Mahal Lang Kita
Written by: QueenSandok / Via Aiv
Date posted: October 27, 2018 6:24 pm
Simula pa rin naman noong una
Alam kong malabo na
Noong makilala kita
Itinadhana tayong dalawa
Na magkatagpo't magkasama
At wala nang hihigit pa
Kung iisipin, mahirap intindihin
Kung dadamdamin, masakit din
Kung sasabihin ko, malabo
Kung lalayo ka, malamang ayaw ko
Kung iiwas pareho, hindi ko rin gusto
Pero kung tatanggapin ko, mananatili tayo
Naisin ko mang patigilin ang mundo
Ipagdasal gabi-gabi na sana ay tayo
Humiling sa bituin na sana'y patibukin
'Yang puso mo para sa akin
Ngunit hindi ko ginawa
Dahil mahal kita
Mahal kita sa paraang gusto kitang sumaya
Mahal kita kaya't nais kong sa iba ka
Mahal kita pero mahal ka ng iba
Mahal kita ngunit ayaw kong sa akin ka
Mahal kita dahil mahal kita
Tanggap ko na, na mahal lang kita
Mahal lang kita at yun lang ang tanging magagawa
---
Malalim 'tong tulang 'to. So I hope nagustuhan niyo. Maraming salamat!
BINABASA MO ANG
Tears Per Lines [Poetries]
Poetry"Ako'y may sasahin Ayaw kong diretsohin Nais kong iparating sa iyo Sa pamamagitan ng mga tula ko..." A collection of poetries: Unspoken poetries, poems about friends, love and family, poems about some great Wattpad stories and local movies, free ver...
![Tears Per Lines [Poetries]](https://img.wattpad.com/cover/120690673-64-k705763.jpg)