Tanga

43 0 0
                                        

Tanga
Written by: QueenSandok
Date: January 17, 2018

Matipid kang sumagot
Hindi ko magawang mabagot
Marami nang lumayo
Nandito pa rin ako
Natapos ka nang magmahal
Ilang beses na ring nagdasal
Natapos ka nang masaktan
Handa pa rin kitang pakinggan
Ilang katotohanan na ang inamin mo nang biglaan
Ngunit nananatili akong nasa 'yong likuran, nag-aabang
Nag-aabang sa iyong paglingon
Inaabangan ang iyong kamay na sa aki'y tumulong
Noong nakulong ako sa kadiliman
Noong hindi ko makita ang pintuan palabas sa kwarto ng kalungkutan, kamalasan at kamanhiran ng pusong lubos na nasaktan at isip na sarado na sa kaliwanagan at nais nang tapusin ang laban
Iniligtas mo ako
Sinalo mo ako
At sana'y muli mong saluhin dahil nahuhulog ako
Nahuhulog ako hindi dahil sa maaalahanin ka
Na ultimo pagkain ko ay aalalahanin mo pa
Nahuhulog ako hindi dahil matalino ka
Kahit ang dami kong nalaman sa 'yong mga salita
Nahuhulog ako hindi dahil sa boses mong sabi mo'y hindi maganda
Na makailang beses kong pinakinggan ngunit 'di ko magawang magsawa
Nahuhulog ako hindi dahil talentado ka
Sobrang bilib ko sa mga talento mo kahit inspirado sa iba
Nahuhulog ako sayo na hindi ko alam ang tamang rason, tamang dahilan at tamang sagot sa mga tanong na bakit at paano
Walang yatang ni-isang tamang salita para ilarawan ang nararamdaman ko
Walang tamang salita sa diksyonaryo, dahil baka nasa puso ko
Mahal, isang katangahan ang mahalin ka
Isang katangahan ang manatili pa habang masaya ka sa iba
Maghintay habang nasasaktan ka pa
Suportahan ka kung kanino ka masaya
Tulungan ka, papayuhan ka
Palagpasin ang mga kababaihang lumisan
Iyong minahal at iyong nasaktan
Hanggang sa mawala nang tuluyan
Makinig sa mga kwento mong paglisan
Habang pakiramdam mo'y ika'y napapag-iwanan
Ipinararamdam kong patago na handa kitang samahan
Isang katangahan
Isang katangahan na hayaan ang puso kong masaktan kapalit ng ligayang minsan ko lang maramdaman
Isang katangahan ang manatili sa kabila ng mga ayaw ko at hindi ko inaasahang mamahalin kong kamalian
Isang katangahan ang mahalin ka sa totoo lang
Pero tanga akong sadya kaya tulad ng sabi ko kanina, hindi ko talaga malaman ang tamang mga salita para ipaliwanag kung paano at bakit mahal kita

Tears Per Lines [Poetries]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon