Hindi Man Tayo sa Dulo

36 0 0
                                        

Hindi Man Tayo sa Dulo
By QueenSandok
May 10, 2018

Isa, dalawa, tatlo
Apat, lima, anim, pito
Walo, siyam at sampu
Hanggang dyan lang siguro
Hindi man natin sabihin
Ayaw man natin aminin
Pero sa mundong ito, sa mga oras na 'to
Sa pagkakataong ito, wala man o merong tayo
Alam kong hahantong tayo sa dulo

Dulo...

Dulo ng unang pahina ng libro
Unang dulo sa daang-daang liko
Dulo ng tayo, dulo ng palabas sa tiyatro
Dulo na hindi aabot sa milyong kilometro
Dulo na kahit alam kong pansamantala lang ito pero hirap akong bumitaw sa'yo

Tears Per Lines [Poetries]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon