Mahal Kong Hindi Ako Mahal

54 1 0
                                    

Mahal Kong Hindi Ako Mahal
Written by: QueenSandok / Via Aiv
Date posted: September 22, 2017, 11:20 am

Kanina pa ako nagtutugma ng mga salita pero ang hirap dito 'yong nararamdaman natin para sa isa't isa, hindi magkakatugma

Tapos ito, napagdesisyonan kong sumulat na ako.

Mahal kong hindi ako mahal

Una palang babalaan na kita
Iba 'to sa lahat ng aking tula
Bakit iba?
Kasi ang nandito ay tapos na
Tapos na, na ang ibig sabihin ay moved on na
Pero... Pero may ilalabas lang akong konting, konting kadramahan
'Yong parang tira tirang mumo sa pinggan

Una sa lahat natatawa ako
Oo, natatawa ako hindi lang halata sa mukha ko kasi magmumukha akong gago
Tapos kapag nagmukha ako gago malamang hindi mo pa rin ako gusto
Tapos kapag hindi mo pa rin ako gusto edi iiyak na naman ako
At kapag umiyak ako, wala ka naman sa tabi ko
Excuse me, baka nga tawanan mo pa ako
Eh pero hindi na pala, natawa lang talaga ako

Tapos ito pa
Nagbasa ako ng old convo natin kanina
At malamang ang kupal, natatawa
Ayun, tumawa, kinilig, lumuha
Tanga eh, biruin mo puro haha nalang yung sagot mo tapos hahaha rin ako sabay follow up question
Martyr si Inday
Pero ayokong mamatay so I stop, I forced myself to stop
Kahit mahirap

And then kanina rin
Oo, kanina ko lang kasi natripan kang alalahanin
Yun, kanina, saya saya!
Aba eh nakita ko na naman ang 'yong mukha
Like, batang bata ka pa!
At syempre nakita ko rin mukha ko
Ayon, kaya naman pala hindi mo ako ginusto kasi ang pangit ko
And take note, ang dugyot mo
Pero aminin, kahit dugyot ka minahal kita
Minahal. Period. Past tense 'yon
'Wag mong akong ineeme napag-aralan natin 'yon
Sige ipapaalala ko nalang sa 'yo
Past means nakaraan
Ang nakaraan ay nakalimutan
Example: Nakalimutan ko 'yong nakaraan
Nakaraang puro biruan
Nakaraang puro harutan
Nakaraang punong puno ng kalandian
Oo, nakalimutan ko na
Gago ano? Nakalimutan tapos pinaalala sa 'yo
And sad to say, wala ka na namang pakialam
Ako lang naman 'tong ganito kahit kailan

Pero moved on na talaga ako
Moved on with letter d sa dulo
Kaso sino na namang tanga ang lolokohin ko?
Sarili ko? Ako? Ang puso ko?
Ang tanga ko.
Kasi sinasaktan ko ang sarili ko
Pinipilit kong magbago
Kinakalimutang pilit ang dating tayo
Kahit walang tayo
Kahit ako lang ang mukhang tanga dito
Pinilit kong makalimutan ka
Pinipilit kong makalimutan ka
Kahit ang hirap hirap pa
Kahit ang sakit sakit na
Kahit wasak na wasak na

Basta mahirap pero parang landian sa kama
Na titiisin ang hirap dahil matic na, na kasunod nito ay sarap
Alam mo yung ang hirap para sa 'yong magpaggap
Tapos kapag nandito ka na sa harap ko
Ni hindi ko magawang umirap
Ni hindi ko magawang kumurap
Pero aaminin ko, madalas nawawala na ako sa ulirat

Kaya kung matatanong mo kung bakit paulit ulit akong nagpapakatanga sa 'yo
Ito na ang sagot ko
Sana natandaan mo lahat ng sinabi ko
Saka tinandaan mo
Kahit hindi na ako
Kahit 'yong mga sinabi ko nalang
'Yon lang

At ngayon, makinig ka sa huling bahagi
Ng aking liham para sa 'yo, mahal

Mahal kong hindi ako mahal
Ang tula mang ito'y balbal
Ngunit sana'y may nakuha kang aral
'Wag kalandian ang ipairal
Upang ang mahinang puso'y 'di sumugal
Nagmamahal,
Hindi mo mahal

---
Nahurt ako ng berilayt!

Tears Per Lines [Poetries]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon