Ulit

659 11 1
                                        

WARNING: Spoiler Alert! Do not read this if you don't want to spoil on Until Trilogy by jonaxx.

No plagiarism.

---

"Ulit..."

Words by: Via Aiv
Inspired by Until Trilogy by jonaxx (Yes, bes hindi pa ako nakakamove on)
Date posted: April 27, 2017, 4:25 am

Dumating ka sa buhay kong siraulo
Napasok ako sa buhay mong magulo
Wala kang ibang ginawa kundi maglaro
Wala kang nang ginawang matino

Nagtagpo tayo bilang magpinsan
Nagtagpo tayo pero laging nag-iiwasan
Sa mga galaw mo, naaasar ako
Walang araw na hindi nag-aaway tayo

Hindi ikaw ang aking unang ginusto
Hindi ikaw ang unang lalaki sa buhay ko
Hindi ikaw ang lalaking mamahalin ko
At lalong hindi ikaw ang makakatuluyan ko

Mortal na magka-away, ika nga
Iyon ikaw at ako, sabi nila
Naturingan tayong magkapamilya
Kaya't pinilit kong huwag lagyan ng malisya

Nang dahil sa kanya kaya nagagalit ka
Nang dahil sa gusto ko ay nagmamaktol ka
Naisip mo ba 'ng naiisip kong nakakaloko na?
Labas na ito sa turingang pamilya

Dumating ang araw na sana hindi muna
Nalaman kong iba na talaga
Nalimutan ko siya dahil nandito ka
Ngunit batid kong gusto kita

Pilit tinatago ang nararamdaman
Pilit pinapakalma ang mga demonyo sa tyan
Inaalis ang kaba at pa-aalinlangan
Naninindigang tayo'y mag-pinsan

Ngunit ano 'ng magagawa ko?
Kung panay ang kabog ng dibdib ko?
Ano 'ng pwedeng gawin sa sarili ko?
Lalo na't narito ka sa tabi ko

Nadinig mo ang reklamo ng mga demonyo sa tyan ko
Nadinig ko ang ritmo na galing sa puso mo
Batid nating mali at bawal ito
Ngunit ipinagpatulot natin at isinawalang bahala ito

Nang malaman nila ang atin
Halos hindi na tayo pagdikitin
Pero sadyang matigas ka't itinuloy pa rin
Kung sinong humandlang, handa mong kalabanin

May pamilya tayong isinasaalang alang
May reputasyon na dapat ingatan
May pangalan na dapat alagaan
Kaya't pinili kong ika'y pakawalan

Alam ko kung gaano kasakit
Alam ko kung gaano sila kalupit
Pero nang malaman kong mayroon agad akong kapalit
Higit pa sa lahat ang naranasang sakit

Wala ka noong mga araw na ako'y lumuluha
Kasi naroon ka sa iba, nagpapakasaya
Wala ka noong dinidiin nila ako sa problema
Dahil nasa malayo ka at hinayaan kita

Dumating kang kasama ang bago mo
Samantalang ako, nalaman ang totoo
Nagkatoon man ng pag-asa dahil hindi mo ako kadugo
Ngunit nawala rin nang makita ko kayo

Masaya sana ang buhay dahil sa katotohanan
Nalipat ako sa bagong tahanan
Ngunit iba ang puso kong hinahanap ang nakaraan
Sana pala ay hindi kita sinukuan

Gusto kong makalimot ngunit nariyan ka
Hinahabol ako at lumuluha
Nakakalito dahil may iba ka na
Ngunit ang puso mo ay nasa akin pa rin pala

Nawala ang bago mo
Siya namang pagbabalik ng nakaraan mo
Nahanap ko ang tunay na bahay ko
Ngunit nilamon ng tradisyon ang sistema rito

Pilit tayong pinaglalayo
Bawal pa rin hanggang dito
Walang lugar kungsaan ikaw lang at ako
Kung saan malaya tayo

Galit ang pamilya mo
Ayaw ng angkan ko
Pati ang mga tao sa paligid ko
Pati ang mga pinsan at kadugo mo

Gusto ko sanang sumuko
Ngunit ayaw ng puso ko
Ikaw ang sundalo ko
Sa malawakang gyerang 'to

Natuto akong lumaban nang nawala ka
Natuto akong tumayo sa sariling mga paa
Hindi kita nakikita dahil sa kanila
Umiiwas ka para sa ating dalawa

Nabunutan ako ng tinik nang matanggap tayo
Kahit mga pinsan mo lamang ito
Sobrang saya ng pagbabalik mo
Kahit sa sandali naging malaya tayo

Panibagong hamon ang dumating
Para muli tayong patatagin
Pamilya natin ang dapat harapin
Ang nais nila ay muli tayong paglayuin.

Nagsabay ang dalawang problema
Nagkasakit ang iyong ama
Ipinakilala ako sa iba
Ngunit nanindigan akong ikaw pa rin, walang iba

Nabasag ang puso ko nang makita ko kayong muli
Sa simpleng napanood ko ay di ako mapakali
Sawa ka na ba sa mga nangyayari?
Ito ba ang iyong paghihiganti?

Ngunit mali pala ako
Siniwalat mo ang totoo
Lumapit ka sa akin habang wasak ako
Nagpaliwanag na mali ako

Sa kahuli hulihang pagsubok
Parehong pamilya natin ang nanumubok
Ipinagpipilitan ang alok
Pinapapalagayna mali lang ang tibok

Maaaring tayo'y bata pa
Nginit hindi tayo tanga
Sawa na akong magmukhang kawawa
Sawa na akong laging tawagin ka

Nagmatigas ako tulad mo
Tumatakas ako gaya mo
May nasasagasaang pamilya ko
May natatalikurang tradisyon ng nuno

Naniwala akong tama ka
Kung mahal ka ng pamilya,
Pipiliin nilang suportahan kung saan ka masaya
Iyonf ang pinanghawakan ko kahit masakit na

Hindi naman tayo nabigo
Laking gulat ko nang mapapayag ang pamilya mo
Napaoo ang ama mo
Sa ayaw at sa gusto nila'y pakakasalan mo ako

Umuwi tayong tapos na ang problema
Tanggap na tayo at legal na
Masaya na kapiling ang pamilya
Balik sa dati na malaya

Elijah Montefalco
Ang nag-iisang sundalo sa puso ko
Na hindi tumigil sa pakikipaglaban
At ipaglalaban ako ng patayan

Lalaking dati ay nabubuhay sa laro at biro
Lumaking may isang binitawang pangako
Na "Si Klare Desteen ay hindi Montefalco
Ngunit gagawin kong Montefalco"

Mamahalin kita hanggang walang hanggan
Ipaglalaban kita hanggat kailangan
Hindi ka kailanman bibitawan
Ako si Klare Desteen na malapit nang maging Montefalco ...ulit

THANKS FOR READING! HOPE YOU LIKE IT😘

Tears Per Lines [Poetries]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon