Desperada Na Ako

40 0 0
                                    

Desperada Na Ako
Written by: QueenSandok / Via Aiv
Date posted: September 25, 2017, 11:22 pm

Nakakatanga
Nakakaloka
Maliliitin ka pa ng iba kapag inamin mong desperada ka na
Pagtatawanan ka pa nila kapag pinaglandakan mo na desperada ka
Pero sa hindi masising dahilan,
Nagmamahal ka lang
Nagmahal, nagpakatanga at patuloy na nasasaktan
Nagpatuloy sa pagtatanga tangahan
Mapansin lang
Kahit sa maikling sandali
Kapag natapos ka nang humikbi
Mas gugustutuhin mong magpakatanga muli
Dahil sa tingin mo, ito ang pinakamadali

Katulad mo rin ako
Hindi tayo nagkakalayo
Pareho lang tayo
Desperada rin ako
Dahil mahal ko siya
Dahil gusto ko ng atensyon niya
Uhaw ako sa mga ngiti niya
Sa mga pagbati niya
Sa pagsagot niya
Sa pagmamahal niya na ni minsan walang kapalit o pamatid man lang.

Kaya desperada ako
Kaya ako ang nauunang kumausap
Ako ang sumisiksik sa harap
Ako ang nagbubukas ng usapan
At hangga't maaari hindi ko titigilan
Ako ang magtatanong ng kung ano ano
May mapag-usapan lang kahit ang sagot niya'y puro oo
Ako ang magpapatawa
Tapos ang sagot niya ang haha at kung makikita sa personal ay nakasimangot pa
Ako ang tumatawa kung minsan may patawa siya
Kahit hindi nakakatawa, tatawa ang desperada
Ako ang pupuso sa litrato niya
Kahit ni minsan sa akin hindi niya nagawa
Ako ang panay papansin sa mga post niya
Kahit like niya, okay na
Ako ang kakalabit para tanungin siya
Kahit anong tanong kahit walang kwenta
Ako ang tatabi sa kanya
Kasi masikip na, pipiliting magkasiya
Ako ang susunod sa kanya
Kahit hindi ko daan, susunod ako sa kanya
Ako ang babati sa kanya
May karapatan ako dahil kakilala naman niya
Ako at ako nalang na desperada
Kahit alam kong minsan na nakakatawa na
Kahit alam kong pagpapakatanga na
Nang dahil sa kanya

Laging ako at ako
Hindi ko maramdaman ang pagod ko
Hindi ko maisip na sumuko
Naghihitay ng pagkakataon ko
Matyaga, sobrang tyaga
Handa ako sa mga sasabihin niya
Sanay na ako ang pag-iwas niya
Pero susunod pa rin ako dahil mahal ko siya

Pakiusap, huwag mo akong irapan
Huwag mo akong kagalitan
Nagmahal lang ako ng biglaan
Isinantabi ang lahat at pinairal ang katangahan
Desperada ako
Sobra sa inaakala mo
Desperada na akong mahalin niya
Kahit ayaw niya
Kahit ipagtabuyan niya
Kahit ipagtulakan pa ako ng tadhana

Dahil ngayon lang ako nagmahal
Ngayon lang ako sumugal
Ngayon ko inilabas ang tapang ko
Desperada na ako

---
Natamaan ka ba?

Tears Per Lines [Poetries]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon