Nagmamahal Ka
Written by QueenSandok
Date: January 25, 2018Magulo
Nakakahilo
Nakakabaliw
Nakakaaliw
Nakakasira ng ulo
Basta magulo
Sobrang gulo
Yung tipong hindi mo na maintindihan ang sarili mo
Yung pinag-aaway mo na ang puso, sistema at isip mo
Yung hindi ka makaluha
Yung hindi mo malaman kung may problema ba
Yung hindi mo alam kung ano ang problema
Yung hindi mo malaman kung ano na ba talaga
Sino ka pa ba
Ano ka pa ba
Nababaliw ka na nga ba?
Namamanhid na nga ba?
Walang masakit
Walang masikip
Walang problema
Malinaw na maayos ka
Pero bakit may iba?
Bakit nalilito ka?
Bakit nawawasak ang puso mo?
Bakit nawawala ka sa wisyo?
Sobrang gulo
Galit na sila sayo
Tinatanong kung anong problema mo
Sumagot ka ng wala, basta magulo
Naiiyak ka na sa gulo
Hindi mo alam, sa sarili mo
Nagmamahal na pala ang puso
Pinipigil lang ng isip at sistema mo
Sarili ko, nagmamahal ka!
Pero bakit sa maling tao pa?

BINABASA MO ANG
Tears Per Lines [Poetries]
Puisi"Ako'y may sasahin Ayaw kong diretsohin Nais kong iparating sa iyo Sa pamamagitan ng mga tula ko..." A collection of poetries: Unspoken poetries, poems about friends, love and family, poems about some great Wattpad stories and local movies, free ver...