Ayoko Muna
Written by: QueenSandok
Date: December 19, 2017Ayoko munang magmahal
Ayoko munang sumugal
Dahil alam kong hindi magtatagal
Maraming din sagabalAyoko munang umamin
Ayoko munang sabihin
Dahil alam kong alanganin
Maraming dapat ayusinAyoko munang umibig
Ayoko munang tumitig
Dahil alam kong tagilid
Marami pang umaaligidAyoko munang linawin
Ayoko munang diretsohin
Dahil alam kong maaari mo 'kong lisanin
Marami kang pwedeng gawinNgunit mahal
Natuto akong sumugal
Hindi ko na kayang patagalin
Nais ko nang umaminGusto ko nang ipaalam
Gusto ko na rin malaman
Ang maaari mong tugon
Kung bibitaw o tatalonGusto kong iparanas sayo
Itong pigil na pagmamahal ko
Na ikinakatakot ko
Dahil maaaring lumikoPatawad kung nangyari 'to
Hindi ko rin ginusto
Walang nagawa ang sarili ko
Noong puso ko na ang namuno
BINABASA MO ANG
Tears Per Lines [Poetries]
Poetry"Ako'y may sasahin Ayaw kong diretsohin Nais kong iparating sa iyo Sa pamamagitan ng mga tula ko..." A collection of poetries: Unspoken poetries, poems about friends, love and family, poems about some great Wattpad stories and local movies, free ver...