ang tanging sagot niya bago niya inumin yong juice.
"I see." Sagot ko na lamang.
Pagkaubos na pagkaubos ng inumin niya ay itinapon na niya ang pinag gamitan niya ng baso pagkatapos ay pinagmasdan ko lang siyang dumukot sa wallet niya ng barya para sa ininom niya. Well, kahit kami ang nagbebenta ng mga pagkain na ito ay responsible din kaming magbayad sa kinukuha namin dahil nakasalalay dito yong grades namin.
"Want me to buy you some of it?" Nagulat ako sa bigla niyang pag salita. Ang tahimik kasi naming dalawa kaya nakaka bigla kapag may magsasalita.
"It's okay. Mamaya na lang siguro ako bibili." Tumango na lang siya.
Ilang minuto din kaming tahimik ng may pumunta sa shop namin at bumili ng juice at mga pagkain sa amin kaya no choice, binigyan namin sila ng pansin.
❌❌❌
"Wooahh! Success!" Sigaw ni ajumma Rose pagkadating na pagkadating niya dito sa shop namin. Naglibot kasi siya sa buong senior high school gym dala dala ang mga paninda namin dahil napag isipan naming magkakagroupo kagabi na gawin itong strategy upang kahit papaano, madaling maubos mga tinda namin at para mas kikita pa kami. At yon nga ang ginawa namin. At kaya naiwan kaming dalawa dito ni Kelvin sa shop namin dahil nga si Rose ang gumawa nang bago naming strategy.
BINABASA MO ANG
NOBODY'S BETTER
Teen FictionNOBODY'S BETTER: There lovestory began because of a song. A song that somehow become the reason why she fall in love with him. But it is also the reason why she let him go and moved on. But what if something happens while she was moving on, Can she...