💕 NOBODY'S BETTER 14 💕

44 4 0
                                    

"Keisha." napatingin ako sa kanya at nagulat ngunit ibinalik ko ang tingin ko sa mga paa ko na tila sila na ang pinaka magandang bagay na nakikita ko ngayon.

"Can I talk to you?" tinignan ko lang siya ng may halong pagtataka at tumango.

"Great! I'll see you at the Glee club after class okay?" sabi niya at umalis. Naiwan lang akong nakatunganga rito.

💕 NOBODY'S BETTER 14 💕

Third week na ng August ngayon at five days na rin ang lumipas magmula noong yanig na naramdaman namin. At aaminin ko hanggang ngayon may trauma na ko sa lindol. OA na kung OA pero totoo 'yon. Especially noong araw na 'yon nag cause din siya ng lindol sa puso ko. Mas grabeng lindol kaysa sa actual na naramdaman namin. Kasi naman, ramdam na ramdam ko ang puso kong nawarak na parang isang building na nagiba dahil sa malakas na lindol. And I swear ayaw ko na sa mga lindol.

Dahil sa nangyari naabala lahat ng activities ng mga iba't ibang departments ngunit nag resume kami ng examination day last Monday at kahapon since two days ang examination day ng school namin.

Ngayon, ay last subject namin ngayong umaga. At kasalukuyan kaming nagchecheck ng answer sheets ng ibang section. Tama kayo nang pagkakarinig. Ibang section ang answer sheets na ichenicheck namin ngayon. Bakit? Ewan ko sa mga instructors namin. Di joke lang! Sabi kasi nila mas maganda ng iba't ibang section ang magcheck ng bawat iba't ibang answer sheets para daw walang dokturan ang maganap at para fair and square. Daming alam eh! Ang sabihin, tinatamad lang talaga silang magcheck! Charr! Ofcourse naman tama rin naman ang ginagawa ng mga instructors namin kasi alam kong marami silang handle at hindi din nila magawang maicheck LAHAT ng answer sheets kaya siguro humihingi na rin sila ng tulong sa amin. Sana lang talaga makapasa ako sa bawat subjects ko kasi alam kong nadistrak ako at hindi masyadong nakareview (dahil na nga don sa nangyari).

"Okay class! Tapos niyo na bang naicheck lahat?" tanong ng instructor namin ngayon.

"Yes sir!" ang sagot namin in unison.

"Okay, Thank you! Dahil diyan, you can have your lunch. Good day!" pagkasabing pagkasabi ni sir niyan ay nagsihiyawan ang mga kaklase ko at ang iba'y mabilis pa sa alas kwatro na nawala. Siguro gutom na sila pero maaga pa eh! Tinignan ko ang wrist watch ko at nagsasabing 11:25 pa lang. Early lunch ata ang magaganap sa amin ngayon.

"So tara na beshywap!" sabi ni Cela pagkalagay na pagkalagay ko ng bag ko sa likod ko. Ako na lang pala ang hinihintay. "Yeah!" sagot ko. Paglabas namin ng room is tamang tamang pagkalabas din ni kuya Baekhyun sa classroom nila Kelso. May dala dala siyang mga papel na may print pero hindi ko makita dahil nakatalikod ang papel sa amin.

"Good morning Oppa!" ang kinikilig na wika ni Momo. Ngiting ngiti ang lola niya samantalang ang ako ay na aamaze kay oppa Baekhyun. Sheemmsss kasi! Ang gwapo niya! Hihihi!

"Good morning." sagot niya habang pinakita niya sa amin ang pinakamatamis niya ngiti. Pwede na kong himatayin! Juicekolerd! ahuehue! Akmang aalis na sana kami at upang dadaan sa kanya ng bigla siyang nagsalita.

"Keisha." napatingin ako sa kanya at nagulat ngunit ibinalik ko ang tingin ko sa mga paa ko na tila sila na ang pinaka magandang bagay na nakita ko ngayon.

"Can I talk to you?" tinignan ko lang siya ng may halong pagtataka at tumango.

"Great! I'll see you at the Glee club after class okay?" sabi niya at umalis. Naiwan lang akong nakatunganga rito.

NOBODY'S BETTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon