Bumalik Ako
By QueenSandok
May 10, 2018Masasayang alaala
Sunod sunod at 'di mabilang na hagalpak at tawa
Ilang ngiting abot hanggang tainga
Mula kanan hanggang kaliwa
Mula noon hanggang sa mga oras na ito...
Sa mga oras na ito na humahakbang ako patalikod
Dahan dahan at ayaw mapagod
Binabalikan ang ilang alaala sa memorya
At hindi kumukupas na litratong hawak ko pa
May ngiting hindi mapawi kahit lipas na
May mga matang hindi pumipikit kahit minsa'y may tumatalsik
May nakatagong saya sa likod ng larawang araw araw kong nakikita at pinipilit kong hilahin ka o kaya'y lamunin noon sa papapagitan ng mahika
Ngunit hindi ko magawa at wala ring ni isang may kaya
Lalo na't sa larawang 'yan laman 'di ka mabubura
Ngunit sa sa isip at puso ko ay kusa lang nawala
Umalis ka nang parang bula ngunit nag-iwan ng bakas tulad ng pag-apak sa basang semento ng iyong mga paa
Kaya naman sinundan ko iyong upang mabalik sa simula
Nais ko sanang alamin kung ako'y nagkulang ba
Nais ko sanang silipin kung may iba nga ba noong mag-isa ka
Naia ko sanang balikan kung anong dahilan kung bakit ka lumisan nang walang paalam na ni dumaan sa pintuan at iyong iniwasan
Nawala ka nang wala akong alam habang naniniwala ako sa pangako mong hindi mo ako iiwan
Mahal, nagbalik ako sa mga nakaraang alaala
Nanatili ako sa parteng masaya at narito ka pa
Mahal, nagbalik ako mahal
Bumalik ako sa eksaktong pwesto kung saan tayo nakatayo sa litrato ngunit hindi kita makita
Wala akong maramdaman, wala akong mapakinggan
Wala ka, wala ang iyong presensya kaya ang laging tanong ko, nasaan ka?
Nakipagpatintero ako sa mga sasakyan, nakipagbanggaan at nakihalo sa sangkatauhan para lang mapunta sa pwestong 'yon mahal
Ngunit nawawala ka't hindi makita
Ilang taon akong nag-antay, pagod na pagod na akong tumanga't magpakatanga
Sawang sawa na akong tumingin sa kanan at kaliwa
Uhaw na uhaw na ako sa presensya't atensyon mo
Gutom na gutom na ako sa init ng pagmamahal mo pero tila wala ka na talaga kaya't napagpasyahan kong umalis na
At sa aking pagliko at nakita kitang nakakayukong sumalubong sa akin sabay bigkas ng "Mahal kita"
Saglit na nanahimik ang mundo habamg sinasampal ako ng katotohanang gago ka
Anong karapatan mong magbalik sa pinaggalingan kung hindi mo nagawang magpaalam at bigyan ako ng rason kung bakit ka lumisan?
Sa paglipas ng panahon nakatayo ako roon
Hindi ko namalayang sa kahihitay ko ng init ng pagmamahal mo ay tumitigas na pala ang nanlamig na puso ko.
Sinasabi ko sayo, bumalik ako
Pero sa kahit anong anggulo, ang mali mo ay mali mo
Bumalik ako
At sa pagbalik ko at pagbabalik sa orihinal na mundo, wala na ang litratong pinagtaguan mo.
BINABASA MO ANG
Tears Per Lines [Poetries]
Poetry"Ako'y may sasahin Ayaw kong diretsohin Nais kong iparating sa iyo Sa pamamagitan ng mga tula ko..." A collection of poetries: Unspoken poetries, poems about friends, love and family, poems about some great Wattpad stories and local movies, free ver...