Akala Ko
Written by: QueenSandok / Via Aiv
Date Posted: October 1, 2017 , 2:26 pm
Hindi ka kagwapuhan
Hindi rin ako kagandahan
Patas lang kung titignan
Kaya umaasa akong mapagbigyan
Bata pa tayo noon
Lumipas na rin ang panahon
Ngunit nais kong balikan
Nais ko muling buksan ang hindi pa tuluyang nakasaradong nakaraan
Magkaklase tayo
Magkaibigan tayo
Magkatabi ang upuan
At hindi ko agad naramdaman
Iba na pala ang tinginan
May iba na palang nararamdaman
Masyado akong nadala
Minahal na pala kita
Nagawa mo akong akbayan
Nagawa mo akong titigan
Hawak kamay tayo sa daan
Minsan daliri ko pa ang paglalaruan
Minsan mo na akong hinila
Saka dinala sa bahay mo pala
Laking gulat ko dahil hindi na normal 'to
Kaya mas lumawak ang pag-asa ko
Akala ko
Akala ko tutungo tayo sa inaasahan ko
Akala ko sa paglipas ng panahon ay ikaw pa rin at ako
Akala ko mararating natin ang dulo
Kasi pinagtagpo na tayo
Nagkasama na tayo
Nasa kalagitnaan na tayo
Kaya umaasa ako
Pero lahat ay may katapusan
Ke nasa simula, dulo o gitna man
Sinubok tayo ng mundo
Sumugal ako
Dahil akala ko kakayanin mo
Akala ko ay ako pa rin at ako
Pero anong mararating ng akala
Kung sa paglipas ng panahon ay nawala ka
Nawala ka sa linya
Iniwan mo akong nangangarap mag-isa
Hindi ko na namalayan
Wala ka na nang tuluyan
Tila nilimot mo ako
Kinalimutan mo ang nakaraan mo
Bitbit ko ang mga alaala't akala ko
Magkakasama kaming humahabol sa 'yo
Pero nasaan ka?
Nawawala ka
Hindi ko mawari kung sinasadya ba
Pero sa tuwing nakikita kita
Bumabalik ang mga alaala
Sumasabog ang mga akala
Kaya hindi ko namamalayan
Lumuluha na ako sa 'yong likuran
Hindi ko mawari pero sa dami ng lalaki
Ikaw pa ang aking napili
Sa 'yo ako sumama
Sa 'yo ako nagpahila
Sa 'yo ko inilaan ang mga oras ko
Oras na dapat maghanap ng mas angat sa 'yo
Pero dito ako tumigil sa harap mo
Ngunit tumitig ka lang saglit at nilagpasan na ako
Nang-iwan ka ng walang dahilan
Umamin ka ng 'yong nararamdaman
Pero anong magagawa ng gawa
Kung sa kada pagkikita ay 'di ka magsasalita
Binigyan na kita ng mahabang oras
Pero sa katagalan ay pinalipas mo lang nang pinalipas
Pinaghintay mo ako kasama ang mga akala ko
Dahil akala ko, may pag-asa pa tayo
---
JellynAish, wish granted?😂
BINABASA MO ANG
Tears Per Lines [Poetries]
Poetry"Ako'y may sasahin Ayaw kong diretsohin Nais kong iparating sa iyo Sa pamamagitan ng mga tula ko..." A collection of poetries: Unspoken poetries, poems about friends, love and family, poems about some great Wattpad stories and local movies, free ver...
![Tears Per Lines [Poetries]](https://img.wattpad.com/cover/120690673-64-k705763.jpg)