Barcelona: A Love Untold

121 0 0
                                        

Barcelona: A Love Untold
Words by: Via Aiv / QueenSandok
Date posted: August 27, 2016, 1:27 am

Celine...
Nakatadhana bang gulu-guluhin?
Bakit ka nawala?
Bakit iniwan mo syang nag-iisa?
Nasaktan si Ely ng sobra
Kaya't pinili nyang manahimik muna

Pumunta sya sa Barcelona
Sa pag-aakalang malilimutan ka na nya
Inintindi nya ang pag-aaral
Pero lintek na alaalam mo ang umiiral
Lungkot na lungkot sya
Mahal na mahal ka nya

Sa pakikipagsapalaran
Si Ely yata ang mas nahirapan
Nahiwalay na sa pamilya
Iniwan pang nag-iisa
Pumunta sya sa Barcelona
Para sa bagong buhay na gusto nya

Minsan nang sumagi sa isip ni Mia
Na sumuko na sya
Napakalupit na kasi ng buhay
Na ni minsa'y walang nagbigay kulay
Pero tinatagan nya
Kaya oras na

Kahirapan man ang sumubok
Basta't ang puso'y tumitibok
Tuloy ang laban
Tuloy ang pakikipagsapalaran
Di man sya swertihin sa lugar nya
Maaaring matagpuan ito sa Barcelona

Kakayanin hangga't kakayanin
Lahat ng bagay papangarapin
Wala naman sigurong masama sa pagiging masaya
Gusto nya lang kasing sumuko muna
Bagong simula
Sana matagpuan na

Kaba, takot at pangamba
Yan ang kanilang nadarama
Unang tapak sa lupa ng iba
Nakakapanindig balahibo na
Kaya kaya?
Sana ito na.

Sa pagkakasabay, parehong may malalim na iniisip
Sa pagkakasabay, may isang salitang binabanggit
"Pagbabago"
Sana matupad ito
Sana makalimutan ang sakit.
Sana maibsan na ang pait.

Sa di inaasahan, ikaw pa ang madadaanan
Ikaw pa Ely, na may pilit kinakalimutan
Kung tigtignan si Mia
Kamukhang kamukha talaga!
Paano nangyari?
Anong nangyari?

Sinundan si Mia na pinagkamalan
Pagpasensyahan sana ang nawalan
Sadyang sariwa pa ang nakaraan
Na hanggang ngayon ay di nya malimutan
"Hindi ako si Celine!" Ang sabi ni Mia
Ngunit si Ely naman at di naniwala

Hinabol mo pa talaga
Ang taong pilit kumakawala
Sa gapos ng kahirapan
Sa pisi ng kalungkutan
Sana'y magtagumpay ka
Huli na sana itong patak ng luha

Dahil kay Tadhana
Nagsama ang dalawang nawawala
Nagsama ang dalawang taong may karanasan
Nagsama ang dalawang pusong sugatan
Na ngayon ay nagtulungan
Na ngayon ay naghilahan

Normal na buhay ang gusto
Pilit nilang pinaparito
Sabay na lumalaban
Sa buhay ng katotohanan
Nagtatalo kung minsan
Di kaya ay nagkaka-inisan

Nagkalapit at nagkapalagayan
Normal na ang samahan
Tanggap na ni Ely na sya si Mia
At ang Celine nya ay wala na
Tanggap na ni Mia
Ang nakaraang pinagmalupitan sya

Nakamit nila ang kaligayahan
Kaligayahang sila lang ang may kagagawan
Sila lang ang nakakaalam
Sila lang ang nagkakaintindihan
Tanging silang dalawa
Sa lupaing Barcelona

Alam nating lahat na hindi pa patay ang nakaraan
Babalik ito at magpaparamdam
Guguluhin ang kanilang samahan
Paghihiwalayin ang mga kamay na nagkapitan
Ganyan ang buhay
Ganyan nakakasuray

Sa pagbabalik, gugulo muli ang lahat
Sa pagbabalik, balik sa unahan lahat
Kung kelan naman may namumuo na!
Kung kelan naman nagkakamabutihan na!
Babaliktad ang tiyorya
Maaring kamukha, pero ikaw lang si Mia

Sakit ang magbabalik
Lungkot at galit
Galit sa pusong iba ang sambit
Galit sa sarili na di alam kung bakit
"Mahal kita" ang sabi ni Mia
Pero ganun mo lang din binalewala

Ngayong magkalayo na naman kayo
Matapos ang nangyaring gulo
Di na alam kung paano na
Di na alam kung tuloy pa ba
Nasanay na kasing karamay ka
Pero ngayo'y magkahiwalay na.

Tulad ng dati
Nagsimula muling magsarili
Hanggang sa magkita muli
Hanggang sa malaman ang mali
Pintig ng puso ang sundin
At ngayon mo na sabihin.

"Mahal kita"
Ngunit iyong binara
Di makapaniwalang mukha
Di na ba sya dapat pagkatiwalaan pa?
"Wag mo akong mahalin dahil mahal kita,
Mahalin mo ako dahil mahal mo ako" ani Mia

Muli kang mag-isip Ely
Minahal mo na sya bilang panghalili?
Minahal mo ba sya dahil kamukha?
Ginamit mo lang ba ang mata?
Pairalin mo ang puso sa ngayon!
Nasa harap mo na ang solusyon!

Totoo pagmamahal na hindi mo sinabi
Pagmamahal na matagal mong itinabi
Akala mo ay para lang sa nakaraan
Akala mo ay sya na lang
Ngunit hindi, Ely
Nandyan si Mia sa tabi

Noong itago mo ito
Pati si Mia gumaya sayo
Ayaw ka kasi nyang mahirapan
Gusto rin nya ng katahimikan
Bigyan sana kayo ng pagkakataon
Sabihin ang lahat ng nabaon

Wag sanang itago nalang
Wag sanang iisantabi nalang
Wag na sanang kalimutan
Wag nyo nang talikuran
Sabay nyong harapin yan
Ipagmalaki at ipaglandakan

---

Tears Per Lines [Poetries]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon