I used this poetry, posted it on facebook and performed it in front of the class as our assignment in Filipino. This poem measures 12 sylables per lines as what our teacher said. Kabang kaba ako noong pinagsasabi ko 'to while the whole place is quiet and staring at me with teary eyes. Dont know why. So hope you like it. No plagiarism, still😂
---
"Daan"
Words by: Via Aiv / QueenSandok
Date posted: August 24, 2017, 3:49 pmGusto ko lang maalala mo ang noon
Mga minsan nang nilipas ng panahon
Tulad ng daang dinadaan daanan
Tulad nitong daang inapak apakan
Gusto kong lang na iyo itong malaman
At sana'y bigyang pansin panandalianItong aking sasabihin ay luma na
Sa katagalan mo itong inulila
Hindi mo na nga muling dianaanan pa
Sapagkat mahina na, wasak na't sira
Matapos mong ambagan ng 'yong problema
Ngayon nama'y ayaw mo nang dumaan paHinahanap hanap ka ng daang wasak
Hindi makagalaw, hindi ka mayakap
Dahil sa panandang hanggang dito nalang
Hanggang dito lang ang sakop ko't hangganan
Nilagpasan mo lang ako't lumiko agad
Hinahabol ka ng tingin, umiiyakMay nais akong sabihin sa 'yo, sinta
Gusto kong umamin ngunit 'di magawa
Ni hindi makakilos, 'di makagalaw
Himala nang ikaw ay muling maligaw
Ngunit 'di nag-iisa't may kasama pa
Naapakan na naman ako't lumuha'Di ako tulad niyang ganoong kalinis
At hindi rin ako ganoon kaayos
Wala akong yaman at hindi pinalad
At ni wala akong kagandahang sagadMayro'n lang tyaga para panghawakan ka
At tibay para ulit padaanin ka
Ito'y lihim kaya't wala 'kong gagawin
Mag-aabang muli sa 'yong pagdating
Titiisin ang lamig ng iyong sulyap
Ang pagdamay ng umiiyak na ulap
Tyaga sa bigat ng pakiramdam ko
Pigil sa inggit t'wing makikita kayoTangang daanan mo patungo sa kanya
Daang walang magawa kundi tumanga
Dinaanan ng daang-daang problema
Ngunit ikaw lang ang sanhi ng pagluha
Ang masilayan ka'y malaking bagay na
Dahil ang mahalin ako'y himala na
BINABASA MO ANG
Tears Per Lines [Poetries]
Poetry"Ako'y may sasahin Ayaw kong diretsohin Nais kong iparating sa iyo Sa pamamagitan ng mga tula ko..." A collection of poetries: Unspoken poetries, poems about friends, love and family, poems about some great Wattpad stories and local movies, free ver...